Gamot sa Plema na Ayaw Lumabas

Tag-ulan na naman. Uso na naman ang pangkaraniwang sakit nating mga Pinoy. Ubo, sipon at lagnat na pabalik-balik. Bagama’t para bang normal na ito para sa atin, hindi pa rin ito dapat ipagwalang-bahala, lalo na kung ang ubo at sipon ay malala na at halos ayaw nang lumabas ng plema. May mga mabisang gamot sa plema na ayaw lumabas. Ngunit bago ang gamutan, importanteng malaman muna ang sanhi ng pagkakasakit.

Dahil sa paiba-ibang panahon, madaling magkasakit ang mga nakararami. Nakaka-relate ka ba rito? Ang hindi komportableng pakiramdam ng pagkakaroon ng plema ay puwedeng maging sagabal sa iyong pang- araw-araw gawain. Ang artikulog ito ay naglalaman ng mga impormasyon tulad ng:

  • Tamang kaalaman sa pagkakaroon ng plema
  • Mga sanhi ng pagkakaroon ng plema
  • Mga komplikasyon
  • Mga sintomas
  • Tamang gamot sa plema
  • Mga dapat iwasan upang huwag maging malala ang sakit na ito
  • Mga natural na paraan at gamot sa plema na ayaw lumabas

Ano ang plema?

Kapag ang isang tao ay may sakit, partikular na ng ubo at sipon, ang likod na bahagi ng kaniyang kaniyang lalamunan ay nagkakaroon ng malapot at malagkit na mucus at nagiging plema ito. Alam nyo ba na sa lahat ng panahon ay mayroong tayong mucus sa loob ng ating katawan?

Ang mucus o uhog at lamad o membrane, ay nagiging plema para proteksyonan at suportahan ang ating respiratory system. Ang mga lamad na ito ay nakalinya sa ating:

  • Bibig
  • Ilong
  • Lalamunan
  • Sinus
  • Baga

Ang mucus o uhog ang malagkit kaya naman nasasala nito ang mga alikabok, allergens at virus. Kapag malusog ang katawan, ang mucus o uhog ay malabnaw at hindi masyadong nararamdaman. Kapag mayroong sakit, nagiging malagkit ang uhog o mucus kaya nasasala nito ang mga alikabok at iba pang uri ng polusyon. Ang resulta? Sumasama ang pakiramdam hanggang sa magdiretso na sa sipon, ubo at lagnat.

Alam mo bang malaki ang naitutulong ng plema sa iyong respiratory system? Ngunit kung ito ay nagdudulot ng masamang pakiramdam, kailangang palabnawin ito at mailabas sa katawan. Isa pa, kapag ang plema ay nagiging malagkit na dulot ng allergy, sakit at mga nasisinghot, ito ay nagdudulot ng discomfort. Kaya dapat na gawan ito ng paraan upang maipalabas sa katawan. Ngunit, ano nga ba ang gamot sa plema na ayaw lumabas?

Gamot sa plema na ayaw lumabas

Bago uminom ng gamot sa plema na ayaw lumabas, mainam na malaman mo muna ang mga dapat gawin nang hindi na kinakailangan pang uminom ng synthetic medicine. Subukan muna ang natural na pamamaraan or remedyo. Makatutulong kung iinom ng maraming tubig at fluids para maging mas malabnaw ang plema at maging ang paglabas nito sa katawan.

Maging ang simlpeng pag-inom ng fruit juice tulad ng maligamgam na kalamansi juice, decaffeinated tea, o sopas ay mabisang natural na gamot sa plema na ayaw lumabas. Pagdating naman sa pagkain, malaking tulong na mapalabnaw ang plema kung kakain ka ng mga pagkaing may sangkap na:

  • Kalamansi
  • Luya
  • Bawang

Ang mga sangkap na ito sa pagluto ng pagkain ay makakatulong para gamutin ang ubo, sipon at labis na mucus o uhog. Ang mga sangkap sa pagluluto na sili at paminta ay maaari ring maging gamot sa plema na ayaw lumabas:

Narito naman ang mga supplement na nakakatulong para makaiwas sa viral respiratory disease.

  • Ginseng
  • Iba’t-ibang klase ng berries
  • Dahon ng bayabas na ginawang tsaa
  • Oral zinc

Maaari ding uminom ng mga over-the-counter na gamot sa plema na ayaw lumabas gaya ng oral decongestant. Narito ang ilan sa sa mga halimbawa:

  • Tableta
  • Liquid o syrup
  • Flavored powder
  • Nasal spray

Kung hindi na kaya ng mga natural na remedy o oral decongestant, mainam na kumonsulta na sa doktor. Kadalasan, ang inireresetang gamot ay ang mga sumusunod:

  • Oxymetazoline
  • Phenylephine
  • Pseudoephedrine

Kapag nagka-infection, ang doktor ay maaaring magbigay ng gamot na makapagpapagaling sa kung ano ang dahilan ng infection. Siya rin ang mas nakakaalam upang mas mapadali pa sa paglabnaw ng plema at madali itong lumabas. May mga gamot sa plema na ayaw lumabas na sadyang sa mga may mga sakit gaya ng chronic lung condition at cystic fibrosis.

Ang isang mabisang gamot sa plema na ayaw lumabas dahil sa hirap na paghinga ay Hypertonic saline. Ito ang karaniwang gamot na inilalagay sa nebulizer. Ang asin na galing sa gamot na ito ang siyang nakapagdudulot ng kaginhawaan sa paghinga at tumutulong upang para maplabnaw ang plema kaya naman madali itong lumabas. Dapat lang tandaang, ang mga ba batang may edad na anim na taon pataas lamang ang maaaring gumamit nito. Importante ring bantayan ang posibleng side effect ng gamot na ito gaya ng:

  • Ubo
  • Sore throat
  • Paninikip ng dibdib

Isa pang uri ng gamot na inilalagay sa nebulizer ang Dornase-Alfa (Pulmozime). Ito ay rekomendado ring mabisang gamot sa plema na ayaw lumabas. Madalas sa mga taong may sakit na cystic fibrosis, pinalalabnaw din ng naturang gamot ang plema kaya madali itong naiilalabas. Gaya ng Hypertonic saline, mga batang may edad anim na taon pataas lamang ang maaaring gumamit nito. Dapat ding bantayan ang posibleng side effects na dulot nito gaya ng:

  • Pamamaos
  • Pananakit ng lalamunan
  • Lagnat
  • Pagkahilo
  • Sipon

Kapag lumala na ang mga naturang sintomas, kumonsulta na sa doktor para sa agarang lunas o maiwasan ang paglala at posibleng kumplikasyon.

Panahon ng pagpapatingin doktor

Kung minsan, ang sobra at malagkit na plema ay hindi naman dapat na ipag-alala. Paggising sa umaga maaaring dehydrated lamang na siyang nagdudulot ng malagkit na plema. O kaya naman, ang allergy ay maaari ring maging sanhi ng na plema. Ngunit kapag hindi na mawala-wala ang malagpit na plema at ito ay nagdudulot nan g discomfort, kailangan nang magpatingin sa doktor. Narito ang ilan sa mga maaaring maging resulta ng lumalalang sintomas:

  • Acid reflux o pagiging acidic
  • Mga allergy
  • Astma o hika
  • Cystic fibrosis
  • Chronic bronchitis
  • Iba pang sakit sa baga

Bakit pa hahayaang lumala ang sintomas? Mainam na magpatingin ka na sa doktor kung makalipas ang dalawang linggo ay hindi pa nawawala ang sipon at ubo. Mas lalo na dapat kumonsulta sa medical experts kung nakakaramdam o nakikitaan ka na ng mga ganitong sintomas:

  • May dugo kapag umuubo
  • Pananakit at paninikip ng dibdib
  • Nahihirapang huminga
  • Tumutunog na parang sipol ang paghinga

Tayon, bilang tao, ay natural nang mucus o uhog sa ating katawan at hindi na ito nawawala. Ngunit hindi naman ito masama. Kapag lamang tayo ay nagkakasakit at nagkakaroon ng sobrang uhog ay nagiging plema ito. Doon pa lamang natin kailangang magpagamot at magpatingin sa doktor para makasiguro sa tamang gamutan. Tanging ang doktor ang makapagsasabi kung ano ng angkop na gamot sa plema na ayaw lumabas para maging malabnaw ito at madaling lumabas.

Gamot sa plema na ayaw lumabas sa natural ng paraan

May ilang mga taong ayaw ng gamot na nirereseta ng doktor. Mas pipipili nila ang natural na pamamaraan. Isa ka sa mga ito na ang gusto ay natural remedy? Narito ang ilang mga panlunas na maliban sa mga gamot na resita ng doktor, maaari mo ring subukang gawin o inumin sa bahay:

  • Apple cider vinegar
  • Tubig at sain na pang mumug
  • Warm compress
  • Uminom ng mga inuming maligamgam
  • Luya

Ang mga natural remedies na ito ay napakadaling hanapin. Kadalasan, nasa nasa loob lamang ng bahay matatagpuan ang mga ito. Marami rin ang gamot sa plema na ayaw lumabas ang maaaring ibigay ang doctor para lumabnaw ang plema at madali itong lumabas. Ano man ang iyong piliing pamamaraan, importante pa rin ang masusing pag-iingat ng sarili upang maiwasan ang pagkakasakit at mapanatiling malusog ang katawan.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Gamot sa Plema na Ayaw Lumabas
Rate this post

Like us on Facebook!

KATULAD NA MGA ARTIKULO