Mga Sanhi at Gamot sa Hirap sa Pagdumi

Madalas ka bang nahihirapang dumumi? Sadyang napakahirap ng pakiramdam kapag ang isang tao ay hirap sa pagdumi. Kung nakaranas ka nito, siguradong relate na relate ka rito. Maging ang mga pag-araw-araw na gawain ay naaantala kapag may ganitong discomfort sa katawan. Kayanaman mainam na malaman mo kung bakit ka tinitibe, ano ang maaari mong gawin o inumin para malunasan ito, at kung paano ka makakaiwas sa muling pag-atake ng sakit na ito.

Sa artikulong ito, maiintindihan mo at matutunan ang mga solusyon sa ganitong kondisyon. Narito ang mga impormasyong mababasa at madidiskubre mo na maaaring makatulong sa iyo, sa panahong makaramdam o makaranas ka ng hirap sa pagdumi:

  • Ano ang mga dahilan ng hirap sa pagdumi
  • Mga natural na paraan upang maiwasan ang hirap sa pagdumi
  • Gamot sa hirap sa pagdumi
  • Hirap sa pagdumi kapag buntis
  • Paano maiiwasan ang hirap sa pagdumi kapag buntis
  • Mga paraang dapat gawin ng hirap sa pagdumi kapag buntis

Hirap sa pagdumi

Maraming tao ang hirap sa pagdumi, madalas na sanhi nito ay mga pagkaing kinakain, mga nakaugalian nang gawin at kung minsan, dahil sa mga sakit na nararamdaman. Ang mga taong hirap sa pagdumi ay mayroong tinatawag na chronic idiophatic constipation. Ang mga pasyente ng ganitong sakit ay halos tatlong beses lamang sa isang linggo kung dumumi. Ang ga taong hirap dumumi ay puwede ring makaranas ng iba pang mga sintomas gaya ng kabag ng tiyan, at matinding sakit sa tuwing lumalabas ang matigas na dumi.

Ang hirap sa pagdumi ay maaaring makaapekto sa ating pang-araw-araw na gawain dahil sa hindi komportableng pakiramdam na dulot nito. May mga remedyong maaaring gawin para maalis ang discomfort dahil sa hirap sa pagdumi.

Natural na pamamaraan para maibsan ang pakiramdam

  • Uminon ng maraming tubig – kung minsan, ang dahilan ng constipation ay dehydration o kakulang sa tubig. Kapag hirap sa pagdumi ay maaaring uminom ng mga inuming carbonated o mayroong soda o sparkling water. Ang pag-inom nito ay makatutulong upang mapalambot ang dumi kaya madali itong lumabas. Kahit sa mga taong may chronic idiophatic constipation o irritable bowel syndrome (IBS). Dapat lang tandaan na ang pag-inom ng maraming soda na makukuha sa softdrinks ay maaaring makasama sa kalusugan.
  • Kumain ng mga pagkaing mayaman sa fiber – ang mga tao na nakakaranas ng hirap sa pagdumi ay pinapayuhan ding kumain ng pagkaing mayroong fiber. Ito ay tiyak na makapagpapalambot ng dumi kaya naman nagiging mabilis ang paglabas nito. Importanteng malaman na ang mga fiber rich foods tulad ng mga whole grains, gulay, at wheat ay posibleng magdulot ng iba pang mga sintomas gaya ng sakit ng tiyan at kabag.
  • Palaging mag ehersisyo – may mga nagsasabing ang ehersisyo ay hindi naman talaga gamot sa constipation. Subalit napatunayan naman ng ilan na ang regular workout ay tumutulong para mawala ang mga sintomas ng naturang sakit.
  • Uminom ng kape (caffeinated coffee) – ito ay makatutulong para mapabilis ang pagdumi dahil pinasisigla nito ang digestive muscle. Sinasabing mas mainam ito kaysa sa pag-inon ng tubig.
  • Gumamit ng mga herbal laxative – ang karaniwang sangkap ng mga herbal laxative ay tinatawag na glycosides na nagpapasigla sa digestive nerve kaya napapabilis ang pagdumi. Ngunit, tandaang, mga ganitong uri ng pampalambot ng dumi o pampabilis ng pagdumi ay hindi maaaring gamitin ng mga buntis, nagpapasuso ng sanggol o mayroong mga karamdaman. Ang mga herbal na laxative ay nabibili over the counter.
  • Kumain ng mga pagkaing probiotic – ang probiotic ay pwedeng mapigilan ang hirap sa pagdumi o pagiging matigas ang dumi. Kadalasan ang mga taong constipated ay mayroong hindi balanseng bakterya sa loob ng tiyan. Ang probiotic ay tutulong upang maging balanse ang bakterya sa loob ng tiyan. Pinaparami rin nito ang lactic acid at short-chain fatty acids kaya napapabilis ang paglabas ng dumi.

Ang mga pagkaing may probiotic ay gaya ng yogurt at kimchi na parehong may friendly bacteria kaya nakakabuti sa tiyan.

  • Maging maingat sa mga kinakain – subukan ang low FODMAP diet o kaya fermentable oligo-saccharides, disaccharides, monosaccharides at poloys. Ito ay madalas na ipinapayo sa may mga IBS o irritable bowel syndrome o mga taong hirap sa pagdumi. Sumangguni sa iyong doctor upang malaman ang tungkol dito.
  • Magnesium citrates – ito ay karaniwang gamot sa constipation, isa itong uri ng laxative na mabibili over the counter.
  • Gatas ng baka – ang gatas na baka ay nakakapag-pa-constipate sa mga bata. Kapag nangyari ito sa iyong anak iwasan na ang pagpapainom sa kaniya ng ganito. Maaaring palitan ang gatas na kanyang iniinom subalit siguraduhin lamang na masustansya ang iyong ipapalit, at mayaman sa calium.

Mas mainam kung piliin ang mga kinakain at iiwasan ang mga nakasanayan nang gawin na makakasama sa kalusugan para makaiwas na rin sa hirap sa pagdumi. Kapag ang mga sintomas ay hindi nawala sa kabila ng mga remedyong nai-rekomenda na, pinakamainam na kumonsulta sa doktor.

Paano naman kung buntis ang nakaranas ng hirap sa pagdumi?

Ang isa pang madalas makaranas ng hirap sa pagdumi ang mga buntis, pag-usapan nman natin ngayon ang hirap sa pagdumi kapag buntis. May mga pag-aaral na nagsasabing halos kalahati ng mga babaeng buntis ay nakakaranas constipation. Ang madalas, sila ay nakakaranas ng mga sintomas gaya ng pagsakit ng tiya at pagiging hindi komportable, hirap sa paglabas ng matigas na dumi at hirap sa pagdumi.

Narito ang ilan sa mgasanhi ng constipation ng isang buntis:

  • Pag-aalala o stress
  • Kakulangan sa exercise
  • Low fiber diet o kulang ang fiber sa mga kinakain
  • Hormones na nagpaparelax ng intestinal muscle
  • Pressure dahil sa pagbanat ng matris, nakakaapekto sa intestine

Tila ba karaniwan na sa nagbubuntis ang pagdanas ng hirap sa pagdumi. Sinasabing halos kalahating porsyento ng mga nagdadalangtao ay nahihirapang dumumi. Kung gayon, paano maiiwasan ang ganitong kalagayan upang mabawasan ang hindi komportableng pakiramdam ng buntis? Narito ang mga dapat gawin:

  • Kumain ng mga pagkaing mayaman sa fiber
  • Uminom ng maraming tubig at fluid
  • Mag-ehersisyo (tamang ehersisyo sa buntis)
  • Tanungin ang iyong doktor tungkol sa mga gamot na mabibili over the counter; tanungin din kung ligtas itong inumin ng isang buntis

Ang hirap sa pagdumi kung hindi hahanapan ng sulosyon ay maaaring maging sagabal sa ating mga ginagawa sa buhay. Ang mga remedyo o natural na paraan ay makatutulong. Iwasan ang mga pagkain na pwedeng maging dahilan ng pagkakaroon ng ganitong sakit. Kapag nag-constipate ang buntis, dapat nang magpatingin sa doktor upang maiwasan ang iba pang posibleng komplikasyon.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Mga Sanhi at Gamot sa Hirap sa Pagdumi
Rate this post

Like us on Facebook!

KATULAD NA MGA ARTIKULO