Epektibong Mga Gamot sa Alipunga

Ang alipunga ay karamdaman o impeksiyon sa balat sa paa na nakakahawa. Ito ay madalas na nakukuha sa mga pampublikong lugar kung saan nae-expose ang mga paa. Kabilang na rito ang shower room sa mga resort at gym. Maaaring lumala ang karamdamang ito na halos hindi na makakalakad kung lalala at magsusugat-sugat na ang namamalat na paa. Paano ba ito malulunasan? Ano ang mabisang gamot sa alipunga na maaaring gamitin para dito?

May mga iba’t-ibang lunas na puwedeng pagpilian. May ointment o cream na puwedeng ipahid. May mga taong may alipunga sa paa na umiinom ng gamot para maibsan ang hapti at pangangati. Bago tuklasin ang gamot sa alipunga, mas mainam na alamin muna kung ano ang nagiging sanhi ng sakit sa balat na ito.

Mga indikasyon o sintomas ng alipunga

Kung minsan, hindi masyadong aware ang isang tao na mayroon na pala siyang alipunga sa paa. Palibhasa’y hindi nila nararamdaman ang mga senyales, maging ang sintomas ng sakit, hindi nila alam na may impeksiyon na pala sila. Karaniwang akala ng nakararami na normal na pamamalat lamang ang kanilang nararanasan sa kanilang paa. Maaaring tama sa sila, ngunit maaari ring mali.

Kung ang pamamalat ng paa ay may kasabay na pangangaliskis at pamumula ng balat, walang kaduda-duda, ito ay isa nang alipunga. Lalo pang makukumpirma ang sakit kung ang sintomas ay nadagdagan pa ng pangangati at paghapti. Kung hindi maaagapan kaagad ang mga sintomas na mararanasan, maaari pa itong lumala.

Kapang nag-crack na ang balat, sumobra na ang sakit at nagdugo na sa paa, kumonsulta na sa doktor. May mga kundisyon din ng ng alipunga kung saan nangangamoy na ito at sadyang nakakahawa na. Bago pa man lumala nang ganito, humingi na sa doktor ng mabisang gamot sa alipunga. Siya lamang ang tanging nakakaalam ng tamang paraan kung paano malulunasan ang problemang ito sa balat.

Ang mga indikasyon ay maaaring maramdaman sa iba pang bahagi ng katawan. Kapag ito ay malalang-malala na, puwedeng kumalat ang mga pamamalat, pangangaliskis, pagkati at paghapdi sa mga kamay. Maaaring may mali sa eating habits, hygiene, o kabuuang lifestyle mo kaya ka nagka-alipunga. Sa artikulong ito, iisa-isahin ang mga mga posibleng mabisang gamot sa alipunga na makakatulong sa iyo.

Mga dahilan ng pagkakaroon ng alipunga

Napakarami ng uri ng fungus na nagiging sanhi ng alipunga. Puwedeng ring magdulot ng sakit na ito ang fungus na nagiging sanhi rin ng hadhad at buni. Ngunit bakit ba nagkakaroon ng alipunga sa paa ang isang tao? Maaaring makuha ang sakit sa balat na ito sa namamasang medyas o di kaya sapatos. Maging ang mainit na panahon ay maaari ring makapagdulot ng alipunga.

Gaya ng nabanggit, ang pamamalagi sa mga kontaminadong luga tulad ng locker room, gym, nail salon a tswimmig pool ay makapagdudulot din ng pagkakasakit sa balat. Maaari ka ring mahawa sa alipunga ng iba kung ikaw ay gagamit ng damit, medyas at tuwalya nila. O di kaya, maglakad-lakad ka lamang sa mga lugar na nilakaran nila at malaki ang posibilidad na magkaroon ka rin nito.

Gamot sa alipunga na dapat subukan

Ang pinakaunang dapat gawin para gamutin ang alipunga ay ang pagpapanatili ng kalinisan ng mga paa. Dapat ding parating tuyo ang mga ito. Sa ganitong paraan, mapipigilan ang pag-multiply ng fungus sa paan na dahilan ng paglala ng alipunga. Mas mainam din kung magsusuot muna ng sandals habang pinapagaling pa ang sakit sa balat. Ito ay higit na mas mabilis makapagpagaling ng alipunga kaysa sa pagusuot ng sapatos sa loob.

Mabisa pa ring gamot sa alipunga ang mga pampahid katulad ng miconazole, clotrimazole, o terbinafine. Ito ay mabibili bilang ointment, spray, cream, lotion, at iba pa. Kailangan lang ng tuloy-tuloy na paggamit para tuluyang mawala ang lahat ng sintomas na naranasan. Ang mga indibidwal namang mayroon nang malalang kundisyon ng alipunga, sila ay pinapayuhan nan g doktor na uminom ng tableta para sa mas mabilis at mabisang epekto. Ang nasabing tableta ay naglalaman din ng mga nasabing component na mayroon ang cream at iba pa.

Kung naininiwala naman sa natural at readily available, may mga home remedies din bilang gamot sa alipunga. Tunay ngang mabisang gamot ang bleach at vinegar soaks para gamutin ang pangangati.

Walang pinipiling panahon ang sakit na alipunga. Kapag tag-araw, mae-expose ang paa sa mga swimming pool kung saan maraming naliligo at ang mga naliligo rito ay posibleng may alipungang nasa malala nang kundisyon. Kapag tag-ulan naman, ang basang kalye at baha na natapakan na rin ng ibang taong may ganitong sakit ay maaari ring pagmulan ng alipunga.

Paano makakaiwas sa sakit na alipunga?

Importanteng malamang mas madalas na nagkakaroon ng alipunga ang mga kalalakihan kaysa sa mga kababaihan. Maging ang mga mas madalas na basa ang medyas o sapatos, sila rin ang mas may risk na madaling magkaroon ng ganitong sakit sa balat. Kung ikaw ay mahilig makigamit ng damit, bed sheets, basahan at kumot, maliban sa medyas at sapatos, mataas din ang tsansang ikaw ay magkaroon ng alipunga. Kung mahina ang resistensiya mo sa katawan, posible ka ring magkaroon ng alipunga kaagad. Kaya naman mahalagang malaman mo kung paano umiwas na magkaroon nito.

Ang alipunga ay kilala bilang fungal infection na masalas na nagsisimula sa mga daliri ng paa. Ito ay makikita sa pagitan ng mga daliring madalas magpawis kapag nakasuot ang sapatos. Ang mga sintomas at senyales ng karamdaman ito, katulad ng nabanggit na ay ang pagkaramdam ng scaly rash, at pangangati at pagkahapdi. Ito ay nakakahaw lalo na kapag ang sahig, maging ang damit at tuwalya ay contaminated. Ang alipunga foot ay puwedeng gamutin sa pamamagitan ng mga over-the-counter antifungal medications subalit kadalasan, bumabalik o pabalik-balik ang infection.

Upang makaiwas sa nakahahawang sakit na ito sa balat, siguraduhing palaging tuyo ang mga paa lalo na ang mga gitna ng daliri. Ugaliin din ang palagiang pagpapalit ng medyas at pagsusuot ng sapatos na well-ventilated at maluwag. Iwasang suotin ang iisa o parehong sapatos sa araw-araw. Iwasan din ang paglalakad ng nakapaa sa public places. Makatutulong kung ikaw ay gagamit o maglalagay ng anti-fungal powder. At higit sa lahat, iwasang humiram o makigamit ng sapatos ng iba.

KATULAD NA MGA ARTIKULO