Mga Dapat Malaman Tungkol sa Sintomas ng Highblood

Napaka-karaniwan na ng salitang ‘highblood’ sa ating mga Pilipino. Kapag tayo ay nagagalit o namomroblema, lagi naging sinasabing, “nakaka-highblood” Pero ano nga ba ito? Alam naman nating ang salitang ito ay isang karamdaman. Pero ikaw? Gaano nga ba kalawak ang kaalaman at pang-unawa mo tungkol dito? Dapat, alam mo ang mga sintomas ng highblood lalo pa kung nararanasan mo ito. Hindi mo rin malalapatan ng tamang lunas ang sakit na ito kung hindi mo alam kung ano ang mga dapat na maramdaman o indikasyon para masabing ikaw ay ‘highblood.’

Maraming tao sa panahon ngayon ang may highblood. Kung isa ka sa maraming ito, makatutulong sa iyo ang artikulong ito. Malalaman mo rito ang iba’t-iba pang mahahalagang impormasyon kagaya ng:

  • Ano ang highblood
  • Mga sanhi ng highblood
  • Sintomas ng higblood
  • Mga pagkaing nagiging dahilan ng highblood
  • Mga nakasanayan o nakaugalian nang nagdudulot ng highblood
  • Sintomas ng highblood ng bata
  • Sanggol na maaaring magka-highblood
  • Mga komplikasyon ng highblood
  • Mga paraan upang maiwasan ang highblood

Ano ang highblood at paano ito nangyayari?

Ang ating puso ay ang muscle na nagbobomba ng dugo na dumadaloy sa ating katawan. Kapag ang dugo ay may mababang lebel ng oxygen, ang pagbombomba nito ay napupunta sa ating baga kung saan napapalitan itong muli. Samantalang sa dugong may maraming oxygen, kapag bumomba ang puso, ang dugo ay dumadaloy sa ating buong katawan at sa mga muscles at cells. Ang pagbomba ng dugo na ito ay nagkakaroon ng pressure.

Kapag ang isang tao ay mayroong highblood pressure, ibig sabihin nito, dingding ng arteries na (nasa baga) ay tumatanggap ng maraming pressure.

Mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng highblood:

  • Edad – ang mga tao na nagkakaroon na ng edad ang madalas na magka-highblood
  • Namamana – kadalasan sa mga nagkakaroon ng highblood ay ang mga taong may mga magulang o kamag-anak na may highblood din.
  • Mainit na panahon – ang mainit na panahon ay madalas na dahilan ng pagkakaroon ng higblood ng mga pasyente kaysa sa malamig na panahon
  • Pagiging sobra sa timbang o mataba – ang mga taong matataba ang kadalasang ngkakaroon ng highblood kaysa sa mga taong tama lamang ang timbang
  • Walang ehresisyo – ang mga taong walang panahon para mag ehersisyo ang madalas na nagkakaroon ng higblood.
  • Paninigarilyo – ang paninigarilyo ay nagpapakitid ng ugat at nagiging dahilan para mabawasan ang oxygen sa dugo kaya bumibilis ang pagbomba ng puso.
  • Pag-inom ng alak – ayon sa pag-aaral mas malaki ang tsansang magka-highblood ng mga taong umiinom ng alak kaysa sa mga taong hindi umiinom nito.
  • Mahilig kumain ng maaalat na pagkain – ayon sa pag-aaral, ang maalat na pagkain ay nagiging sanhi din ng pagkakaroon ng highblood.
  • Sobrang pag-iisip at stess – ang sobrang pag-iisp at stress ay nagdudulot ng highblood lalo na kapag matagal na itong nangyayari.
  • Sakit na diabetes – kakabit ng highblood ang pagiging mataas na blood sugar ng mga diabetic
  • Pagbubuntis – ang mga buntis na babae ay mas mataas ang tyansang magkaroon ng highblood kaysa sa mga babaeng hindi buntis

Mga sintomas ng highblood

Maraming mga taong hindi alam na may sakit na sila hanggat hindi nila nararamdaman ang sintomas ng highblood. Kung minsan ang highblood ay maaaring makamatay kapag ito ay napabayaan. Kapag ang presyon ng dugo ay umabot na sa 180/110 mmHg ito ay maituturing nang malubha at kailangan nang dahin sa pinakamalapit na ospital.

Narito ang mga sintomas ng highblood na maaaring maramdaman:

  • Sakit ng ulo
  • Panghihina
  • Pagkahilo
  • Paglabo ng paningin
  • Paglabas ng dugo sa ilong (nosebleed)
  • Sobrang kabog ng dibdib
  • Pagkahingal

Ang mga nakakaramdam ng ganitong sintomas ng highblood ay nararapat lamang na magpatingin sa doktor o pumunta sa pinakamalapit na ospital. Kung minsan ang mga bata ay maaari ring makaranas ng mga sintomas ng highblood kung sila ay may mga sakit na nararamdaman na pwedeng maging dahilan nito. Narito ang mga sintomas ng highblood sa mga bata:

  • Sakit ng ulo
  • Pagkaramdam ng pagod
  • Panlalabo ng paningin
  • Pagdugo ng ilong
  • Bells palsy, o hindi makontrol ang paggalaw ng muscle sa kabilang pisngi

Maging ang mga sanggol ay maaaring ring makaranas ng mga sintomas ng highblood kung sila ay may mga malalang kondisyon o iba pang malalang karamdaman. Narito ang ilan sa mga sintomas na ang isang sanggol ay maaaring highblood:

  • Hindi normal na paglaki o mabagal na paglaki
  • Kombulsyon
  • Hindi mapakali o iyak nang iyak
  • Panghihina
  • Nahihirapang huminga

Kapag ang iyong sanggol ay nakitaan ng ganitong mga sintomas, kaagad na dahin sa pinakamalapit na ospital o sa kaniyang pediatrician. Ngayong alam mo na ang mga sintomas ng highblood, importanteng alam mo rin ang mga posibleng komplikasyong dulot nito.

Mga komplikasyon ng highblood

Ang highblood kapag, hindi nagamot ay posibleng maging dahilan ng mga sakit sa ugat o cardiovascular disease, pati na rin ang vital organs. Ang mga sakit na maaaring idulot nito ay depende kung malala ang highblood at sa tagal ng panahon na highblood ang pasyente at hindi ito nagagamot.

Narito ang mga komplikasyon ng highblood:

  • Stroke o pagkaparalisa ng katawan
  • Atake sa puso o sakit sa puso
  • Namuong dugo (blood clots)
  • Aneurysm (pagnipis at paglobo ng ugat at kung minsan ay pumuputok ito)
  • Sakit sa bato
  • Paglapot ng dugo
  • Pagkitid ng mga ugat
  • Pagkakaroon ng bahid ng dugo sa mata
  • Metabolic syndrome (mataas na blood sugar at cholesterol na pwedeng maging sanhi ng atake sa puso at diabetes)
  • Paghina ng utak at pagkakamakalimutin

Ang mga nabanggit ay ang mga komplikasyon na maaaring idulot ng pagkakaroon ng highblood. Para maiwasan ang mga kpmlekasyon na dulot nito, mas makabubuting alamin kung paano maiiwasan ang naturang sakit.

Mga paraan para maiwasan ang highblood

  • Narito ang ilang paraan para maiwasan ang highblood:
  • Baguhin ang mga nakasanayan na at pagkaing nagiging dahilan ng highblood
  • Mag-ehersisyo ng 30-60 minuto ng limang araw sa loob ng isang linggo. Kumonsulta sa doktor bago gawin ang pag-e-ehersisyo
  • Panatilihin ang tamang timbang
  • Matulog nang maayos
  • Iwasan ang ma-stress

Ang highblood ay maaari maiwasan, alagaan ang kalusugan sa pamamagitan ng healthy lifestyle, kapag may mga sintomas ng highblood na nararamdaman, huwag itong ipagwalang-bahala. Mahalaga na magpatingin sa doktor para mabigyan ng tamang gamot sa highblood.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Mga Dapat Malaman Tungkol sa Sintomas ng Highblood
Rate this post

Like us on Facebook!

KATULAD NA MGA ARTIKULO