Gamot Sa Constipation: Ano Ang Gamot sa Hindi Makatae?

Maraming tao ang nakakaranas ng constipation, ang ganitong sitwasyon ay nagdudulot ng stress dahil sa mga hindi kanais-nais na mga sintomas nito. Ano ang gamot sa constipation? Paano malalaman ang gamot sa hindi makatae, at saan makakuha ng gamot pampatae?

Ano ang constipation?

Ang constipation ay itinuring na karaniwang sakit ng karamihan, at ang madalas na dahilan ay ang mga pagkain na kinakain, mga kinaugalian,at mga karamdaman. May mga tao naman na hindi alam kung ano ang sanhi ng kanilang constipation, o chronic idiopatic constipation. Masasabing may constipation ka kapag wala pa sa tatlong beses ka kung tumatae sa loob ng isang linggo. At kung minsan ay mayroong nararanasang mga sintomas tulad ng hindi ka komportableng tumae, may kabag, masakit kapag tumatae at matigas ang tae. Ang constipation ay maaari ding magdulot ng mga negatibo at seryosong problema sa mental at physical na kalusogan. Mayroong gamot sa constipation, at mga paraan para masolusyon ito.

Gamot sa constipation: Natural na mga paraan

Ang isang dahilan ng constipation ay dehydration, upang maiwasan ang dehydration ay kailangang uminom ng maraming tubig. Kapag may constipation ay makabubuting uminom ng sparkling water o kaya ay carbonated water. Sinasabing mas mabisa itong paraan o gamot pampatae kaysa ordinaryong tubig inumin.Pero hindi naman ipipinapayo na laging uminom sparkling, carbonated water o sugary soda dahil maaari din itong makasama sa kalusugan. Ang pag-inom ng maraming tubig araw-araw ay makakatulong sa kalusugan at pwedeng maging gamot sa hindi makatae.

Kumain ng mga pagkaing mayroong fiber. Ang mga pagkaing mayroong fiber ay makatutulong upang maging madali at hindi mahirap ang paglabas ng tae. Ang pagkain ng pagkain na mayroong fiber ay maaaring mapabilis ang paglabas ng tae ngunit pwede rin itong magdulot ng sorang lambot ng dumi o tae, at maaring pagmulan ng pagtatae. At maaaring hindi nito masulusyonan ang ibang problema na dulot ng constipation katulad ng kabag at sakit.

Mayroong dalawang klase ng fiber na matatagpuan sa pagkain, ang soluble fiber, at insoluble fiber mas makabubuti kung ang dalawang uri ng fiber na ito ang ating kakainin, ang lalake ay kailangan na kumain nito ng 38 grams, at ang babae naman ay 25 grams araw-araw. Matatagpuan ang soluble fiber sa mga pagkain katulad ng, oat bran, barley, nuts, seeds, beans, lentils at peas, prutas at gulay. Ang mga insoluble naman ay matatagpuan sa wheat bran, vegetables at whole grains. Mayroong ding fiber supplements na maaring makatulong kapag may constipation katulad ng non-fermentable soluble fiber o psyllium.

Mag-exercise para makatae. Ang exercise ay sinasabing hindi naman talaga gamot sa constipation o derektang nakakatulong sa mabilis na paglabas ng dumi o tae. Ngunit tumutulong naman itong mawala ang mga sintomas na nararamdaman dulot ng constipation. Kapag maroon kang constipation ay subukang maglakad-lakad upang maging komportable ka at mawala ang mga hindi kanais-nais na nararamdaman dulot ng constipation.

Uminom ng kape, lalo na yung caffeinated coffee. Ang pag-inom ng kape ay makatutulong sa muscles ng digestive system kaya mabuti din itong gamot sa hindi makatae. Ang pag-inom ng coffeinataed coffe ay sinasabing mas mabisang gamot sa constipation kaysa pag inom ng ordinaryong tubig. Ang kape ay tumutulong sa muscle ng digestive system kaya napapabilis ang paglabas ng dumi o tae.

Gumamit ng Senna herbal laxative. Ang senna herbal laxative ay karaniwan ng gamot sa constipation na mabibili over the counter. Ang senna ay mayroong mga halamang gamot na tinatawag na glycosides na nag i-stimulate sa nerves ng tiyan at nagpapabilis ng paglabas ng dumi o tae. Ang senna ay hindi makabubuti sa mga babaeng nagdadalantao, sa mga inang nagpapasusu ng sanggol, at sa mayroong mga karamdaman tulad ng imfammatory bowel disease.

Kumain ng mga pagkaing mayroong probiotics o probiotics supplements. Ang probiotics ay tumutulong upang maiwasan ang chonic constipation. Ang mga tao na may chronic constipation ay sinasabing mayroong imbalance bacteria sa kanilang tiyan. Ang probiotic ay tutulong upang maging balance ang bacteria sa tiyan at maiwasan ang constipation. Ang probiotic a ay mayroon ding lactic acid,short-chain at fatty acid na tumutulong upang mapabilis ang paglabas ng tae. Ang mga pagkaing katulad ng yogurt, sauerkraut at kimchi ay mayroong good bacteria at probiotic na makabubuti sa tiyan. Maari ding gumamit ng probiotic supplements araw-araw sa loob ng apat ng linggo.

Mga uri ng laxatives na mabibili over the counter

  • Bulking agent – ito ay isang fiber-based laxatives na nagdadagdag ng tubig sa tae para mabilis itong lumabas.
  • Stool softener – ito ay mayroong certain oil na tumtulong para mabilis na lumabas ang tae.
  • Stimulant laxative – ito ay tumutulong upang ma-stimulate ang nerves sa tiyan upang mabilis na lumabas ang tae.
  • Ostomic laxative – ito ay nagpapalambot ng tae sa pamamagitna ng ng tubig na tumutulak sa palibot ng tissue ng digestive system at nagpapabilis ng paglabas ng tae.

Mas makabubuti ng kumonsulta sa iyong doktor o kaya ay magtanong sa isang pharmacist tungkol sa paggamit ng mga ganitong gamot sa constipation.

Kumain ng shirataki noodles o kaya glucomannan supplements

Ang shirataki noodles o kaya glucomannan supplement ay tumutulong upang ma-improve ang balance ng good bactria sa tiyan, kaya maitutring din itong gamot sa hindi makatae.

Subukan ang Magnesiume Citrate

Ang paggamit ng kaunting magnesium citrate supplement ay maituturing gamot sa hindi makatae. Ang mataas na dosage nito ay ginagamit sa paglinis ng tiyan upang mawala ang tae o dumi bago gumawa ng
anumang operasyon sa tiyan. Ang kaunting dosage nito ay gamot sa constipation.

Kumain ng prunes para mabilis makatae

Ang pakain ng prunes o prunes juice ay gamot sa constipation, ito ay mayroong natural na laxative sorbitol o kaya ay sugar alcohol na mabisang gamot sa hindi makatae. Ang 50 grams ng isang 7 medium-sized ng prunes araw-araw ang sinasabing tamang dosage nito.

Iwasan ang pag-inom ng cow’s milk dahil pwede itong maging sanhi ng lactose intolerance na maaring mgdulot ng constipation.

Mayroong gamot sa constipation,may mga natural na paraan at mayroon din mga gamot na mabibili over the counter.May mga pagkain din na maaaring maging gamot sa hindi makatae.Kailangan lang ng tamang paraan at tamang kaalaman sa gamot pampatae para sa mabisang resulta at masulusyonan ang problema. Kapag bibili ng gamot over the counter ay makabubuting magtanong sa isang pharmacist. O mas makabubuting kumunsulta sa doktor.

KATULAD NA MGA ARTIKULO