Ano ang Gamot sa Sore Eyes?

Naranasan mo na bang magka-sore eyes? Ang sakit, hindi ba? Ang masaklap pa nito, ang mga taong nagkakaroon ng ganitong sakit, kasalasan ay tumitigil sa kanilang mga regular na gawain ng isa hanggang dalwang linggo. Subalit hindi dapat mag-alala kung sakaling magkaroon man nito. May mga mabisang gamot sa sore eyes na maaaring subukan. Importante lang na alam mo kung anong klase ang sore eyes na mayroon ka. Mahala ring maikonsulta muna sa isang eye doctor ang mga mata upang malaman ang tamang panglunas dito. Huwag ugaliin ang pages-self medicate lalo na’t sa mata dumapo ang aramdaman.

Tutulungan ka ng artikulong ito upang mas maintindihan pa kung ano ba talaga ang sore eyes, mga sanhi nito at mga epektibong gamot para rito. Narito ang mga mahahalagang impormasyong matutuklasan mo:

  • Ano ang sore eyes?
  • Mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng sore eyes
  • Ibat-ibang uri at dahilan ng sore eyes
  • Sore eyes dahil sa infection
  • Sore eyes na viral o dahil sa virus
  • Mga kondisyon na kailangang matingnan ng doktor
  • Gamot sa sore eyes
  • Mga remedyo na puwedeng gawin

Ang sore eyes ay nagdudulot ng mapula, makati at masakit na pakiramdam sa mata. Ang nakakainis at hindi komportableng pakiramdam na ito ay kadalasang hindi naman tumatagal. May mga sore eyes na tumatagal ang mga sintomas dahil nagkakaroon ng impeksyon. Ang ganitong kondisyon ay maaaring maging mapanganib sa mata. Bago malaman ang gamot sa sore eyes, alamin muna ang kung bakit nagkakaroon nito.

Mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng sore eyes

Nagulat ka ba nang pagkagising mo isang umaga, may sore eyes ka na? Tiyak na nag-isip ka nang mabuti kung bakit ka nagka-sore eyes. Malamang inalala mo ang lahat ng ginawa mo bago ka natulog na naging sanhi ng pagkakaroon ng sore eyes. Huwang nang pahirapan pa ang sarili. Dito mo malalaman ang mga importanteng impormasyon. Kapag ang mga maliit na ugat sa mata ay namamaga, nagiging dahilan ito ng pamumugto, pamumula at pagkairita ng mata.

Kung ang pamumula ng mata ay unti-unting lumalala, magpunta na kaagad sa doktor upang malaman ang kondisyon ng mata. Sabihin sa doktor kung ano ang mga sintomas na nararamdaman, maging ang history iyong kalusugan. Sa paraang ito, madaling matutukoy kung ano ang totoong kondisyon ng iyong mata. Madali ring makapagrerekomenda ng gamot sa sore eyes ang doktor.

Kung minsan ang dahilan ng sore eyes ay ganito:

  • Dry eyes o panunuyo ng mata. Kapag tuyo ang mga mata, ang maliit na ugat nito ay maaaring mairita. Ang panunuyo ng mata ay malimit na nangyayari sa mga buwan ng taglamig.
  • Sakit tulad ng arthritis at diabetes
  • Pagbabago ng hormones na karaniwang nangyayari sa mga buntis at nag-menopause
  • Mga gamot sa sakit sa mata
  • Matagal na paggamit ng paningin o mata
  • Hindi sapat na tulog o pagpupuyat

May mga gamot sa sore eyes na mabibili over the counter. Para sa sore eyes at panunuyo ng mata o dry eyes, mas makabubuti pa ring itanong ito sa doktor bago ito gamitin.

Mga karagdagang dahilan ng sore eyes:

  • Pagkairita ng mata dahil sa sobrang pagka-expose sa araw
  • Pamamaga ng mata dahil sa pagkamot nito
  • Dahilan sa allergy
  • Polusyon ng hangin
  • Sa tubig na maraming chlorine (swimming pool)
  • Mga maliliit na bagay na nakapasok sa loob ng mata (katulad ng buhangin)

Kapag nairita ang mata dahil sa mga bagay na nakapasok dito, maaari rin naman itong mawala kaagad. Subalit kapag tumagal, ito ay dapat lamang itong matingnan ng doktor upang mabigyan ng tamang gamot sa sore eyes dahil sa pagkairita.

Mga dahilan at sintomas ng sore eyes dahil sa infection

Ang karamihan sa mga infection na dulot ng sore eyes ay nakakahawa. Ngunit kung minsan naman ay hindi ito nakakahawa. Narito ang ilang mga dahilan:

  • Blepharitis – Isang impeksyon sa takip ng mata. Ito ay makati ngunit hindi ito nakakahawa
  • Impeksyon sa mata dahil sa follicles – Tinatawag din itong styes kung saan ay nagkakaroon ng maliit na bukol sa mata, ngunit nawawala naman ito ng kusa.
  • Conjunctivitis o tinatawag na pink eye – Ang infection na ito ay pwedeng dahil sa bacteria. Kung minsan naman ay viral o dahil sa virus.

Kung mas malala o kakaiba na ang nararamdaman sa mata, magpatingin na sa doktor. Narito ang ilan sa mga indikasyon ng mas malubhang sore eyes:

  • Tuloy-tuloy na pananakit ng mata
  • Pamamaga ng mata
  • Nahihirapang buksan ang mata
  • Nagkakaroon ng parang nana sa mata
  • Hirap tumingin sa liwanag

Mga posibleng dahilan ng pinsala sa mata:

Ang sobrang pagkamot ng mata ay maaaring magdulot ng pinsala sa mata. Ang ganitong kondisyon kapag hindi kaagad ginamot, ay maaaring maging mapanganib sa mata at paningin.

Kapag nagkaroon ng anumang pinsala sa mata at paningin, kaagad na magpatingin sa doktor. Kapag ang pinsala ay nagdulot ng pagdurugo at hindi makakita, kaagad na tumakbo sa pinkamalapit na ospital.

Mga sintomas ng sore eyes na kailangan nang matingnan ng doktor

Ang mata ay isang mahalagang bahagi ng katawan. Ang ating paningin ay palagi nating gamit sa kung ano man ang ating ginagawa sa buhay. Kaya kapag tayo ay nakakaranas ng mga sintomas na apektado ang ating paningin gaya ng sore eyes, dapat lamang na kumonsulta agad sa doktor upang mabigyan ng tamang gamot sa sore eyes.

Mga sintomas ng sore eyes:

  • Pamumula at paglabo ng paningin
  • Pamumula na may kasamang sakit at pangangati
  • May parang nana na lumalabas sa mata
  • Nahihirapang makakita
  • Panunuyo at makating mata
  • Paminsan-minsang pamumula ng mata dahilan sa allergy

Mga gamot sa sore eyes

Narito ang mga gamot sa sore eyes na mabisa at mapagkakatiwalaan:

  • Naphazoline – Ang gamot na ito ay mabisang pampalinaw ng paningin at nakakagamot sa pagkairita ng mata, gamot din ito sa allergy.
  • Tetrahydrozoline – Isa din itong uri ng gamot na ipinapatak sa mata para mawala ng pagkairita ng mata. Tumutulong din ito upang maging malinaw ang paningin. Gamot din ito sa allergy.
  • Eye lubricant drops – Ito ay mabisang gamot sa panunuyo ng mata na kung minsan ay nagiging dahilan ng sore eyes.

May mga gamot sa sore eyes at iba pang impeksyon sa mata. Katulad ng nabanggit, tanging ang doktor lamang ang makapagsasabi kung ano ang gamot na babagay sa iyong kondisyon ayon sa mga sintomas nito. Maliban sa mga gamot sa sore eyes na maaaring ibigay ng doktor, may mga remedyong puwedeng gawin kahit nasa bahay lamang.

Mga remedyong pwedeng gawin at gamot sa sore eyes sa natural na paraan

  • Malamig na gatas – Gumamit ng cotton ball, isawsaw sa malamig na gatas, at ilagay sa sore eyes. Gawin ito ng dalawang beses sa isang araw, sa umaga at gabi.
  • Patatas – Balatan at hiwain ang patatas. Ilagay ang hiniwang patatas sa sore eyes sa loob ng 15 minuto. Gawin ito tuwing gabi bago matulog.
  • Gatas at honey – Haluin ang katamtamang dami ng gatas at honey. Ipatak ito sa mata 3 beses sa isang araw.
  • Malamig na tubig – Ang malamig tubig ang isang mabisang natural na gamot sa sore eyes. Sa pamamagitan nito ay giginhawa ang pakiramdam at mababawasan ang mga sintomas na nararamdaman. Ang malamig na tubig ay ligtas na gamitin, kaya naman kahit mga bata ay puwede nitong matulungan.

Ang gamot sa sore eyes ay depende sa kung ano ang dahilan ng sore eyes at mga sintomas na nararamdaman. May mga natural na paraan at mga remedyong puwedeng gawin. May mga sanhi ng sore eyes na maaaring makahawa kaya makabubuting umiwas sa mga taong may ganitong sakit kung hindi pa nagkakaroon nito.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Ano ang Gamot sa Sore Eyes?
Rate this post

Like us on Facebook!

KATULAD NA MGA ARTIKULO