Gamot sa Acidic: Ano ang Maaaring Inumin Para sa Hyperacidity?

  • 4
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Maraming Pilipino ang nakakaranas ng hyperacidity o acidic, isa ka ba sa kanila? Kung gayon, tamang-tama ang pala ang artikulong ito para saiyo! Dahil sa masamang pakiramadam at mga epektong dulot ng pagiging acidic, nararapat lamang na alamin mo kung ano ang gamot sa acidic.

Tatalakayin natin sa artikulong ito ang mga sumusunod na impormasyon:

  • Ano ang acidic?
  • Ano ang mga sanhi ng pagiging acidic?
  • Ano ang mga sintomas ng acidic?
  • Ano ang mga mabibiling over the counter na gamot sa acidic?
  • Ano ang mga home remedies na maaring gawin kapag acidic?
  • Ano ang mga natural na paraan para gamutin ang acidic?

Ano ang acidic?

Nagyayari ito kapag ang acid sa sikmura ay sobra na, umaakyat ito sa esophagus at sa lalamunan, nagdudulot ito ng napakasamang pakiramdam.

Ang ating sikmura ay mayroong hydrocholic acid, ang asido na tumutunaw sa pagkain at nagpoprotekta sa sikmura laban sa mga pathogens katulad ng mga bacteria.

Ang lining ng sikmura ay protektado sa mga malalakas na batekrya, ngunit ang esophagus ay hindi. Ang gastroesophageal sphincter (ring of muscle) o singsing na kalamnan, na nagsisilbing balbula upang magdala ng pagkain sa sikmura o tiyan. Nagsisilbi rin itong harang upang hindi tumagas ang asido sa sikmura sa iba pang bahagi ng digestive system.

Kapag ang balbulang ito ay hindi na gumagana ng maayos, maaaring umakyat ang mga asidong panunaw na nasa sikmura sa esophagus, kaya naman mararamdaman ang sintomas acid reflux at heartburn o ang tinatawag natin na mga sintomas ng acidic.

Mga sanhi ng acidic

Narito ang ilan sa mga dahilan kung bakit ang isang tao ay mas malamang na maging acidic kumapara sa iba:

  • Mataas na timbag o sobrang katabaan (obesity)
  • Sobrang paninigariyo
  • Walang ehersisyo
  • Pag-inom ng gamot dahil sa mga sakit na asthma calcium-channel blockers, antihistamine, painkiller, sedatives at antidepressant.

Mga sintomas ng acidic

Para masabi na ang isang pasyente ay acidic, malamang na nararanasan niya ang karamihan sa mga sintomas ng acidic na nakalista dito:

  • Pananakit ng dibdib o heartburn- mainit o mahapding pakiramandam sa dibdib o sa taas ng sikmura. Kadalasang nangyayari ito pagkatapos kumain lako na kung gabi bago matulog. Ang mga taong acidic ay nahihirapang lumunok at nangangasim ang sikmura.
  • Mahapding sikmura lalo na kapag nakahiga- ang mga asidong panunaw ay dapat na nasa sikmura lamang, pero kapag nakahiga tayo, ang acid sa sikmura ay mabilis na napupunta sa esophagus kaya naman ito ay humahapdi.
  • Sumasakit ang tiyan kapag busog o naparami ang kain
  • Mapait ang panlasa
  • Pamamaos – kung minsan inaakala mo na may sipon ka dahil sa pamamaos, ngunit ito ay maaaring sintomas na pala ng heartburn o pagiging acidic
  • Pananakit ng lalamunan- kung minsan ay dulot din ito ng problema sa digestive system, kung ang pananakit ng lalamunan ay walang kasamang pagbahin o pagbabara ng ilong, pwedeng sanhi ito ng acid at hindi ng sipon
  • Hindi komportableng pakiramdam, pananamlay
  • Paglalaway

kapag natukoy kung ano ang pinagmulan ng problema at kaung bakit nagkakaproblema ay magagawan na natin ito ng sulosyon. Pagkatapos nating malaman kung ano ang acidic, sanhi ng acidic, at ang sintomas nito, ngayo ay pag-usapan na natin ang gamot sa acidic.

Gamot sa acidic

Dahil sa pangkaraniwan na lamang ang sakit na hyperacidity hindi lamang dito sa Pilipinas kundi pati na rin sa buong mundo, ang mga gamot sa acidic ay madali lamang na mabibili sa mga botika bilang over the counter medicines.

Narito ang mga popular na gamot sa acidic na mabibili sa botika:

  • Buscopan
  • Kremel S
  • Bisodol tablet
  • Gaviscon double action tablet
  • Simethicone 180mg softgel
  • urgentRx hheartburn relief

Ang nabanggit na mga brand ng gamot ay ang madalas na ini-rerekomenda ng doktor, mas makabubuti pa rin na itanong ito sa inyong doktor.

Mga iba pang mga gamot sa acidic, o antacid na mabibili over the counter ay makakatulong para gumaling ang heartburn, acidic, sakit ng tiyan at hindi natunawan. Ang isa sa mga sangkap nito ay simethicone na mabisang gamot sa acidic. May mga antacid na maaaring may side effects tulad diarrhea at constipation, kapag ang mga sangkap nito ay may magnesium at aluminum.

Mga iba pang gamot sa acidic

  • Alka-Selter
  • Alternagel, Amphojel
  • Gaviscon
  • Gelusil
  • Maalox
  • Maylanta
  • Rolaids
  • Pepto-Bismol

Magtanong muna sa doktor mob ago ka uminom ng anumang gamot sa acidic lalo na kung hindi ka sigurado. Para sa mas mabilis na epekto, karamihan sa mga mga tabletang antacid ay kailangang nguyain muna para mas maging epektibo.

Maliban sa mga mabibiling gamot sa acidic, ay may mga home remedies sa hyperacidity na maaari mong isagawa gamit ang mga sangkap na nasa kusina lamang. Basahin mo ang susunod na bahagi ng artikulong ito para matuto ng higit pa.

Natural na mga gamot sa acidic

Probiotics – Ang acid at heartburn ay mawawala kapag ang acid sa sikmura ay maging balanse. Ang good bacteria ng probiotics ay tutulong upang mawala ang mga mapaminsalang mga bacteria gaya ng H.pylori na sanhi ng acid at heartburn kasama na ang mga impeksyon sa sikmura. Ang mga probiotic ay makukuha sa mga pagkaing katulad ng yogurt at sour cream, isda tulad ng mackerel at ilang partikular na mga gulay.

Gawing balanse ang asido sa sikmura – ang isa pang dahilan ng hyperacidity at heartburn ay ang mababang produksyon ng hydrochloric acid sa sikmura. Magiging balanse ito sa pamamagitan ng pagkain ng mga pagkain ng mga sumusunod:

Mataas na kailidad na asin galing sa dagat- Ito ay may tamang dami ng chlorine para makagawa ng hydrochloric acid ang ating katawan.

Katas ng repolyo – Nakatutulong din ito sa katawan para makagawa ng tamang acid.

Ugaling gumamit ng asin galing sa dagat sa inyong mga lutuin. Ang pag-inom ng ilang kutsaritang katas ng repolyo ay ma-inam din para maging balanse ang acid sa katawan.

Apple cider vinegar – Ang apple cider vinegar ay mabilis na nakakatangal ng sakit sa sikmura dulot ng acid, mainam din ito sa digestion.

Para gawin ito, lagyan ng dalawang kutsarang apple cider vinegar ang isang basong tubig at saka inumin ito araw-araw.

Aloe vera juice – Ang pag inom ng aloe vera juice ay nagpapagaling ng acidic at heartburn, pati na rin ng iba pang prolema sa digestion. Siguraduhin lamang na sariwa at organic ang gagamiting aloe vera. Ang mag produktong gawa sa aloe vera ay malamang na hindi na gaanong epektibo.

Para gawin ito, kumuha ng katamtamang laki ng aloe vera, balatan at ihalo sa tubig, inumin ito araw-araw.

Baking soda – Ito ay matagal nang ginagamit para gawing antacid. Nakakatangal ng sakit ng ulcer, acidic at pamamaga. May mga pag-aaral na nagsasabing ito ay may side effects, kaya hindi ito ipinapayong gamitin ng mga bata.

Para gawin ito, ihalo ang isang kutsaritang baking soda sa isang basong tubig, inumin ito araw-araw.

Luya – Ang luya ay isa ring natural na gamot sa acid at iba pang problema sa digestion. Ito ay mabisang panlaban sa H.pylori na pinagmumulan ng mga impeksyon sa tiyan.

Ilaga ang katamtamang damin ng luya, palamigin ito at saka inumin, maaari ding lagyan ng kaunting honey at lemon. Pwede rin itong nguyain ayon sa kagustuhan.

Iba pang pwedeng idagdag bilang gamot sa acidic

  • Vitamin B complex
  • Honey
  • Vitamin D

Marami uri ang gamot sa acidic, mga mabibiling over the counter at mga natural na paraan na maaring gawin. Kapag ang mga sintomas ay hindi nawala sa kablila nito, makabubuting mag patingin sa inyong dokto. Ang tamang ehersisyo at masustansyang pagkain isang mabuting praan para hindi magkasakit ang maging malusog ang katawan.


  • 4
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

KATULAD NA MGA ARTIKULO

Related posts