Mabisang Gamot sa Allergy

Naranasan mo na bang magkaroon ng allergic reaction sa maling nakain, gamot na nainom, o di kaya’sl, alikabok na nalanghap? Ang hirap di ba? Napakaraming discomfort na nararamdaman. Marami ang nakakaranas ng ganitong kondisyon, hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa ibang panig ng mundo. Ang artikulong ito ay tutulong sa iyo para mas maintindihan mo kung ano nga ba ang allergy, bakit nagkakaroon nito ang isang tao, at ano ang mga posibleng gamot sa allergy na maaaring subukan. Kabilang na rito mga impormasyong ito madidiskubre mo:

  • Ano ang allergy at sanhi nito?
  • Mga sintomas ng allergy depende sa dahilan nito
  • Karaniwang allergy
  • Mga panganib na dulot ng allergy
  • Anaphalaxis bilang isang uri ng allergy na lubhang mapanginib
  • Paano maiiwasan ang pagkakaroon ng allergy?
  • Gamot sa allergy

Ano ang allergy?

Ang allergy ang tawag sa dahilan sa pagresponde ng ating immune system sa mga bagay na hindi hiyang sa ating katawan. Kabilang na rito ang balahibo ng alagang hayop, buko ng bulaklak (pollination) at venom ng bubuyog. Ang mga ito ay maaaring magdulot ng allergy kapag hindi tayo hiyang dito. May mga tao namang nagkakaroon ng allergy dahil sa mga pagkain at inuming hindi sila hiyang. May ilan ding nagkaka-allergic reaction sa kanilang kapaligiran kapag ang immune system ay mahina, at hindi sila hiyang sa mga bagay na nakapaligid sa kanila.

Ang allergy ay ang karaniwang reaksyon ng immune system sa mga bagay na sa iba ay wala namang epekto, ngunit ang mga taong mayroon nito ay apektado dito. Kapag ang taong may allergy ay nakalanghap, o nakakain at nakainom ng mga hindi hiyang sa kaniya, o allergic sila rito, hindi niya kaagad mararamdaman ang mga sintomas ng sakit. Ang immune system o ang katawan ay unti-unting magiging sensitibo hanggang sa ito ay magkroon na ng reaksyon na nagiging dahilan ng allergy.

Kung minsan naman, umaatake ang allergy depende sa sa panahon. Dito sa Pilipinas, ang buwan ng Marso hanggang Mayo ang mga buwan na karaniwang nagkakaroon ng allergy ang mga tao, dahil sa sobrang init ng panahon. Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon, ang tao ay nagkaka-allergy dahil sa mga pagkain, inumin, bagay at kapaligiran. Kung ikaw ay allergic sa mga bagay-bagay, siguradong alam mo na ang iba’t-iba pang mga kadahilanan kung bakit nagkaka-allergy ang isang tao. Ito ay natural lamang para alam mo o ng iba pang mga allergy patients ang tama, mabisa at ligas na gamot sa allergy na maaaring subukan.

Mga karaniwang dahilan ng allergy

  • Dahil sa reaksyon ng katawan sa mga bagay na hindi sila hiyang
  • Karaniwang dahilan ay alikabok, usok, mga bagay na sobrang mabango, pagkain at inumin
  • Anaphylaxis: isang seryosong allergic reaction na maaaring ikamatay

Ang gamot sa allergy ay depende sa kung anong uri at sanhi ng allergy, ang anaphylaxis ay nangangailangan ng agarang gamutan. Ang Epinephrine injectors ang makatutulong upang huwag lumala ang anaphylactic reaction.

Mga sintomas ng allergy

Kung hindi ka pa nagkaka-allergy, huwag kang masyadong makampante na hindi ka na magkakaroon nito. Importanteng malaman mo ang mga sintomas na posible mong maramdaman. Ang isang karaniwang sintomas ng allergy ay pamamaga at panganagti. Magkakaiba ang mga sintomas ng allergy depende sa dahilan nito. Kung minsan, ang allergy ay napagkakamalang karaniwang sipon at lagnat lamang. Ngunit ang sanhi nito ay magkaiba. Nararapat lamang na alamin ang pagkakaiba nito para mabigyan ng tamang gamot sa allergy.

Narito ang ilang dahilan o nakaka-trigger ng sintomas ng allergy:

  • Alikabok o dahil sa pollination
  • Baradong ilong
  • Pangangati ng ilong at mata
  • Makating ilong
  • Maga at lumuluhang mata
  • Ubo
  • Reaksyon ng balat
  • Pagtuklap ng balat
  • Pangangati
  • Pagtanggal ng balat
  • Rashes o pamumula ng balat
  • Allergy sa pagkain
  • Pagsusuka
  • Pamamaga ng dila
  • Pangangasim ng bibig
  • Pamamaga ng labi, mukha at lalamunan
  • Paghilab ng tiyan
  • Paninikip ng dibdib
  • Pagdugo ng puwit (karaniwan ito sa mga bata)
  • Pangangati ng bibig
  • Pagtatae
  • Kagat ng insekto
  • Pamamaga sa kinagat na bahagi
  • Biglaang pagbaba ng blood pressure
  • Pangangati ng balat
  • Nahihirapang huminga
  • Nakakaramdam ng sobrang pagod
  • Pangangati at pamumula ng buong katawan
  • Pagkahilo
  • Ubo
  • Paninikip ng dibdib
  • Pagkabahala o hindi komportableng pakiramdam
  • Allergy sa iniinom na gamot
  • Pamamaga ng dila, labi at mukha
  • Pamumula ng balat (rashes)
  • Pangangati

Anaphalaxis

Ang anaphalaxis ay isang seryosong allergic reaction at mabilis na kumakalat sa katawan, kaya naman nangangailangan ito ng agarang gamutan. Dahil dito, posibleng makamatay ang naturang reaksiyon. Sa ganitong uri ng allergy, maaaring maranasan agad ang sintomas sa loob lamang ng 5 hanggang 30 minuto mula ng ma-expose sa sanhi ng allergy. Kapag ang allergy ay dahil sa pagkain, puwedeng medyo matagalan nang kaunti bago makaranas ng sintomas.

Ayon sa mga pag-aaral na ang pinakaapektadong bahagi ng anaphalaxis ay ang balat at respiratory system. Tanging ang doktor ang makapagsasabi kung may ganitong uri ng allergy ang pasyente at siya rin ang magbibigay ng tamang gamot sa allergy na tulad ng anaphalaxis.

Narito ang ilan sa mga sintomas ng anaphalaxis na dapat mong malaman:

  • Pangangati ng buong katawan
  • Pamamaga ng tissue
  • Mainit na pakiramdam
  • Pamamaga ng dila at lalamunan
  • Pantal at parang bugbug sa balat dahil sa kakulangan ng oxygen
  • Pangangati ng ilong
  • Nahihirapang huminga at tumutunog ito kapag humihinga
  • Pamamaos
  • Masakit kapag lumulunok
  • Ubo
  • Bilaang pagbaba ng blood pressure
  • Paghilab ng tiyan
  • Pagtatae
  • Pagsusuka
  • Hindi mapigilan ang pag-ihi
  • Pananakit ng balakang at parang naiihi
  • Biglaang pagbaba ng blood pressure at pintig ng puso
  • Pagkahilo na maaaring mauwi sa kawalan ng malay

Ang kalaaman sa mga sintomas na ito ay makatutulong upang alamin kung ano ang gamot sa allergy na anaphalaxis, at maagapan ito.

Panlaban ng katawan sa allergy

Ang karaniwang panlaban ng katawan na tinatawag na immunoglobin (lgE) ay ang tumutulong upang malabanan ng katawan ang allergy. Ang lgE ay ang sumusira sa pinagmumulan ng allergy,at pagdami ng chemical na nag-titrigger ng allergy. Ang isa sa mga chemical na ito ay tinatawag na histamine. Ang histamine ay ang nagpapasikip ng muscles na dinaraanan ng hangin at sa dingding ng blood vassels o daluyan ng ugat. At tumatalab din ito sa dingding ng ilong at nag po-produce ng maraming mucus.

Mga dahilan na maaaring mapanganib:

  • Maaaring nasa lahi ang allergy at asthma o hika
  • Kapag bata ang pasyente
  • Kapag may hika o asthma
  • Hindi masyadong expose sa araw
  • Mayroong maraming uri ng allergy
  • Nanganak sa pamamagitan ng Cesarean section

Mga dapat gawinupang maiwasan ang allergy

May mga pagkaing maaaring makatulong sa iyo upang maiwasan ang pag-atake ng allergy. Narito ang ilan sa mga puwede at dapat mong kainin:

  • Puti ng itlog o itlog
  • Isda
  • Gatas
  • Mani
  • Pagkain na galing sa wheat o trigo
  • Pagkain na galing sa soya
  • Mga pagkain ng lamang dagat

Mga iba pang dapat iwasan:

  • Mga alagang hayop o mga balahibo nito
  • Mga gamot tuad ng penicillin, salicylates, at sulfonamides
  • Mga gamit sa bahay na may mga chemicals
  • Mga insekto para hindi makagat nito
  • Mga metal gaya ng nickel, cobalt, chromium at zinc

Nang dahil sa mga sanhi at mga panganib na dulot ng allergy, dapat lamang alamin ang gamot sa allergy.

Gamot sa allergy

  • Antihistamin – ito ang pumipigil sa pagdami ng histamine, kung minsan ay hindi ito ibinibigay ng doktor sa mga bata.
  • Decongestant
  • Anti-leukotrienes – ginagamit ito kapag ang mga gamot sa hika ay hindi tumatalab sa pasyente.
  • Steroid spray – inilalagay ito sa lining ng ilong para maging maluwag ang paghinga.

Gaano man kabisa ang mga gamot sa allergy mainam na magpatingin muna sa doktor para sa karampatang panglunas. Matapos na malaman at madiskubre ang mga sanhi ng allergy, makasisiguro ka na kung anong klase ng gamutan ang maaaring isagawa sa allergy mo o ng mahal mo sa buhay, sa oras ng pag-atake nito.

KATULAD NA MGA ARTIKULO