Mga Epektibong Gamot sa Sakit sa Puson

Palagi bang sumasakit ang puson mo sa tuwing nireregla ka? Dysmenorrhea ang karaniwang tawag diyan. Pero bukod sa terminong ito, may iba ka pa bang alam tungkol sa sakit sa puson? Normal na sa mga kababaihan ang ganitong sakit lalo na kapag papadatin o habang sila ay may regla. Ngunit kahit pa normal o ordinaryo na lamang ang ganitong pakiramdam, madalas, an naghahanap pa rin ng mabisa at mabilis na umepektong gamot sa sakit sa puson. Ito ay upang maibsan ang hindi komportableng pakiramdam.

Kadalasan, ang pagsakit ng puson ay nakapagdudulot, hindi lamang ng hindi komportableng pakiramdam. Maging ang mood ay apektado rin. Nakakawala talaga ng magandang kundisyon ang matinding sakit ng puson. At higit sa lahat, naaantala sa mga regular at pang-araw-araw na gawain ang ganitong sakit. Kaya naman kapag may importanteng bagay na dapat gawin, nade-delay ito dahil sa sakit na nararamdaman. Ang artikulong ito ay tutulong sa iyo at sa iba pang nakakaranas nito upang malaman ang iba pang mahahalagang impormasyon gaya ng:

  • Ibat-ibang uri ng sakit sa puson
  • Mga dahilan at sintomas nito
  • Mag maaaring panganib na dulot ng sakit sa puson
  • Sakit sa puson sa kanang bahagi
  • Sakit sa puson sa gitnang bahagi
  • Sakit sa puson sa kaliwang bahagi
  • Gamot sa sakit sa puson
  • Paano makakaiwas sa sakit sa puson

Mga katotohanan tungkol sa pananakit ng puson

Katulad ng nabanggit, ang sakit sa puson ay pangkaraniwang sakit na lamang. Subalit ito ay may iba’t-ibang dahilan. Kapag matindi ang sakit at kung mayroong bahagi lamang ng puson ang sumasakit, maaaring mayroon itong mas malalim na dahilan o kondisyon. May iba pang uri ng sakit gaya ng kabag o paghilab, at ibang pananakit na paminsan-minsan ngunit malubha.

Ang tagal ng pananakit ng puson ay depende kung ano ang mga sintomas na nararamdaman at sanhi nito. May sakit sa puson sanhi ng mga simpleng karamdaman. Subalit may sakit sa puson namang dulot ng malubhang karamdaman.

Ang sakit sa puson ay maaaring sa gitna o sa ibabang bahagi ng pusod. Samantala, may sakit din sa puson na sa kanan o kaliwang bahagi lamang. Ang sakit sa puson, kung minsan, ay mayroong mga kasabay na panghihina, kabag at kawalan ng ganang kumain.

Kapag ang sakit sa puson ay tumagal na nang ilang araw, nararapat lamang na kumonsulta na sa doktor. Ang pananakit ng puson maaaring maranasan ng lalaki o babae. Ang sakit sa puson sa kaliwang bahagi ay maaaring dahilan ng constipation o hirap sa pagdumi, diverticulitis, pseudomembranous colitis, appendicitis, sakit sa reproductive organ, sakit sa muscle at balat , at valvulus.

Ang chronic na sakit sa kaliwang bahagi ng puson naman ay puwedeng dahilan ng constipation o hirap sa pagdumi, diverticulosis, chronic colitis at polycystic ovarian syndrome.

Kapag ang sakit naman sa puson ay sa kanang bahagi ay puwedeng dahil sa appendicitis, constipation, impeksyon sa kanang bahagi ng bato, bato sa bato [kidney stone] crohn’s diseases, ectopic pregnancy ovulation at ovarian cyst.

Ang sakit sa puson ng lalaki ay maaaring dahilan ng mga internal organ na nasa loob ng tiyan. Marahil sa hernia at bayag ng lalaki na nagiging dahilan ng pananakit ng puson.

Bago mo alamin ang gamot sa sakit sa puson dapat ay tuklasin mo muna ang mga dahilan nito. Marami kasi ang nag-aakalang ang sakit ng puson ay para lamang sa mga babaeng nagkakaroon ng menstruation buwan-buwan. Kaya naman, mahalagang malaman kung bakit sumasakit ang puson ng isang tao, babae man o lalaki.

Mga dahilan ng sakit sa puson

Katulad ng nabanggit na, iba’t-iba ang dahilan ng pagkakaroon ng sakit sa puson. May mga malubhang pananakit na, na may kasamang:

  • Lagnat
  • Dehydration
  • Malubhang pagsusuka
  • Nahihirapang dumumi
  • Panlalambot ng tiyan
  • Masakit kapag umiihi
  • Sakit sa puson na matagal na at hindi nawawala
  • Pagsusukang may kasamang dugo
  • Maitim na kulay ng dumi
  • Humihingal

Para matukoy ang sanhi ng pananakit ng puson, kailangan nang magpasuri upang makasiguro sa tunay na dahilan ng kondisyon.

Narito ang mg apagsusuring maaaring gawin:

  • Blood test
  • Urine analysis o urinalysis
  • Stool test (pagsusuri ng dumi)
  • Endoscopy
  • Ultrasound
  • CT scan

Ang gamot sa sakit sa puson ay depende sa sintomas at sanhi nito. Kapag simple lamang ang dahilan nito ay puwedeng bigyan ito ng gamot at magpagaling na lamang sa bahay. Kapag may mga komplikasyon, maaaring magrekomenda ang doktor ng operasyon. Ang rekomendasyong ito ay depende sa resulta ng pagsususri.

Mga Karaniwang sanhi ng sakit sa puson

Kapag ang sakit sa puson sa kanang bahagi, ang mga karaniwang sanhi ay ang mga sumusunod:

Kapag naman ang sakit sa na nararamdaman ay nasa gitnang bahagi ng puson, ito ay maaaring sanhi ng:

  • Heartburn
  • Ulcer
  • Pancreatitis
  • IBS
  • Umbilical hernia
  • Early appendicitis (nagsisimula pa lang na appendicitis)
  • UTI
  • Diverticulitis
  • Sakit sa puson dahilan sa puson

Kapag ang sakit sa puson ay nasa kaliwang bahagi, ito ay maaaring dulot ng:

  • Biliary colic
  • Kabag o gas pain
  • Ulcer
  • IBS
  • Kidney stone [bato sa bato]
  • Diverticulitis
  • Inguinal hernia
  • Ovarian pain [pananakit sa obaryo]
  • Pananakit ng balakang

Mga sintomas at dahilan ng matinding pananakit ng puson sa kaliwang bahagi nito

  • Hirap sa pagdumi o constipation – sakit at paghilab sa kaliwang bahagi ng puson
  • Diverticulitis – pamamaga ng diverticulum sa dulong bahagi ng colon, ang sakit ay unti-unti at biglaan at parang may kabag, ang sakit ay sa kaliwang bahagi ng puson at kung minsan ay may kasama itong lagnat at pagtatae.
  • Pseudomembranous colitis – dahilan ito sa matagal na paggamit ng antibiotics, kaya naman namamatay ang natural na flora ng intestine o bituka. Ang sakit ay sa kaliwang bahagi ng puson, na may kasamang mataas na lagnat at pagtatae.
  • Vulvolus – ito ay dahilan sa pagkapilipit ng dulong bahagi ng colon, ang ganitong kondisyon ay bihira namang mangyari. Ang madalas na kasama ng mga sintomas nito ay pagsuska, hirap sa pagdumi, at may mucus na kasama sa dumi.
  • Appendicitis – kung minsan ang pananakit ay hindi lamang sa puson kundi pati na rin sa buong tiyan.
  • Kondisyon sa muscle at balat – ang dahilan nito ay inguinal hernia, kaya sumasakit ang puson.
  • Kidney stone o bato sa bato – ang crystal o bato sa bato ay nagdudulot ng pananakit ng puson na kung minsan ay dagdudulot ng pasusuka at mayroong dugo ang ihi.

Marami pang ibang dahilan ang pananakit ng kaliwang bahagi ng puson, kapag may mga ganitong sintomas na nararamdaman ay dapat lamang na kumonsulta sa iyong doktor para mabigyan ng tamang gamot sa sakit sa puson.

Sintomas ng sakit sa puson sa kanang bahagi

  • Appendicitis – susumasakit ang kanan at kaliwang bahagi ng tiyan.
  • Infection sa kidney – dahilan din ito ng pananakit ng puson.
  • Bato sa kanang bahagi ng bato – dahilan din ng pananakit ng kanang bahagi ng puson.
  • Carcinoid – ito ay ang pagtubo ng tumor sa appendix o kaya ay sa cecum, madalas na nangyayari ito sa mga may edad o matanda na.
  • Ovulation – pagsakit na kanang puson ng babae kapag ang itlog ay lumalabas na sa kanilang obaryo.

Ang mga impormasyong ito ay sadyang mahalaga. Sa mga natuklasang sanhi, masasabing ang mga gamot sa sakit ng puson ay depende sa dahilan, sintomas at mga pagsusuri ng doktor.

Gamot sa sakit sa puson

Ang gamot sa sakit sa puson ay depende sa talagang dahilan, edad ng may sakit, at kung gaano ito kalala. Kapag ang dahilan ay viral infection, o kaya’y hindi natunawan, ang doktor marahil ay hindi na magbibigay na anumang gamot. Subalit kung ang sanhi ay bacterial infection, ang daoktor ay magbibigay ng antibiotics.

Kapag ang sakit sa puson ay sanhi ng mas malalang kondisyon gaya ng mga nabanggit sa unahan ng artikulong ito, ang gamot sa sakit sa puson na maaaring ibigay ng doktor. Ngunit ang tamang gamot at paraan ay depende sa dahilan nito at pagsusuring ginawa.

Para maiwasan ang ganitong kondisyon, baka kinakailangan mong baguhin ang iyong lifestyle. Importante ang malusog na katawan para makaiwas sa anumang karamdaman. Ang gamot sa sakit sa puson ay dapat lamang na galing o ibinigay ng iyong doktor. Huwag basta iinom ng gamot o mag-self medicate dahil maaaring mas makasama pa ito sa iyong kalusugan.

KATULAD NA MGA ARTIKULO