Sintomas ng Sakit sa Bato

May problema ka ba sa pag-ihi? Maaaring ito ay ordinaryong balisawsaw lang. O kaya nama’y isang hindi komportableng pakiramdam ngunit pangkaraniwan lang. Eh, papaano kung mas malala na pala ito? Paano kung sakit sa bato na pala ang nararanasan mo? Hindi mo na dapat ipagwalang-bahala ang mga nararamdaman mo. Kailangang malaman mo kung ano-ano ang mga sintomas ng sakit sa bato.

Sa artikulong ito, malalaman mo kung ano ang mga dapat gawin at iwasan para lutasin ang problema sa sakit na ito. Narito ang ilang impormasyong magbibigay ng mas malawak na kaalaman at pang-unawa sa iyo tungkol sa sakit sa bato:

  • Kung ano ang papel na bato sa ating kalusugan
  • Mga sintomas ng sakit sa bato
  • Kung paano ngkakaroon ng sakit sa bato
  • Mga paraan para malaman ang sakit sa bato
  • Ibat-ibang uri ng sakit sa bato

Ano ang bato?

Ang bawat tao ay may dalawang pares ng bato. Ito ay nasa kanan at kaliwang bahagi ng tiyan. Ang bato ang siyang nag-aalis ng mga dumi sa dugo at inilalabas ito sa pamamagitan ng pag-ihi. Ang bato rin ang siyang sumasala ng mga dumi at chemical, at hindi kinakailangang tubig sa dugo. Ang renal pelvis na nasa gitna ng bato ang nag-iipon ng ihi, at dumadaloy naman ito sa tubo sa tinatawag na ureter, patungo sa bladder o pantog, at naghihinytay na ilabas anong mang oras sa pamamagitan ng pag-ihi. Ang bato ay gumagawa rin ng sangkap upang makontol ang blood pressure at mapanatiling tama lamang ang red blood cells.

Hindi ba’t napakalaki ng papel na ginagampan ng bato sa sa ating katawan at kalusugan? Kaya naman dapat lamang nating alagaan ito. Ngunit paano kung magkaroon ng kondisyon na may kinalaman sa ating bato? Paano natin malalaman kung mayroon na tayong sakit sa bato?

Mga sintomas ng sakit sa bato

Narito ang mga sintomas ng sakit sa bato at kung paano ito nangyayari:

  • Pagkaramdam ng sobrang pagod – ang malusog na bato ay gumagawa ng hormone na tinatawag na erythropoietin na siyang gumagawa ng oxygen sa red blood cells. Kapag mayroong sakit sa bato ay kaunti na lamang ng nagagawa nitong red blood cells, kaya naman madaling mapagod ang pasyente. Nagdudulot ring ito ng isa pang sakit gaya ng anemia.
  • Madalas na nilalamig – ito ay isa pang sintomas ng sakit sa bato. samantalang ang iba naman ay hindi.
  • Nahihirapang huminga – dalawa ang dahilan ng kahirapan sa paghinga ng isang taong may sakit sa bato. Una, ang sobrang tubig sa katawan dahil sa sakit sa bato ay maaaring umabot hanggang sa baga kaya nahihirapang huminga ang isang pasyente. Pangalawa, dahil sa kaunti ang nagagawang oxygen ng red blood cells (anemia) kaya nagiging dahilan ito ng hirap sa paghinga.
  • Panghihina at pagkahilo – dahil sa ang sakit sa bato ay nagdudulot ng anemia kaya naman kaunti ang oxygen na nakakarating sa utak. Nagiging dahilan din ito ito ng pagkahilo at panghihina.
  • Nahihirapang mag-isip – dahil sa anemia na dulot ng sakit sa bato, ang utak ay hindi na gaanong nabibigyan ng tamang oxygen, kaya nagiging sanhi ito ng hirap sa pag-iisip.
  • Panganagti – dahil ang bato ang naglilinis ng dumi sa ating dugo, kapag nagkaroon ng sakit ang ating bato ay wala na itong kakayahang linisin ang ating dugo, kaya naman nagdudulot ito ng pangangati.
  • Pamamawis – kapag ang bato ay wala nang kakayahang alisin ang hindi kinakailangang tubig sa katawan, kaya lumalabas ito sa pamamagitan ng pagpapawis ng binti, sakong, paa at pati na rin ng kamay.
  • Pamamanas ng mukha – dahilan din sa mga hindi kinakailangang tubig sa katawan kaya naman nagiging sanhi ito ng pamamanas ng mukha.
  • Kakaibang panlasa sa pagkain – dahil sa dumi sa dugo na tinatawag na uremia, kaya naman nagiging kakaiba ang panlasa ng tao na may sakit sa bato, nagiging sanhi din ito ng mabahong hininga.
  • Ammonia o mabahong hininga – dahil ito sa dumi sa dugo na hindi nalinis ng bato dahil wala na itong kakayahan dahil sa sakit. Ang dumi sa dugo na ito ay tinatawag na uremia.

Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga sintomas ng sakit sa bato at kung paano ito nangyayari. May mga iba pang mga sintomas ng sakit sa bato na puwedeng maranasan. Ilan sa mga ito ang sumusunod:

  • Sakit ng tiyan
  • Pagsusuka
  • Panghihina
  • Walang ganang kumain
  • Pagpayat o pagbaba ng timbang

Ang mga sintomas ng sakit sa bato na ito ay dulot din ng dumi sa dugo, dahil wala nang kakayahan ang bato upang gawin ito.

  • Pag-ihi ng mas marami at madalas
  • Hirap sa pag-ihi at kakaunti lamang ang ihi
  • Mabula ang ihi, dahil sa mas maraming protein sa ihi
  • Ihi na parang kulay brown o mapula
  • Mayroon dugo sa ihi
  • Pakiramdam na parang naiihi ngunit kaunti o wala namang lumalabas
  • Hindi mapigilang pag-ihi

Kapag naramdaman na ang mga sintomas ng sakit sa bato na nabanggit dito, mas mainam kung kokonsulta na sa doktor. Siya lamang ang maaaring magpayo ng dapat gawin. Siya rin ang magsasabi kung kailangan mong sumailalim sa mga pagsusuri tulad ng:

  • Urinalysis – ginagawa ito para malamang ang mga maaaring mga problema gaya ng sobrang protein o asukal sa ihi. Malalaman din ang dami ng red at white blood cells at ang dami ng bakterya sa pamamagitan ng urinary sediment.
  • Pagsukat ng dami ng ihi –ito ang pinakasimpleng paraan para malaman kung ang bato ay hindi na gumagana ng maayos, at kung may pagbara sa ihi, ang mga ganitong kondisyon ay maaari ring magdulot pa ng ibang sakit.
  • Blood samples – ang doktor ay maaaring gumawa ng pagsusuri tulad ng blood test. Ito ay upang masukat ang mga sangkap na nasala ng iyong bato. Ang mga sangkap na gaya ng BUN o blood urea nitrogen at creatinine ay mabilis na dumarami. Ito ay nangangahulugan ng mas malala ang kondisyon ng bato.
  • Kidney biopsy – ito ang paraan kung saan ang doktor ay kumukuha ng tissue sample para malaman ang infection sa bato. Kadalasang ginagawa ang ganitong paraan habang gising ang pasyente. Gamit ang karayom, pinapasok sa balat pababa sa bato para makakuha ng tissue sa bato. Ang pasyente ay bibigyan ng lokal na anastisya, at gamit ang x-ray at ultrasound ng doktor, makikita ang dinadaanan ng karayom.

Ang mga paraang ito ay doktor lamang ang makapagsasabi kung makabubuti itong gawin sa pasyente. Ang mga sintomas ng sakit sa bato ay maaaring magkakaiba, dahil sa ibat-ibang sakit sa bato na puwedeng maramdaman. Alin man sa mga sintomas na nabasa mo rito ang iyong nararamdaman ay kailangang matingnan ng doktor upang mabigyan ng tamang gamot.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Sintomas ng Sakit sa Bato
Rate this post

Like us on Facebook!

KATULAD NA MGA ARTIKULO