Gamot sa Makating Lalamunan: Sanhi at Lunas sa Makati at Namamagang Lalamunan!

Pag-uusapan natin sa artikulong ito ang mga impormasyong kailangan mong malaman tungkol sa makating lalamunan, kung ano ang mga sanhi at gamot sa makating lalamunan.

Sanhi ng makating lalamunan

Bago natin pag-usapan kung ano ang mabisang gamot sa makating lalamunan, tukuyin muna natin ang mga sanhi nito.

Ang pangngati ng lalamunan kung minsan ay pangkaraniwan lamang, ngunit may mga pagkakataon na nangangailangan ito ng medikal na atensyon dahil sa mga maaaring komplikasyon na dulot nito.

Narito ang mga karaniwang sanhi ng makating lalamunan.

  • Impeksyon ang isang karaniwang sanhi ng makating lalamunan – kadalasan na sintomas ito ng impeksyon dulot ng bacteria, viruses, at fungi. Nararanasan ito ng lahat ng tao malusog man o hindi.
  • Allergy – Kapag nakalunok ka ng alikabok o kung makakain ka ng mga pagkain nagiging sanhi ng allegies ay maaari ding mangati ang lalamunan. Maaari ding may kasamang pagluluha ng mata, pangangati ng ilong, at kahirapan sa paghinga dahil sa allergy
  • Polusyon – Ang paglanghap ng pulosyon at usok ng sigarilyo ay maaari ding maging sanhi ng pangangati ng lalamunan.
  • Gastroesophageal reflex disease o GERD – Ang acid reflux ay maaaring maging sanhi ng pangangati ng lalamunan.
  • Tuyong lalamunan – Ang malamig at mahanging panahon, matinding sikat ng araw, palagiang nasa aircon, paghinga gamit ang bibig, dehydration, paninigarilyo, caffeine, alcohol at sjogrens syndrome ay mga dahilan ng panunuyo ng lalamunan na isang sanhi ng pangangati ng lalamunan.
  • Pagsigaw – Ang sobrang paggamit ng vocal cords dahil sa pagsigaw at pagkanta ay maaaring maging sanhi ng makating lalamunan.
  • Bara sa lalamunan – Ang maliliit na bagay na maaaring nalunok ay nagdudulot din ng pangangati ng lalamunan.
  • Ubo – Ang pag-ubo ay nagdudulot din ng pangangati ng lalamunan. May mga ubo na hindi pangkaraniwan at mayroong komplikasyon, ang mga ganitong klaseng ubo ay nangangailangan ng gamot galing sa doktor.
  • Mga sakit – May mga sakit na nagdudulot ng makating lalamunan, katulad ng sinusitis, bronchitis, pneumonia, tuberculosis, cystic fibrosis, pericarditis at lung parasites.
  • Mga sakit sa leeg – Ang mga sakit sa leeg katulad ng enlarged thyroid, lymph nodes, abcess, tumor, at kahit na ang mga pinsala ay maaaring magdulot ng pangangati ng lalamunan.
  • Pagsusuka – Pagkatapos ng pagsusuka ay maaaring mangati ang lalamunan dahil sa acid na galing sa tiyan.

Gamot sa makating lalamunan

Ang mga gamot sa pangangati ng lalamunan ay depende sa kung ano ang sanhi ng pangangati. Ang ilan sa mga ito ay maaaring pain reliever, gamot sa ubo, corticosteroids, antihistamines, antibiotics, at antifungals.

Tandaan na ang mga gamot na ito ay mayroong mga side effects, kaya kailangang kumunsolta sa doctor bago ang paggamit, siya ang mabibigay ng nararapat na gamot na babagay sa iyong sakit.

Natural na gamot sa makating lalamunan

Maliban sa mga gamot na iriniseta ng doktor ay may magagawa ka ring lunas para pakalmahin ang pangangati ng lalamunan, kahit nasa bahay ka lang. Una sa lahat, siguraduhin mo munang regular kang umiinom ng tubig. Ang tuyong lalamunan kasi ay ang siyang pangunahing dahilan kung bakit makati ang lalamunan mo. Kaya’t inom ka muna ng tubig bago mo subukan ang mga sumusunod na mga natural na gamot sa makating lalamunan.

  • Mag-mumug ng tubig na may asin
  • Kumain ng kaunting honey
  • Uminom ng honey, salabat, at kalamansi juice o limonada
  • Uminon ng apple cider vinegar (maaaring ding lagyan ng tubig kung gusto mo)
  • Huwag manigarilyo
  • Iwasan ang sobrang pagkanta at pagsigaw
  • Alamin ang mga bagay na makaka-trigger ng iyong mga allergy

Kung sakaling sa kabila ng iyong pag subok sa mga pamamaraang ito ay hindi pa rin nawawala ang mga sintomas ng iyong sakit o pangangati ng lalamunan ay mas makabubuting kumunsulta ka na agad sa doktor mo.

Kaalaman tungkol sa sore throat at kung paano ito maiwasan

Ang pamamaga ng lalamunan o sore throat ay isa pa sa pangunahing sanhi ng pangangati ng lalamunan kaya’t minarapat naming ipaalam saiyo ang mga paraan kung paano makakaiwas sa pamamagang ito.

Ano ba ang pagkaka-iba ng sore throat at tonsillitis? Ang sore throat kung minsan ay ang unang sintomas ng sipon. Ang pamamaga ng lalamunan na dahil sa sipon ay maaaring tumagal lamang ng isa o dalawang araw.

Ang tonsillitis naman ay dahilsa infection na dala bacteria na streptococcus. Ang tonsilitis ay mas malalang kondisyon kung ihahambing sa pamamaga ng lalamunan na dahil sa sipon. Ang tonsillitis ay pamamaga at pananakit ng tonsil o ngala-ngala.

Ano ang Gamot sa pamamaga ng lalamunan dahil sa sipon?

Bagamat wala naman talagang gamot sa sipon sapagkat dahil ito sa virus, may mga paraan naman para makatulong saiyo na maging komportable ang pakiramdam habang mayroong sipon at makati at namamaga ang iyong lalamunan. Maaaring uminom ng mga maligamgam na inumin, magmumug ng maligamgam ng tubig na may asin, mayroong ding mga nabibiling mga gamot sa sipon over the counter o kahit walang riseta ng doctor. Higit sa lahat kapag may sakit makakatulong ang pag-inom ng maraming tubig, kumain ng masusustansyang pagkain at magpahinga.

Gamot sa tonsillitis

Ang sanhi ng tonsillitis ay bacteria, kaya naman mas makabubuti na uminom ka ng antibiotics, ang kadalasang antibiotics na ibinibigay sa pasyenteng mayroong tonsillitis ay penicillin at amoxicillin. Kung mayroong allergy ang pasyente sa ganitong gamot maaari magbigay ang dokctor ng ibang gamot. Palaging sundin ang ipinapayo ng iyong doktor kung tungkol sa pag-inom ng gamot sa makating lalamunan.

Mga iba pang paraan na maaaring makatulog

  • Mag pahinga ng maayos
  • Uminom ng maraming tubig o fluids
  • Kumain ng mga pagkain na madaling kainin tulad gelatin, ice cream, frozen desserts, at sopas
  • Iwasan ang maaanghang at malulutong na pagkain
  • Gumamit ng vaporizer
  • Maaaring gumamit ng mga over the counter pain relievers katulad ng acetaminophen, naproxen at ibuprofen

Ngunit kapag ang mga sintomas ay hindi pa rin nawawala ay kumunsulta kaagad sa iyong doctor.

Ang pinakamabuting paraan para maiwasan ito ay alamin ang maaaring sanhi at ng iyong sore throat o tonsillitis. Makabubuti rin kung iwasan ang mga gawain, pagkain at inumin na maaaring magdulot ng allergy.

Ang gamot sa makating lalamunan ay maaaring matagpuan sa ating kusina at paligid dahil sa mga remedyong maaaring gawin sa bahay. Ang sore throat na dahil sa sipon ay mayroon ding mabibiling over the counter na gamot. Ang sakit na tonsillitis ay dahil sa bacteria kaya mas makabubuting kumunsulta sa doktor kapag nakaramdam nito.

KATULAD NA MGA ARTIKULO