Gamot sa Sipon: Mga Dapat Inumin at Gawin Kapag May Sipon!

Ang sipon ay isa sa mga karaniwang sakit na madalas na nararamdaman ng karamihan. Ang artikulong ito ay tumutulong upang malalaman ang mga sumusunod tungkol sa sipon:

  • Ano ang mga sintomas ng sipon?
  • Ano ang mga dapat gawin kung may sipon?
  • Ano ang mga natural na mga paraan bilang gamot sa sipon?
  • Ano ang mabisang gamot sa sipon ng sanggol?

Mga sintomas ng sipon

Ang pagkakaroon ng sakit na sipon o colds ay isang hindi kanais nais na pakiramdam, lalo na kung hindi ka komportable at kailangan mong manatili sa bahay. Ang pagkakaroon ng sipon ay kadalasang may kasamang pananakit ng katawan at pagbabara ng ilong na nagdudulot ng mahirap na paghinga. Ang mga nabanggit ay siyang pangunahing mga sintomas ng sipon. Ito ay nagdudulot ng bahagya hanggang sa labis na paghihirap sa pasyente, lalo na kung sa sanggol ito tumama.

Gamot sa sipon: Mga bagay na kailangan mong gawin kung may sipon

Maraming paraan na pwede mong gawin para mabawasan ang mga sintomas ng sipon at makabalik ka sa normal mong rutina. Paalala lamang: Kung sa kabila ng mga ginawa mong mga pamamaraan para gamutin ang iyong sipon ay patuloy ka pa rin nitong pinahihirapan, o kaya ay mas lumalala pa ang mga sintomas na iyong nararamdam, kailangan mong agarang kumunsulta sa iyong doktor para sa mabisang riseta ng mabisang gamot sa sipon.

Chicken soup o sabaw ng manok bilang gamot sa sipon

Ang paghigop ng mainit na sabaw ng manok ay sinasabing isang mabisang gamot sa sipon. Bagaman hindi naman talaga aktuwal na gamot ang chicken soup, ito ay nakakabuti sa pakiramdam ng may sakit. May mga pag-aaral na nagsasabing ang pag-enjoy sa mainit na sopas ay makakatulong upang bumagal ang paggalaw ng neutrophils sa katawan. Ang neutrophils ay karaniwang uri ng white blood cell. Ito ang tumutulong upang protektahan ang katawan sa impeksyon. Kapag mabagal ang paggalaw ng neutrophils, nanatili sila sa kanilang pwesto sa loob ng ating katawan kung kaya’t nakakatulong ito sa pag galing ng sipon.

Luya at honey para sa sipon

Ang luya ay isa ring maituturing na mabisang gamot sa sipon. Ito ay napatunayan ng mabisa, ang paglaga at pag inom ng sabaw nito ay nakakatulog din sa pangangati ng lalamunan at ubo.

Ang honey ay mabisa ding natural na gamot sa sipon, ito ay may antibacterial at antimicrobial properties. May mga pag-aaral na nagsasabing ang 10 gramo ng honey kapag pinainom sa isang batang may sipon bago matulog ay nakakatulong upang mawala ang ubo nito. Nakakatulong din ang honey upang maging maayos ang pagtulog ng mga bata at gumaling ang mga sintomas na dulot ng sipon.

Tandaan: Ang honey ay hindi maaring ibigay sa mga sanggol na wala pang isang taong gulang.

Natural na gamot sa sipon: Bawang, vitamin C at probiotics

Ang bawang ay nagtataglay ng allicin na siyang mabisang panlaban sa mga mikrobyo. Ang paggamit ng garlic supplement ay maaaring ring makagamot sa mga sintomas ng sipon. May mga pag-aaral na nagsasabibing ang paggamit ng bawang ay nakakatulong din upang maiwasang magkaroon ng sakit.

Maraming mga pakinabang ang naidudulot ang vitamins C sa ating katawan. Katulad ng dalandan, ubas, mga at mga berdeng gulay, ang kalamansi ay isang mainam na pinagmumulan ng vitamins c. Ang kalamansi juice at honey bilang hot tea ay mabisang pantanggal ng plema. Ang pag-inom ng mainit o kaya ay malamig na lemonada ay makakatulong din. Bagamat hindi naman talaga maituturing na gamot ang vitamins c, ito ay tumutulong upang lumakas ang immune system ng katawan, at makakatulong ito upang maiwasan ang mga respiratory tract infections at iba pang uri ng mga karamdaman.

Ang probiotics ay makatutulong din sa immune system ng katawan. Kapag malakas ang immune system ay madali lamang na maiwasan ang mga sakit katulad ng sipon. Ang kadalasang pinagkukunan ng probiotics ay ang yougurt, maliban sa ito ay masarap na meryenda, ito rin ay nagtataglay calcium at friendly bacteria namakatutulong upang maiwasan ang mga sakit kasama ang respiratory infection.

Mga iba pang mga paraan bilang gamot sa sipon

Asin at tubig – ang pagmumug ng tubig na may asin ay maaaring makatulong sa upper respiratory infection. Maiiwasan din nito ang paglala ng mga sintomas ng sipon at pananakit ng lalamunan at pagbara ng ilong na nauuwi sa hirap na paghinga. Ang pagmumug ng tubig na may asin ay makakatulong upang mawala ang mucus, na nagdadala ng bacteria at allergens. Para gawin ito haluin ang isang kutsaritang asin sa isang basong tubig at imumug ito.

Vapor rub – maaaring hindi magustuhan ng ilan ang amoy ng vapor rub ngunit ito ay matagal ng pinagkakatiwaan dahil ito ay subok ng mabisa. Ipinapayo na ang mga bata na mahigit dalawang taong gulang ang dapat na gumamit nito. Maaring gamitin ito ng isa o dalawang beses bago matulog upang guminhawa ang pakiramdam at makatulog ng maayos. Mayroong mga doktor na ipinapayong huwag gumamit nito lalo na sa mga bata dahil sa hindi magandang epekto na maidulot nito.

Warm bath – ang warm bath ay sinasabi rin na mainam na gamot sa sipon at lagnat ng bata pati na rin ng mga matanda. Maaaring dagdagan ng Epsom salt o kaya ay baking soda ang mailgamgam na tubig, gamitin ang tuwalya at saka ipunas, nakakatanggal din ito ng pananakit ng katawan. Maaari ding patakan ng essential oil katulad ng tea tree, rosemary, orange, lavender at eucalyptus para sa kadagdagang ginhawa.

Gamot sa sipon ng sanggol

Dahil ang sipon ay isang virus, masasabing wala naman talagang gamot sa sipon ng mga sanggol, ang antibiotics ay walang bisa sa mga viruses. Ang pinkamabisang paraan ay gawing komportable ang mga sanggol sa panahon na sila ay may sipon. Gawan ng paraan upang matanggal at malinis ang kanilang ilog at guminhawa ang kanilang paghinga.

Narito ang ilang paraang makatutulong:

  • Bigyan ng maraming fluids. Ang liquids ay mahalaga para hindi ma dehydrate ang sanggol,kaya tulongan sila na makaimon ng maraming fluids. Kung breastfeeding ay mas makabubuti dahil tumutulong itong maiwasan ang mga impeksyon na dulot ng sipon.
  • Linising mabuti ang ilong ng sanggol sa banayad na paraan. Mayroon mga pagkakataon na nagbibigay ang doctor ng mga over the counter na gamot na pampatak sa ilong ng baby para matanggal ang mucus.
  • Maaaring i-suction ang ilong ng baby gamit ang isang isang syringe na rubber-bulb para matangal ang pagbabara ng ilong.
  • Kumunsulta sa iyong doctor kung kinkailangan.
  • Ang sipon ay huwag isawalang bahala lalo na kapag ang may sipon ay sanggol pa lamang. Maraming mga natural na paraan at gamot sa sipon na maaaring gawin. Kumunsulta sa doctor kapag hindi ito agad nawala para hindi na mauwi sa malalang karamdaman.

KATULAD NA MGA ARTIKULO