Gamot sa Baradong Ilong

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Baradong ilong? Lahat na yata ng tao ay nakaranas na nito, bata man o matanda; lalaki o babae. Siguradong maging ikaw ay nagkaroon na rin ng baradong ilong. Nakakainis, hindi ba? Kapag gabi umatake ito, hindi ba’t hindi ka makatulog na nagiging sanhi ng pagkapuyat? At kapag umaga naman, ang maghapong gawain ang apektado. Paano nga ba ang gagawin sa ganitong sitwasyon? Tiyak na interesado ka nang malaman kung ano ang gamot sa baradong ilong ang magiging epektibo sa iyo.

Kapag barado ang ilong ng isang tao, siya ay sinisipon at hirap huminga. Dahil dito, ang pasyente ay maaaring magkaroon ng hindi magandang karanasan siya ay naaabala sa kaniyang pakikipag-usap sa iba. Napakaraming tao ang nakapag-iisip na ang baradong ilong ay dulot ng sobrang sipon. Subalit ang baradong ilong angnagiging dahilan ng mga daluyan ng dugo sa sinus na namamaga. Kaugnay nito, ang mga namamagang daluyan ay madalas na nakapagti-trigger ng trangkaso, allergy, sipon o ano pa mang impeksiyon.

Sintomas o senyales na mararamdaman

Bagama’t naituring nang pangkaraniwang sakit ang baradong ilong, maaring may ibang dahilan din ang pagkakaroon ng ganitong kundisyon. Maaring ang inaakala mong simpleng sakit ay isa na palang acute sinusitis. Ito ay nagiging sanhi sa daanan ng hangin sa loob ng ilong, maging ng ulo o tinatawag na ‘sinuses’ na sumakit at mamaga. Nagreresulta ito ng problema sa labasan ng sipon at pagkabara sa loob ng ilong. Sa ganitong karamdaman, talagang pahirapan sa paghinga sa ilong.

Ang gamot sa baradong ilong ay hindi pare-pareho. Ito ay depende pa rin sa uri ng pagkabara ng ilong na nararanasan. Para sa acute sinusitis, pangunahing sintomas ang paglabas ng kulay dilaw at malagkit na discharge na nanggagaling sa ilong at lalamunan. Ilan pa sa mga senyales ang sumusunod:

  • Pagbara ng ilong na nagiging sanhi ng hirap sa paghinga, pamamaga, sakit, pamamaga at pressure sa paligid ng mata, noo, at pisngi
  • Kawalan ng gana sa pagkain
  • Kawalan ng pang-amoy
  • Ubong mas malala kapag gabi
  • Masakit na tainga, ngipin at ulo
  • Mabahong hininga
  • Mabilis na pagkahapo
  • Lagnat

Sanhi o dahilan ng baradong ilong

Katulad ng nabanggit, ang baradong ilong ay nararanasan sa iba’t-ibang mga kadahilanan. Halimbawa na lamang sa kaso ng sinuses. Ito ay nararanasan kapag may masamang organismong nakapasok sa loob ng sinus. Ang mga organismong ito ay maaaring fungi, bacteria o virus na namamalagi na sa loob. Ang pananatili nito sa sinuses ang nagiging sanhi ng pagbara sa lalabasan sana ng hangin sa ilong. Ang ilan pa sa mga nagiging dahilan ng baradong ilong ay ang mga sumusunod:

  • Simpleng sipon
  • Mga irritants gaya ng nasal sprays
  • Allergies
  • Bawal na gamot gaya ng cocaine
  • Paninigarilyo

Importanteng malaman na kapag naimbak na ang sipon sa sinuses, mas may tsansang mabuhay ang mga bacteria sa loob nito. Maging ang mga karamdaman ay nakapagpapataas ng tsansa na magkaroon ng sinusitis kagaya na lamang ng nasal polyps at mas malala, tumor.

Gamot sa baradong ilong na angkop sa kundisyon

Kung ang pagbara ng ilong ay hindi pa naman ganoong kalala, subukan muna ang mga natural na pamamaraan bilang gamot sa baradong ilong. Ang mga ito ay hindi masyadong magastos (o halos walang gastos), madaling matagpuan sa loob at paligid ng bahay, o napakasimpleng gawin. Narito ang ilan:

  • Humidifier – ito ay nagbibigay ng napakabilis at madaling paraan para maibsan ang nararamdamang sakit sa sinus at paluwagin ang baradong ilong. Kino-convert ng makina ng isang humidifier ang tubig sa kahalumigmigan na bana-banayad na pumupuno sa hangin. Ito ay dahil sa nakakapagpataas ito ng humidity sa isang silid. Kapag hininga o sininghot ang mamasa-masang hangin, ito ay naapagdudulot ng ginhawa sa namamagang tisyu, maging sa daluyan ng dugo sa sinus at ilong.

Nakatutulong ang humidifier para panipisin ang uhog sa sinus ng isang tao. Tunay ngang nakatutuong ang humidifier sa pag-alis ng mga likido sa ilong at pagbalik ng hininga sa normal. Pinakamainam na ilagay ang humidifier sa silid para mapawi ang pamamaga na nagiging dahilan ng pagbara ng ilong.

  • Maligo – ito ay makatutuong para matanggal ang pagkabara ng ilong. Napakabisang gamot sa baradong ilong ng panliligo. Kapag barado ang ilong, subukan mong maligo sa hot shower. Makakaramdam ka ng luwag sa paghinga. Ito ay dahil sa singaw na nagmumula sa shower na nakatutulong upang mabawasan ang sipon sa ilong at maibsan ang pamamaga. Ang hot shower ay puwedeng makatulong sa paghinga ng normal.
  • Panatilihing hydrated ang sarili – ito ay isa sa mga pinakamabilis na nakapagpapaalis ng bara sa ilong. Nakatutulong ang pag-inom ng maraming tubig kapag barado ang ilong. Halos lahat nan g uri ng mga likido ay mabisang gamot sa baradong ilong dahil pinapanatili ng mga ito na hydrated ang sarili kapag may akit. Ilan sa mga inuming nakatutulong ang sports drink, inuming tubig, at fruit juices.
  • Saline spray – ang paggamit nito na may halong saltwater solution ay puwedeng makapagpataas sa kahalumigmigan sa mga butas ng ilong. Ang saline spray ay nakatutulong upang panipisin ang uhog sa mga sipi ng ilong. Karagdagan pa rito, ang spray ay nakapagpapabawas ng pamamaga ng daluyan ng dugo at nakatutulong para mailabas ang likidong nanggagaling sa ilong.
  • Hot compress – Ang hot compress ay maaaring maging makatulong na mabawasan ang sakit sa ilong Para makagawa nito, magbabad lang ng face towel o tuwalya sa mainit na tubig. Pigain ito at pagkatapos ay itiklop at ilagay sa ilong at noo. Ang init ay puwedeng magbigay ng ginhawa sa pakiramdam mula sa kahit na anong sakit at makakatulong din upang pawiin ang pamamaga sa bahagi ng butas ng ilong. Ito ay gawin nang madalas hangga’t kinakailangan o hanggang tuluyan nang gumaling.

Malalaman mo kung ano talaga ang tamang gamot sa baradong ilong sa pamamagitan ng pagkonsulta sa doktor. Importanteng matukoy kung ang nararanasan ay simpleng pagbara lamang ng ilong o may iba pang kondisyong dapat bigyan ng pansin. Maaaring gawin ang mga natural na pamamaraan na nabanggit na. Subalit kapag, sa kabila ng pagsunod sa mga natural na hakbang na dapat gawin, ay hindi pa rin bumubuti ang pakiramdam, kagaya ng nabanggit, magpatingin na sa doktor.


  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

KATULAD NA MGA ARTIKULO

Related posts