Bukol sa Leeg na Hindi Masakit: Huwag Ipag-Walang Bahala

Mayroon ka bang bukol sa leeg na hindi masakit? Huwag itong ipag-walang bahala. Baka ang inaakala mong simpleng umbok sa iyong leeg ay isa na palang malalang sakit. Ngunit hindi rin naman dapat lubos na mabahala. Bigyan lang ng sapat na atensiyon ang tumubong ito sa bahagi ng katawan upang mabigyang-lunas habang maaga. Kailangan lang na malaman mo kung ano-ano ang uri ng mga bukol sa leeg at alin ang maaaring lumala at maging kanser, at alin naman ang puwedeng hayaan lang hanggang sa mawala. May iba’t-ibang uri ng mga bukol sa leeg. Iisa-isahin natin ang mga ito upang ikaw ay magkaroon ng sapat na kaalaman tungkol dito.

Bakit nagkakaroon ng bukol o kulani sa leeg?

Ngayong papalapit na ang tag-ulan, nagiging malaki ang posibilidad ng pagkakasakit ng maraming tao. Isa na sa naging pamahiin ng mga matatanda ang dalhin ang mga nagkakasakit sa manghihilot upang ipadurog umano ang kulaning lumalabas sa kanya, partikular na sa kaniyang leeg. Ngunit bakit nga ba nagkakaroon ng bukol o kulani sa leeg? Sa isang programa sa telebisyon, ipinaliwanag ng isang medical practitioner kung ano ang papel na ginagampanan ng bukol sa ating katawan, maging sa ating leeg.

Ang kulani ay tinatawag ding lymph nodes. Ito ay korteng beans na glandulang nakakala sa buong katawan. Ang kulani, ayon sa nasabing eksperto, ay masasabing animo’y barracks o tirahan ng mga elementong panlamban sa karamdaman. Kinakain nito ang mga mikrobyo, o kaya nama’y gumagawa ng mga kemikal na tinatawag na antibodies na ang pangunahing layunin ay i-neutralize ang kemikal na ang tawag ay antigen. An lymphatic fluids na nagtataglay ng white body cells na nagdudulot ng pamamaga ay tumutulay sa lymph nodes. Ito na ang tinagawag na hindi normal na paglaki ng kulani o lymphadenophy.

Ang paglaki ng bukol sa leeg na hindi masakit, kadalasan ay sanhi ng virus na pupapasok sa ating katawan. Mas mainam kung isasangguni ito sa doktor upang mas malaman pa ang tunay na naging sanhi nito.

Natural nga ba ang bukol sa leeg na hindi masakit?

Isang natural na reaksyon ang pagkabahala kapag nakapa mo ang isang maliit na bukol sa iyong leeg. Subalit huwag naman mag-overreact dahil madalas, ito ay senyales lamang ng namamagang kulani o swollen lymph glands. Ang lymph glands ay parte ng ating katawan. normal na bahagi ng ating katawan at mayroong daahilan kung bakit ito namamaga. Kaya bago ka mag-panic, importanteng malaman mo muna kung bakit nga ba ikaw ay may bukol sa leeg na hindi masakit. Ito ba ay normal at natural?

Ang pamamaga ng kulani ay isang palatandaang ang isang tao ay may sakit. Madalas, nangyayari ito sa singit, kili-kili, at leeg.Narito ang ilang mga palatandaaan, sintomas at senyales ng kulani:

  • Runny nose o sipon, lagnat, sore throat at iba pang mga sintomas ng upper respiratory tract infecton
  • Namamaga ang kulani sa buong katawan na puwedeng maging indikasyon ng infection tulad ng mononucleosis o HIV, o di kaya’y dumaranas ng immune disorder
  • Namamaga ang hita na puwede ring maging indikasyon ng pagkabara ng lymph system dahilan ng pamamaga ng kulani
  • Pagtigas at mabilis na paglaki ng kulani na posibleng maging isang tumor
  • Nilalagnat
  • Pinagpapawisan sa gabi

Panlunas sa kulani

Dito sa ating bansa, isa sa mga normal o kadalasang nagiging dahilan ng pagkakaroon ng kulani o bukol sa leeg na lumalaki o namamaga ay tuberculosis o TB. Lalo na kapag ang pagkakaron ng ganito ay may kaakibat na mga sintomas tulad ng pabalik-balik na ubo, madinding pagkapagod, gabi-gabing sinat, pagsakit ng katawan, pamamamayat, at iba pa. Ito ay isa lamang sa mga napakaraming posibilidad. May mga iba’t-iba pang impeksyon ang maaaring maging dahilan ng pagkakaroon ng kulani at pamamaga nito.

Ang lunas dito, lalo na kung ang tao ay may bukol sa leeg na hindi masakit, ay depende sa sanhi ng pagkakaroon nito. Halimbawa, Kung TB, ang sakit, kailangan ang gamutan na hindi bababa sa anim na buwan para tuluyang matanggal at malabanan ang mikrobyong sanhi nito. Para naman sa mga kundisyong hindi pa matukoy, puwedeng ipa-biopsy ang kulani o di kaya, kumuha ng sample mula dito gamit ang isang simpleng procedure. Para malaman o matukoy kung ito ay isang TB o hindi, mainam na kumonsulta sa doktor na siyang magre-rekomenda ng pagpapa-X-ray.

Ang doktor din ang siyang mag-e-examine ng leeg, lalamunan, baga, maging ng buong katawan. Ang TB ay hindi na dapat ikabahal ngayon dahil ito ay isa nang karaniwang sakit sa ating bansa na kadalasay naman ay positibong rumeresponde sa anim na buwang gamutan. Madalas nga, sa ikatlong buwan pa lamang ay makikita na ang pagbuti o improvement ng karamdaman. Gaya ng nabanggit na, ang TB ay isa lamang sa mga posibilidad ngunit gusto natin itong masiguro dahil kapag ito ay lumala, maaari nitong maapektuhan ang iba pang parte ng katawan.

Kung ikaw ay may bukol sa leeg na hindi masakit, malaki ang tsansang ito ay hindi isang malalang sakit at may lunas pa. Ang kainaman pa nito, hindi masyadong magastos at madali lang hanapin ang mga panlunas sa kulani. Karamihan dito ay matatagpuan sa bahay o bakuran na tinagawag ding home remedies o treatment. Narito ang tatlo sa mga pangunahing natural na remedyo:

  • I-warm compress ang bukol sa leeg. Isawsaw ang malinis na tuwalya sa mainit-init o maligamgam na tubig. Pagkatapos, pigain ito at ilagay sa namamagang kulani.
  • Uminom ng gamot na pain reliever tulad ng ibuprofen, paracetamol at aspirin.
  • Magpahinga muna upang mas mabilis na gumaling.

Nang dahil sa namamagang kulani, ang itinuturing na senyales o sintomas ng ibang sakit, ay depende sa lunas, sanhi o dahilan nito. Subalit, sa bukol sa leeg na hindi masakit, puwede naman itong pagalingin o gamutin kahit sa bahay lamang. Isa na sa mga pinaka-mabisang gamot o lunas ang bawang. Ito ay may taglay na antibacterial elements na naglilinis ng katawan ng tao. Ang bawang ay isa ring anti-inflammatory, kaya ito ay nakakabawas o nakapagpapawala ng pamamaga. Maaaring kumain ng dalawang butil nito, para mabawasan o guminhawa ang namamagang lymph node o anumang related illness. Kailangan din ding kumain ng tamang pagkain at pangalagaan ang katawan upang maiwasan ang ano mang karamdaman at mapanatiling malakas at malusog ang katawan.

KATULAD NA MGA ARTIKULO