Mga Gamot at Paraang Pampalambot ng Dumi

Hirap ka bang dumumi? Ang ganitong sitwasyon ay sadyang napakahirap din. Ang discomfort na nararamdaman ay halos kapantay din ng pakiramdam kapag nagtatae, hindi ba? Hindi ka man pabalik-palik sa banyo, nagtatagal ka naman sa kubeta dahil hindi mo mailabas-labas ang dumi dahil sa sobrang tigas nito. Huwag mabahala dahil may lunas naman dito. May mga gamot at paraang pampalambot ng dumi na puwede mong subukan.

Makatutulong ang artikulong ito para lutasin ang problema mo sa pagdumi. Tatalakayin dito ang mga mahahalagang impormasyon kaugnay ng karamdaman mo gaya ng:

  • Mga natural na paraan na pampalambot ng dumi
  • Mga maaaring side effects ng mabibiling over the counter (laxatives) na gamot
  • Paano maiiwasan ang hirap sa pagdumi
  • Hirap sa pagdumi ng sanggol
  • Mga sintomas ng hirap sa pagdumi ng sanggol
  • Mga paraan na pampalambot ng dumi ng sanggol

Hindi lamang sa Pilipinas nararanasan ang hirap sa pagdumi. Maging sa ibang panig ng mundo, may mga tao ring nahihirapang dumumi o nagko-constipate. Bata man o matanda, babae o lalake ay nakakaranas nito. May mga pag-aaral na nagsasabing halos kalahating porsyento ng mga buntis ay tinitibe. Ang ganitong kalagayan at nakakasagabal sa mga pang araw-araw na gawain sa buhay. Ang hindi komportableng pakiramdam dulot ng hirap sa pagdumi ay dapat lamang bigyan ng lunas.

Pampalambot ng dumi

Karamihan sa mga taong nakararanas ng ganitong sakit ay bumibili ng over the counter na gamot para sa pampalambot ng dumi ng dumi nila. Subalit may malaking posibilidad na makaramdam sila ng mga side effects tulad ng:

  • Paghilab ng tiyan
  • Naaalibadbaran
  • Pagkakaroon ng kabag
  • Acid sa tiyan
  • Iba pang problema sa tiyan

Kapag mayroon pang ibang sintomas na nararamdaman, kumonsulta sa iyong doktor. May mga natural na paraan na pampalambot ng dumi. Ang mga ito ay madaling makuha at hindi ka gagastos ng mahal.

Natural na paraan na pampalambot ng dumi

Ang pagtitibe o hirap sa pagdumi ay pangkaraniwan na lamang na sakit ng mga Pilipino. Dahil dito, sila ay gumagawa na lamang ng mga natural na hakbang para sa pampalambot ng dumi. Kung hindi mo pa nasubukan ito, narito ang mga maaari mong gawin:

1. Kumain ng mga pagkaing mayroong fiber

May dalawang klase ng fiber ang soluble at insoluble fiber. Ang soluble fiber ay ang moisture ng pagkain sa pamamagitan ng mabagal ng pagtunaw. Maaari mo itong palagiang kainin upang sa ganitong paraan ay maging regular din ang iyong pagdumi.

Ang insoluble fiber naman ay nagpapalambot ng dumi at mabilis itong nailalabas. Ang insoluble fiber ay puwede ring gamitin upang mabilis na matanggal ang mga toxins sa katawan. Narito ang mga pagkaing mapagkukunan ng soluble fiber:

  • Orange o dalandan
  • Mansanas
  • Carrots
  • Oatmeal

Narito naman mga pagkaing may insoluble fiber:

  • Mani
  • Mga pagkaing galing sa buto ng prutas at iba pa
  • Mga prutas na kinakain pati balat
  • Mga maberdeng gulay tulad ng spinach at iba pa

2. Uminom ng maraming tubig

Ang dumi ay nagiging matigas at mahirap ilabas dahil sa kulang ang tubig sa colon o dehydration. Kung minsan naman, nangyayari ito dahil sa stress o kaya kapag may iniimon na gamot dahil sa mga sakit. Ang kulang sa tubig o dehydration, bukod sa puwedeng magdulot ng matigas na dumi, ay maaari ting lalong makapagdulot ng stress sa taong nakararanas nito, na maaari ring magresulta sa pagkakaroon ng iba pang problema sa digestive system.

3. Maglakad-lakad

Maraming mga tao ang halos wala nang ehersisyo. Marahil, wala na silang panahon para gawin ito. Ngunit ang paglalakad-lakad ay maituturing na ring isang simpleng ehersisyo. Ang 30 minutong paglalakad-lakad pagkatapos kumain ay makatutulong upang mapabilis ang pagtunaw ng pagkain sa loob ng tiyan. Nakatutulong din ito sa pagiging regular na pagdumi.

4. Magnesium sulfate

Maglagay ng 3-5 tasa ng magnesium sulfate sa bathtub. Magbabad at mag-relax. Ito ay makatutulong para sa estatic movement ang bowel o pagdumi. Maaari din itong ma-absorb ng iyong balat.

Ang isa pang paraan ay ihalo ang powder ng magnesium sulfate sa 8 ounces ng inuming tubig, (sa edad ng 12 na taong gulang pataas ay 6 na kutsarita nito). Ang paggamit nito ay hindi dapat na maging madalas, at hindi rin maganda ang lasa nito. Ms makabubuti kung lalagyan ito ng kaunting lemon juice para mgkaroon ng magandang ng lasa. Ang ganitong solusyon ay mabisang pampalambot ng dumi.

5. Mineral oil

Ang pag-imon ng mineral oil ay nagpapadulas at nagpapalambot ng dumi kaya mabilis itong nailalabas. Ang olive oil ay maaari ding gamiting pampalambot ng dumi. Isa itong ligtas na paraan. Maging ang bata, buntis at kahit pa mayroong dinaramdam na sakit tulad ng kidney failure, ay puwedeng gumamit nito. Mas makakasiguro pa rin kung kokonsulta sa iyong doktor tungkol dito.

6. Coconut oil

Bagamat ang coconut oil, o mantika galing sa niyog ay sinasabing maaaring magdulot ng mataas na blood cholesterol level, ito ay mabisang pampalambot ng dumi. Mas makabubuti kung pipiliin ang gagamiting coconut oil. Iwasan ang mga processed. Dahil sa prosesong ginawa, Malamang na mababawasan na ang mga benipisyong dala nito. Ang paggamit ng coconut oil o gata ng niyog sa pang-araw-araw na lutuin ay puwedeng maging pampalambot ang dumi.
Ibang paraan para gamitin ang coconut oil para pampalambot ng dumi:

  • Ihalo sa kape o tsaa
  • Ilagay sa oatmeal o yogurt
  • Ihalo sa mga lutuin
  • Sa halip na butter ang gamitin sa mais ay gumamit ng coconut oil

7. Uminom ng kape (caffeinated coffee)

Ang pag-inom nito ay sinasabing 60% na mas mabisa pa kaysa pag-inom ng tubig para maging pampalambot ng dumi.

Pampalambot ng dumi ng sanggol

Ngayon, alam mo na ang mga dapat gawin at mga paraan ng pampalambot ng dumi. Ang mga nadiskubre mo ay applicable para sa mga bata at mga matanda na. Pero paano naman kung sanggol ang hirap dumumi?

Sa mga unang buwan pa lamang ng sanggol, madalas na itong dumumi. Sa katunayan, araw-araw nga niyang nararanasan ang dalas ng pagdumi. Ngunit habang lumalaki ang sanggol, nagiging madalang na ang kaniyang pagdumi. Minsan nga ay hirap pa siyang dumumi. Ang karaniwang dahilan ay dahil sa gatas na iniinom o mga pagkaing kinakain sa mga panahon ng kanyang paglaki. Narito ang ilang mga mga sintomas ng sanggol na hirap dumumi:

  • Matigas ang tiyan
  • Matigas na dumi
  • Nahihirapang dumumi
  • May bahid ng dugo ang dumi
  • Halos 10 minuto nang umiiri ngunit hindi pa rin makadumi
  • Pananakit ng likod ng sanggol

Kapag ganito ang nararanasan ng sanggol, mapapansin sa kanyang mukha ang hindi komportableng pakiramdam at madalas, siya ay umiiyak o nababalisa. Kung may sanggol sa inyong pamilya, huwag mabahala. Ang sumusunod na pamamaraan ay makatutulong para mapalambot ang dumi ng inyong baby:

  • Bigyan o painomin ng tubig
  • Bigyan siya ng fruit juice
  • Pakainin ng pagkaing may fiber tulad ng cereal o dinurog na gulay
  • Galaw-galawin ang paa nang parang nagbibisiklita habang siya ay nakahiga
  • Padapain sa malambot na unan
  • Marahang masahehin ang tiyan

Ang mga nabanggit ay mabisang pampalambot ng dumi. Maaari rin itong makatulong upang hindi na mahirapan ang sanggol sa pagdumi. Ang hirap sa pagdumi dahil sa matigas ito ay maaaring malunasan sa natural na paraan. Kapag ang sanggol ay nahirapang dumumi, mas makabubuting siya ay dalhin at patingnan na sa doktor upang mabigyan tamang gamot.

KATULAD NA MGA ARTIKULO