Gamot sa Migraine na Dapat Malaman

Madalas ba at matindi ang pagsakit ng ulo mo? Naku! Malamang, migraine na iyan! Ano ba ang migraine? Madalas nating marinig ito sa ating mga kakilala o maging sa mga kasama sa bahay. Alam nating ang salitang ito ay nangangahulugang mas malala pa sa ordinaryong sakit sa ulo. Ngunit dapat tayong magkaroon ng mas malawak pang kaalaman tungkol sa sakit na ito. Ito ay para makaiwas na magkaroon nito. O kaya naman, kung may ganito nang karamdaman, dapat nating alamin ang mga karadgadang impormasyon tungkol dito upang malaman kung ano ang angkop na gamot sa migraine na dapat at ligtas inumin.

Napakaraming dapat malaman at himay-himaying impormasyon ukol sa migraine. Bakit ba nagkakaroon ng ganitong sakit ang isant tao? Ano ba ang nakapgti-trigger dito? Paano ito maiiwasan, at paano ito gagamutin? Ang daming tanong no?! Sa pagtuklas ng mga sanhi o dahilan, sintomas at gamot, masasagot lahat ng mga naturang katanungan. ‘First things first,” ika nga. Kaya naman ang pinaka-importante sa lahat, alamin muna kung ano nga ba ang migraine.

Migraine: Ordinaryong sakit nga lang ba o dapat ikabahala?

Ang salitang migraine ay isang uri ng karamdamang halos ordinary na lamang sa mga Pilipino. Ito ay maaaring magdulot ng malalang sakit ng ulo na animo’y bang binabayo, at madalas ay sa kalahating parte lamang ng ulo ito nararamdaman. Madalas din, ang maigraine ay nasasabayan pa ng pagkahilo at pagsusuka, at pagiging sobrang sensitibo sa mga tunog na naririnig sa paligid, at liwanag saan man ito nagmumula.

Ang pagsumpong ng migraine ay nagdadala ng sobrang pananakit ng ulo na inaabot ng ilang oras o kung minsan pa nga, araw. Ang matinding sakit ay sadya naman talagang makahahadlang sa mga pang-araw-araw na gawain ng isang tao. Maaaring lumala pa ang migraine kapag ang nakakaramdam nito ay gumagalaw at nagpapatuloy sa kaniyang mga aktibidades. Mabilis namang gumagaling ang migraine kung ang taong mayroon nito ay magpapahinga lamang habang umaatake ang sakit.

Mga sintomas

Bagama’t madalas marinig ang salitang migraine, importanteng malaman na ito ay hindi pangkaraniwang sakit ng ulo lamang. May kakaibang sintomas na nararamdaman ang taong mayroon nito. Narito ang ilan sa mga nararanasang sintomas kapag may migraine:

  • Sobrang sakit ng ulo na nagsisimula sa simple lamang na pananakit at puwedeng maramdaman sa may bandang batok o likod ng parte o sa may gilid ng ulo.
  • Sobrang pagsakit ng sikmura na nagiging sanhi ng pagsusuka
  • Nawawalan ng gana sa kahit na anong pagkain
  • Namumutla
  • Sobra ang nararamdamang hilo
  • Mabilis na nahahapo
  • Lumalabo ang paningin
  • Sobrang sensitibo sa ingay, liwanag o amoy

Mga rekomendadong gamot sa migraine

Maraming mga gamot sa migraine na malaki ang maaaring maitulong nang malaki upang maiwasan o matigil ang malalang sintomas at maiwasan ang pag-ulit ng pagsumpong nito. Kaugnay nito, may mga gamot na sadyang ginawa bilang partikular na gamot sa migraine. Ang ilan sa mga ito ay ginawa upang malunasan ang iba pang karamdaman, maliban pa sa pagtulong para maiwasan o maibsan ang migraine.

Sa artikulong ito, matutuklasan mo ang mga gamot sa migraine na ikinlasipika at hinati sa dalalwang grupo ang mga ito ay mga gamot panlaban sa sakit o abortive treatment, at gamot sa migraine para makaiwas. Ang abortive treatment ay gamot na iniinom habang kasalukuyang sumusumpong ang migraine. Ito ay rekomendadong inumin upang matigil ang mga, o alin man sa mga nabanggit na sintomas.

Ang gamot naman para isa pag-iwas ay iniinom araw-araw upang mabawasan ang paglala o pagdalas ng sumpong ng migraine. Alam mo naman siguro kung anong klase ng migraine mayroon ka. At dahil alam mo ito, siguradong alam mo na rin kung alin sa dalawang nabanggit ang iinumin mo. Dapat tandaang ang gamot sa migraine ay naaayon sa kung gaano kalala at kasakit ng ulo, sa epektong dala ng migraine sa mga pang-araw-araw na gawain o ano pa mang medical codition mayroon ang isang tao.

Kung ikaw ay buntis o breastfeeding mother, dapat tandaang ikaw ay hindi puwedeng uminom basta-basta ng gamot. May iba ring mga gamot na hindi maaaring ibigay sa mga bata. Tanging ang doktor ang maaaring makapagsabi kung ano ang naaangkop na gamot sa migraine para sa buntis o nagpapasuso tulad mo.

Mga iba pang gamot sa migraine na epektibo at ligtas

Madalas, napakadali lang gamutin ang sakit ng ulo, ano mang klase ito. Migraine man iyan, tension, or sinus, dimple lang ang paggamot nito. Narito ang ilang mga natural na paraang maaaring maging gamot sa migraine:

  • Pag-inom ng isang basong tubig
  • Pag-inom ng pain reliever gaya ng aspirin, ibuprofen at paracetamal
  • Pag-idlip ng ilang minuto

Paano ka makakaiwas sa migraine?

Kung hindi ka pa nagkaka-migraine, matapos mong mabasa ang artikulong ito, tiyak na ayaw mo nang magkaroon ng sakit na ito. O, kung minsan ka nang inatake ng ganitong karamdaman, siguradong ayaw mo nang umulit pa ito. Worry no more! Kasi, may mga paraan naman para makaiwas ka sa (muling) pag-atake ng migraine. Kung ikaw ay may migraine na, iwasan ang tinatawag na migraine triggers. Ang mga sumusunod ay ilang mga tips para makaiwas sa triggers:

  • Regular na pagkain – nakaka-trigger ng migraine ang pagliban sa kahit anong main meal sa maghapon.
  • Bawasan ang pag-inom ng kape – kapag sobra ka na sa caffeine, maaaring umatake ang migraine.
  • Balanse at regular na ehersisyo – kahit pa ang araw-araw na pag-e-ehersisyo ay nakapagpapalusog ng katawan, maaari rin naman itong makapag-trigger sa migraine.
  • Matulog ng tama at sapat sa oras – kapag ikaw ay nagbago ng sleeping pattern, puwede itong magdulot ng migraine. Maging ang sobrang pagod at kakulangan sa tulog ay puwede ring maging dahilan ng (muling pag-atake) ng malubhang sakit sa ulo.

Narito ang ilan pangmga simpleng paraan para makaiwas sa migraine:

  • Siguraduhing may oras na nakalaan para sa pagpapahinga.
  • Iwasang mauhaw nang sobra para hindi ma-dehydrate.
  • Hangga’t maaari, huwag pupunta sa maiinit na lugar.
  • Iwasan (o mas maigi kung hihinto na) ang pag-inom ng alak ng sobra.
  • Huwag maninigarilyo dahil isa ito sa mga pinaka-nagti-trigger sa migraine.
  • Siguraduhing tama at balanse ang mga kinakaing pagkain.
  • Bawasan ang oras sa panonood ng TV at paggamit ng gadgets
  • Magpamasahe para ma-relax

Kung sa pakiramdam mo ay kakaiba na ang sakit na dinaranas, magpatingin na sa doktor para sa karampatang lunas. Siguraduhing migraine talaga ang sakit bago uminom ng gamot. Ang pagkakaroon ng healthy lifestyle sa mga paraang nabanggit na ay malaking tulong para makaiwas hindi lamang sa sakit na migraine kundi pati sa iba pang mga karamdaman.

KATULAD NA MGA ARTIKULO