Ano Mabisang Gamot sa UTI na Walang Side Effects?

Sasagutin natin sa artikulong ito ang mga mahahalagang tanong tungkol sa UTI, katulad ng mga sumusunod:

  • Ano ba ang UTI o urinary tract infection?
  • Saan ito maaring makuha ang UTI?
  • Ano ang mga sintomasng UTI?
  • Ano ano ang mga kailangang gawin upang maiwasan ang UTI?
  • Ano ang gamot sa UTI?

Basahin mo ng buo ang artikulong ito para masagot natin ang mga nasabing katanungan na maaaring hinahanapan mo rin ng sagot.

Ang artikulong ito ay naglalaman din ang mga mahahalagang impormasyon katulad ng:

  • Mga natural na paraan para gamutin ang uti
  • Mga home remedies na maaaring gawin kapag may UTI
  • Mga panganib na dulot ng uti
  • Uti ng mga kababaihan
  • Uti ng mga nakatatanda
  • Uti ng mga diabetic

Ano ang UTI?

Ang uti ay isang karaniwang sakit sa daanan ng ihi na dala bacterial infection. Ang sakit na ito ay madalas sa mga PInoy lalo na sa mga kababaihan. Kung minsan, pabalik balik lamang ito. Dahil sa ang pangunahing gamot nito ay antibiotics, may ibang mga pasyente na nagiging anti-biotic resistant na dahil sa paulit ulit na gamutan sa UTI.

May mga pamamaraan na maaaring gawin at mga natural na gamot sa uti na maaaring gamitin upang maiwasan ang pagpabalik-balik ng UTI at antibiotic resistance.

Gamot sa uti sa natural na paraan

Uminom ng maraming tubig – Ang mga inuming ito ay makatutulong upang itulak palabas ng katawan ang bacteria. Kapag kaunti ang ininom na tubig ay maaari itong maging sanhi ng pagkakaipon ng bacteria sa daanan ng ihi na siyang pinagmumulan ng urinary tract infection at dehydration. Uminom ng isang basong tubig pagkatapos kumain upang maitulak nito ang bacteria palabas ng katawan.

Huwag pigilan ang pag ihi – Ugaliing umihi kaagad kapag nakakaramdam na kailangan ng umihi. Kapag pinigilan mo ang iyong pag-ihi, maaaring tumagal ang bacteria sa pantog (bladder) at maging dahilan ng impeksyon. Ugalin din na umihi, maglinis at maghugas pagkatapos ng pakikipagtalik para maalis ang mga bacteria na nasa urethra.

Panatilihing maging tuyo at malinis ang ari – Panatilihing malinis at tuyo ang maselang bahagi ng katawan sa harapan at maging sa likod nito pagkatapos na gumamit ng banyo. Para makasiguro na ang mga bacteria ay hindi makapasok sa urethra, kailangan ding sumuot ng mga malambot na underwear para madaling pumasok ang hangin at madaling matuyo ang urethra. Ang makakapal na tela ng pantalon ay maaari ding maging sanhi ng pagdami ng bacteria dahil sa hindi agad ito matutuyo kaya maaari rin itong maging sanhi ito ng UTI.

Probiotics – May mga pag-aaral na nagsasabing ang pag gamit ng antibiotic ay sumisira sa beneficial na mga bacterial, isang uri ng natural na panlaban ng katawan na tumutulong upang hindi magkaroon ng sakit. Ang probiotics ay tumutulong na pasiglahin ang good bacteria na natural na panlaban ng katawan sa sakit. Kaya makatutulong ang pagkain ng mga pagkain na may probiotics katulad ng kimchi, probiotic yogurt, raw chesse at iba pa.

Bawang – Allicin ang isang mabisang sangkap na nakakagamot sa mga impeksyon na matatagpuan sa bawang. Ito ay may antimicrobial properties. Ang allicin ay pumipigil sa pagdami ng bacteria kasali na ang mga bacteria na hindi agad napapatay ng antibiotics tulad ng E.coli. Ang allicin ay mayroon ding antifungal properties na panlaban sa candida abricans na sanhi ng yeast infections.

Vitamins C – Ang vitamins C ay tumutulong upang maging mas acidic ang ihi at mapigilan ang pagdami ng E.coli. Gamot din ito sa uti sa paraang tumutulong ito upang lumakas ang resistensya ng katawan laban sa mga impeksyon.

Ang mga natural na mga gamot sa uti ay makatutulong na maiwasan at maibsan ang mga sintomas na dala ng sakit na ito. Kung ang mga sintomas ng uti ay patuloy pa ring nararamdaman sa kabila ng pagamit ng mga natural na paraang ito, mas makabubuting kumunsulta ka na sa doktor mo.

Ano ang mga sintomas ng UTI?

Ang uti o urinary tract infection ay sanhi mga maliliit na organismo na hindi makikita kung walang gamit na microscope. Sa kabila ng mga panlaban ng katawan ang mga fungi, viruses at bacteria, ang mga ito ay nakakapasok pa rin sa lining ng urinary tract (daanan ng ihi) at tumitira sa uretra, bladder at kidney. Ang mikrobyong kadalasang sanhi ng UTI ay ang E.coli bacterium na maaaring magparami sa daanan ng tae, viginal cavities, at sa palibot urethral opening at sa urinary tract.

Ang iba pang sanhi ng UTI ay mga sumusunod na mga uri ng bacteria:

  • Pruteus mirabilis
  • Stapylococcus saprophiticus
  • Straphylococcus eperdermidis
  • Klebsiella pneumonia

Ang UTI ay madalas na dumadapo sa mga may malubhang karamdaman tulad ng mga taong diabetic.

Ang UTI ay karaniwan din sa mga babae na active sa pakikipagtalik, 18-24 ang edad. Ang UTI ay hindi nakamamatay, ngunit ang pagkakaroon nito ay nagdudulot ng matinding pananakit at hindi komportableng na pakiramdam.

Pangkalahatang mga sintomas ng UTI:

  • Masakit kapag umuihi
  • Mahapdi at mainit na pakiramdam sa daanan ng ihi kapag umi-ihi
  • Pakiramdam na ihing-ihi ka na ngunit kaunti lang ang lumalabas
  • Pananakit ng mga kalamnan
  • Pananakit ng tiyan
  • Panghihina ng katawan
  • Mapula ang kulay ng ihi na may kasamang dugo kung minsan
  • Masamang amoy ng ihi
  • Pananakit ng balakang (sa babae)
  • Pagkalito (sa mga matatanda)

Ang karaniwang uti na walang komplikasyon ay maaaring gumaling sa loob lamang ng dalawa o tatlong araw. Ang mga malalang uri ng UTI ay kadalasang nangyayari sa mga matatanda na. Ang mga pasyente na may mahinang immune system at nagdadalang tao ay maaaring payuhan na uminom ng antibiotics na maaaring tumagal ng hanggang sa 14 araw.

Iba pang sanhi ng UTI

  • Sexual intercourse
  • Paggamit ng spermicide
  • Paggamit ng diaphragm
  • Paggamit ng catheter
  • Mga babaeng nagdadang tao
  • Mga babaeng nasa postmenopausal stage
  • Mahina ang immune system
  • Mga may sakit na diabetes

Ang uti ay isang karaniwang sakit na hindi naman nakamamatay, ngunit maaari itong magkaroon ng mga komplikasyon lalo na kung ikaw ay may malubhang mga karamdaman. May mga natural na paraan upang magamot ang uti. Pero tandaan: kung sa kabila ng natural na mga paraan na ginawa mo para magamot ang UTI ay patuloy pa ring nararamdaman ang mga sintomas nito, makabubuting kumunsulta ka na agad sa doktor.

KATULAD NA MGA ARTIKULO