Alamin ang Mabisang Gamot sa Madalas na Pag-Ihi

Napapadalas ba ang Pag-ihi mo? Madalas ba ay naaabala ka na sa iyong mga gawain o mahimbing na tulog dahil sa madalas na pag-ihi? Eh, ano nga ba ang sanhi nito? Sa artikulong ito, madidiskubre mo ang mga sanhi, sintomas at gamot sa madalas na pag-ihi. Basahin mong mabuti dahil tiyak na may makikitang impormasyong makatutulong sa kundisyon mo.

Sa mga susunod na talata, malalaman mo ang mga karagdagan pang detalye katulad ng:

  • Mga uri ng sakit na ngdudulot ng madalas na pag-ihi
  • Ano-ano ang mga sanhi nito
  • Mga kaugaliang maaaring magdulot ng madalas na pag-ihi
  • Mga sakit na dahilan ng madalas na pag-ihi
  • Mga komplikasyon na dulot nito
  • Ano ang balisawsaw
  • Mga sanhi ng balisawsaw
  • Paano maiiwasan ang sakit na balisawsaw

Kung ikaw ay umiihi ng mahigit sa tatlong litro kada araw, ikaw ay posibleng may sakit na tinatawag na polyuria. Hindi mo naman dapat ikabahal ang ganitong karamdaman dahil ito ay madali namang gamutin at mabilis na babalik sa normal ang pag-ihi mo. Kung madalas naman ang pag-ihi mo, maaarig may mas seryoso o malala pang dahilan o sanhing kailangang bigyan ng atensyon.

Habang maaga pa ay magpatingin na upang madaling matukoy ang sanhi ng madalas na pag-ihi. Sa ganitong paraan, madaling mabibigyan ng lunas o gamot ang karamdaman. Ang pagsasa-walang bahala ng mga naturang sintomas ay maaaring mauwi sa mga komplikasyon.

Ano ang maladas na pag-ihi?

Alam naman nating lahat na ang pag-ihi ay isang natural na paraan upang mailabas ang mga dumi sa katawan. Ang ihing inilalabas ay nagtaraglay ng tubig, uric acid, urea at mga toxin, at mga duming nasala ng kidney, na siya namang trabaho nito.

Isa pa, ang ihi ay naiipon sa urinary bladder hanggang sa mapuno ito at lumabas sa pamamagitan ng pag- ihi. Kung madalas ang pag-ihi (urinary frequency) mo, dapat na malamang mayroon pa itong kaunting control sa bladder. Makakarating ka pa sa banyo bago ka pa man maihi. Ito ay maaaring mangyari sa panahon na hindi mapigilang pag-ihi o incontinence, ngunit hindi ito magkapareho.

Karamihan sa mga taong nakararanas nito ay umiihi ng anim hanggang pitong beses sa loob lamang ng 24 na oras. Ang mga bata ay mas madalas na umihi kaysa sa mga matatanda dahil sa mas maliit ang kanilang bladder kaya mas madaling itong mapuno. Kapag ang madalas na pag-ihi ay nagdudulot ng hindi komportableng pakiramdam, kailangan na itong ipatingin sa dockor.

Bakit nga ba napapadalas ang pag-ihi?

Marahil hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa iyo kung bakit madalas ang pag-ihi mo. Narito ang nakaugalian nang gawin na posibleng nagti-trigger ng dalas ng pag-ihi:

  • Pag-inom ng maraming fluid
  • Pag-inom ng kape
  • Pag-inom ng beer lalo na sa gabi
  • Maaaring nakaugalian lamanglamang

Kung minsan, hindi lamang sa daily habit nagmumula ang sakit na madalas na pag-ihi. Ang pag-ihi ay sanhi ng mga karamdaman gaya ng:

  • Kidney o problema sa ureter
  • Problema sa urinary bladder
  • Diabetes mellitus
  • Diabetes insipidus
  • Pagbubuntis
  • Prostate o problema sa gland

Hindi natatapos dito ang mga sanhi ng madalas na pag-ihi. Narito ang ilan pa sa mga dahilan

  • Anxiety o pagkabahala (sobrang pag-iisip)
  • Dahil sa mga iniinom na gamot dulot ng mga sakit
  • Stroke at iba pang sakit dulot ng brain nervous system
  • Urinary tract infection o UTI
  • Interstitial cyslitis, o pamamaga ng bladder wall
  • Overactive bladder syndrome (OAB)
  • Bladder cancer (kanser sa pantog)
  • Bladder o kaya ay kidney stone (tumubong bato sa pantog at kidney o bato)
  • Urinary incontinence (hindi mapigil ang pag-ihi)
  • Radiation ng pelvis dahil pag-gamot sa cancer
  • Colon diverticulitis o nasa wall ng intestine
  • Sexually transmitted disease (STD) tulad ng Chlamydia

Mga sintomas na dapat bantayan

Polyuria – ang sintomas na ito ay ang madalas na pag-ihi. Subalit, may sintomas na maaaring dahilan sa mga iba pang mas malalang sakit.

Nocturia – ito naman ang tawag sa madalas na pag-ihi sa gabi, na kung minsan nagiging dahilan ng pagkapuyat sa gabi dahil sa madalas na pag-ihi. Ito ay sintomas ng sakit na diabetes insipidus o kaya ay diabetes mellitus.

Kung nakararanas ka ng ganitong discomfort sa pag-ihi, gustong-gusto mo na marahil na malaman ang karampatang gamot sa madalas na pag-ihi. Ngunit kailangang malaman mo muna ang iba pang mga sintomas gaya ng:

  • Sakit ng pakiramdam kapag umiihi
  • Mapulang kulay ng ihi at kakaiba ang amoy
  • Dahan-dahang hindi mapigilan ang pag-ihi (urinary incontinence)
  • Nahihirapang umihi, kahit ihing-ihi na
  • May lumalabas na discharge sa ari
  • Pagkauhaw
  • Pananamlay at pagsusuka
  • Lagnat

Kapag nakikitaan o nakakaramdam ka na ng mga ganitong sintomas, malamang, may mas malala ka pang sakit na kailangan nang ipatingin sa doktor para mabigyan ng tamang lunas o gamot sa madalas na pag-ihi.

Mga test na maaaring gawin

  • Urine analysis – para malaman ang mga problema sa ihi
  • Ultrasound – para makita ang hitsura ng kidney
  • CT scan – para sa tiyan at pelvis
  • Neurological test – para malaman kung may nerve disorder

Ang mga lalaki at babae ay maaaring magpatingin sa urologist. Ang mga babae naman ay maaaring kumonsulta sa gynecologist. Ang mga ispeyalistang ito ang magbibigay ng tamang gamot sa madalas na pag-ihi na angkop sa mga sintomas at mga test na ginawa.

Gamot sa madalas na pag-ihi

Ang gamot sa madalas na pag-ihi ay depende sa mga sanhi at sintomas nito. Narito ang mga maaaring gawing lunas ayon sa mga pagsusuring ginawa, sanhi, at sintomas nito.

  • Kapag ang sintomas at sanhi ayon sa pagsusuri ay dahilan sa diabetes mellitus, ang agmot na maaaring ibigay ay gamot na pampababa ng blood preasure at sugar level.
  • Kung ang dahilan naman ay kidney infection, ang kadalasang ibinibigay ay antibiotic o painkiller.
  • Ang OAB o overactive bladder naman ay panggagamot na tinatawag na anticholorgenic. Para maiwasan ang involuntary detrusor, sa wall ng bladder.

Ang isa pang dahilan ng madalsa na pag-ihi ay balisawsaw, ano nga ba ito? Pag usapan natin ngayon kung ano ang balisawsaw, sanhi at gamot nito.

Ano ba ang balisawsaw?

Ang hindi kanais-nais napakiramdam dulot ng balisawsaw ay maaaring mangyari maging sa kahit na sino, babae man o lalaki, ano man ang edad. Subalit kadalasan, ito ay nangyayari sa mga babae kumpara sa lalaki, mas matandang lalaki kaysa nakababatang lalaki. Ang balisawsaw at nagdudulot din ng matinding sakit kapag umihi. Kapag dumadalas na at sobrang sakit nan g balisawsaw, maaari itong makasama sa isang tao.

Sanhi ng balisawsaw

Ang kadalasang sanhi ng balisawsaw ay UTI o urinary tract infection, maaari ding sanhi ito ng mga infection sa bato ureter o tubong daanan patungo sa pantog, sa pantog at urethra, o daanang tubo palabas ng katawan. Samantala, madalas namang dahilan ng UTI ang bakteryang pumasok sa daanan ng ihi.

Ang balisawsaw ay isa ding sanhi ng madalas na pag-ihi, at maaring sintomas din ito ng mga sakit tulad ng UTI at iba pang impeksyon. Para malaman ang gamot sa madalas na pag-ihi dahil sa balisawsaw, mainam na kumonsulta na sa doktor kaugnay nito.

May mga natural na remedy naman para malunasan o maiwasan ang balisawsaw. Narito ang ilan:

  • Buko juice: Ito ay mayroong diuretic na puwedeng magparami ng ihi, para mabawan ang sakit ng pag-ihi dulot ng balisawsaw
  • Uminom ng 10-20 na baso ng tubig araw-araw
  • Iwasan ang mga maaalat na pagkain
  • Magkaroon ng sapat na pahinga
  • Maging malinis sa katawan

Ang madalas na pag-ihi ay maaaring maging sintomas na ng mga sakit at komplikasyon. Kaya para malaman ang gamot sa madalas na pag-ihi magpatingin na sa doktor upang mabigyan ng sapat na lunas sa karamdamang ito. Subukan na ring umiwas sa mga nakaugalian na katulad na lamang ng pagkain ng mga bawal o nakasasama sa katawan. Ugaliin na lamang ang pag-aalaga nang mabuti sa sarili nang hindi na magkasakit pa, sa pag-ihi man iyan o iba pang uri ng karamdaman.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Alamin ang Mabisang Gamot sa Madalas na Pag-Ihi
Rate this post

Like us on Facebook!

KATULAD NA MGA ARTIKULO