Mayroon Bang Gamot sa Beke?

Ang beke ay isa sa mga pinaka-iiiwasan at kinatatakutang sakit ng mga magulang para sa kanilang mga anak. Kung magulang ka, tiyak na nakaka-relate ka rito. Ikaw, nagka-beke ka na ba noong bata ka? Kadalasan, ang alam lang natin sa salitang ito ay, ito ay sakit sa leeg na nakakahawa, period. Pero, ang totoo, marami pa tayong hindi alam tungkol sa sakit na ito. Madalas din, hindi natin alam kung ano o mayroon nga bang gamot sa beke na maaaring nating subukan o inumin. Karaniwan na nating naririnig ang beke bilang sakit na nakaka-apekto sa bata. Ibig sabihin ba nito, ang mga matatanda ay hindi na dinadapuan ng sakit na ito? Ating alamin.

Ano nga ba ang beke at paano ito nakakahawa?

Ayon sa mga pananaliksik, ang beke o tinatawag ding mumps sa Ingles, ay isang karamdamang dulot ng Mump Virus. Karaniwang naapektuhan ng sakit na ito ang mga bata. Ang pinakaimportanteng sintomas na nararamdaman dito ay ang implamasyon at kirot sa bandang tagiliran ng panga sanhi ng pamamaga ng glandula ng laway o salivary glands. Sa kabila ng bakunang tinatawag ding MMR na panlaban sab eke, importanteng malaman na ito ay maituturing pa ring pangkaraniwang sakit sa mga bata. At kahit na kusang gumagaling, ang beke, para sa ilan, ay puwede pa ring makapagdulot ng komplikasyon.

Kung ikaw o sino man sa inyong pamilya ay hindi pa nagkakaroon ng beke, malamang hindi ka pa masyadong nag-aalala at hindi rin gaanong interesado sa gamot sa beke natural man iyan o synthetic na gamot. Bago pa man magkaroon ng interes sa panglunas, alamin mo muna kung paano ka magkakaroon o mahahawa sa sakit na ito. Ikaw ay posibleng mahawa sa beke sa pamamagitan ng mga tinatawag na human liquid o likidong inilalabas ng tao gaya ng plema, lura at laway. Ang mga ito ay puwedeng matangay o mapasama sa hangin bilang mga droplets.

Kapag ang mga droplets na ito ay dumapo o dumikit sa bibig, mata, o ilong mo, puwede kang mahawa ng beke. Maging ang pakiisalo sa pagkain at pakikipaghalikan ay puwedeng mahawa o makahawa ng beke. Ang mga sumusunod ay mga sintomas na mararanasan ng isang taong may beke:

  • Pamamaga ng salivary glands o glandula ng laway – namamaga ang tagiliran panga napuwedeng masabayan ng pamumula, pananakit at kirot habang ang pasyente ay kumakain o ngumunguya.
  • Lagnat
  • Sakit ng ulo
  • Sa mga lalaki, posibleng pamamaga ng bayag (na madalas maranasan ng mga binata at mas nakatatandang mga kalalakihan)
  • Matinding pananakit ng kalamnan
  • Sobrang pagkahapo at panghihina ng katawan
  • Nawawanan ng gana sa kahit na anong pagkain
  • Masakit kapag ngumunguya o lumulunok

Bakit nagkaka-beke ang isang tao?

Kagaya ng nabanggit, ang beke ay sakit na nagmumula sa isang klase ng virus at mabilis itong kumakalat sa pamamagitan ng fluid sa bibig o mas alam natin bilang laway. Kung ikaw o sino man sa inyong pamilya ay hindi nagpabakuna laban a karamdamang ito, malaki ang posibilidad na ikaw ay mahawa ng beke. Kapag nalanghap mo ang hanging may droplets ng laway na nagmula sa isang pasyenteng may beke, napakalaki ng tsansang magka-beke ka rin. Kung ikaw ay gumamit ng mga kagamitang gaya ng kutsara, plato o baso na ginamit rin ng taong may beke, posible ka ring mahawa.

Gamot sa beke na maaaring subukan

Nagka-beke ka man o hindi, napansin mo bang wala naman talagang partikular na gamot sa beke? May naalala ka bang binili mo over the counter at sinabing, “pabili nga ng gamot sa beke?” Tiyak na wala, dahil wala naman talagang ganitong espesipikong panglunas. Maging sa mga pag-aaral, wala namang nababanggit na gamot sa beke. At, katulad nga ng mga nakararaming virus, nawawala ito ng kusa. Pero may mga maaari namang gawin para maibsan ang pakiramdam at sintomas. Isa na rito ang cold compress sa parte ng panga na apektado ng beke.

Para naman sa sakit at kirot ng panga, puwedeng uminom ng pain reliever katulad na lamang ng Paracetamol. Iwasan ang pagkain at pag-inom ng mga maaasim na pagkain at inumin dahil nagiging sanhi ito ng pagkairita ng salivary glands na nagdudulot ng pamamaga nang dahil sa beke.

Natural na gamot sa beke

Dahil wala naman ngang partikular na gamot sa beke, may mga natural na panglunas namang maaari kang subukan. Isa na rito ang luya dahil sa taglay nitong anti-inflamatory peroperty. Ang luya ay isa ring anti-viral na natural na panglunas kaya puwede rin itong gawing paste, o kaya naman ay inumin, para mas mapadali ang paggaling ng beke. Narito rin ang ilan pang mga natural na gamot sa beke na maaring makatulong maibsan ang pakiramdam mo:

  • Asparagus
  • Carrot
  • Pineapple juice
  • Bawang

Ang mga ito ay mabisang panlaban sa beke. At sa mga nabanggit, ang bawang ang pinaka-epektibong pampaalis ng sakit at pamamaga ng leeg. Bukod sa mga pagkain at inuming nabanggit, mainam din ang pagkain ng balanced diet na kinapapalooban ng napakaraming gulay at prutas. Ang pag-inom ng maraming tubig ay nakatutulong din para mabilis na gumaling ang beke.

Ang beke ay umaabot ng dalawang linggo. Kaya naman sa mga panahong ito, limitado ang maaaring gawin ng isang taong may beke.

Iba pang natural na pamamaraan bilang gamot sa beke

Isa pang maaaring maituring na gamot sa beke ang Indian Aloe dahil ito ay napakainam sa masakit at namamagang bahagi ng katawan. Gawin ito sa pamamagitan ng pagbala ng isang parte ng aloe at budburan ng pinulbos na luya o turmeric. Ipahid sa bahagi ng mukha o leeg na may beke at i-bandage ito. Nabanggit kanina ang luya bilang mabisang gamot sa beke, inumin man ito o ipahid. Ang luya ay dinidikdik hanggang sa maging paste at saka ito ipinapahid sa pisngi. Isa ting mabisa at mabilis na gamot sa beke ang pamintang dinikdik at hinahaluan ng tubig upang gawing paste. Ipinapahid lamang ito sa namamagang bahagi ng mukhang may beke. Ang paste na ito ay tinatawag ding black pepper paste at talagang napakabilis umepekto nito.

Makatutulong din kung iinom ng pinakuluang tubig na pinalamig. Simpleng hakbang man ito, tunay namang nakalulunas. Uminom din ng carrot juice ha may halong pineapple at grape juice. Ito ay napatunayan nang mabilis at mabisang nakapagpapagaling ng pamamaga. Ang mga ito ay natural na pamamaraan ngunit garantisado namang epektibo at mabilis makapagpagaling ng beke.

KATULAD NA MGA ARTIKULO