Ano ba Ang Mabisang Gamot sa Dry Cough?

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Dry cough, naranasan mo na ba ito? Kung gayon ay basahin ang artikulong ito.

Ang mga nilalaman nito:

  • Ano ba ang dry cough?
  • Karaniwang sanhi ng dry cough
  • Mga impormasyon tungkol sa asthma
  • Ano ang GERD at bakit ito iniuugnay sa dry cough?
  • Ano ang gamot sa dry cough?
  • Mga home remedy sa dry cough sa natural na paraan

Ano ang drycough?

Ang pag-ubo, ay natural na paraan ng katawan para linisin at alisin ang plema na nasa daanan ng hangin para makahinga tayo ng maayos. May dalawang klase ng ubo

  • Productive Cough – Ang productive cough ay tumutulong upang mailabas ang plema na nanggagaling sa baga o lungs.
  • Nonproductive cough o dry cough – Ito ang pangalawang uri ng ubo, tinatawag din itong dry cough. Ang dry cough ay ang pag-ubo na walang kasama o inilalabas na plema.

Kung minsan ang dry cough ay dahilan ng allergies at pagiging acidic, kung minsan naman ay umuubo tayo nang ng walang nalalaman na dahilan.

Kapag walang tigil ang dry cough, malilimitahan nito ang ating mga gawain sa araw-araw at rutina. Kadalasang nangyayari ang dry cough sa gabi kaya naman kung minsan ay napupuyat tayo dahil dito.

Bago natin malaman ang gamot sa dry cough, alamin muna natin kung ano ang pinamumulan nito.

Karaniwang sanhi ng dry cough

Asthma – Ito ay dahil sa pamamaga at paninikip ng daluyan ng hangin sa paghinga. Ang asthma ay nagdudulot ng dry cough, o nonproductive cough. May mga pagkakataon na ang productive cough ay nagiging sanhi din ng asthma.

Myaroon ding uri ng asthma na tinatawag na Cough Variant Asthma. Ang sintomas ng CVA ay ang chronic dry cough, o malala subalit matagalang dry cough.

Mga sintomas ng drycough na dala ng asthma

  • Pag-bahing
  • Nahihirapang huminga
  • Mabigat at naninikip na dibdib
  • Hindi makatulog dahil sa pag-bahing at pag-ubo
  • Sobrang pag-ubo at pagbahing
  • Tunog na parang sumisipol kapag humihinga

Kung tuloy-tuloy ang mga sintomas ng asthma, malamang na maging mahaba-haba din ang kinakailangang gamutan. Ang doktor ay maaaring magbigay ng gamot na inhaled corticosteroids gaya ng mga sumusunod:

  • Fluticasone (Flovent)
  • Triamcinolone (Azmacort)
  • Budesonide (Pomicort)

Kapag ang asthma ay panandalian lamang, maaaring bigyan siya ng bronchodilator inhalers tulad ng albuterol (Proventil Ventoline) kung minsan ang gamot na ito ay ginagamit din sa mahabang gamutan. Ang doktor ang magsasabi kung ano ang mas babagay sayo.

Ang GERD at ang dry cough

Ang GERD o gastroesophageal reflux disease ay ang pagiging acidic sa ibang pananalita. Ang acid sa sikmura ay uma-abot sa esophagus kaya naman ay na-iirita ang lalamunan at pinagmumulan din ng dry cough.

Narito ang mga sintomas ng acidic na maaaring maiugnay sa mga sintomas ng dry cough:

Sintomas ng GERD:

  • Heartburn
  • Pananakit ng dibdib
  • Maasim na lasa, pagkain man ito tubig
  • Pakiramdam na parang may bukol sa likod na bahagi ng lalamunan
  • Malalang ubo, o dry cough
  • Malalang sore throat
  • Pamamaos ng kaunti
  • Hirap sa paglunok

Ang mga sanhi ng GERD o acidic ay maiuugnay sa lifestyle at mga iniinom na mga gamot. Ang pagiging acidic o pagkakaroon ng GERD ay nagiging dahilan din ng dry cough.

Postnasal drip at ang dry cough

Ang post nasal drip ay ang pagpatak ng mucus galing sa ilong pababa ng lalamunan kapag may sipon o allergy o allergy ka.

Parang kinikiliti ng postnasal drip ang ugat sa lalamunan kaya naman nagdudulot ito ng dry cough.

Mga sintomas ng postnasal drip

  • Sore throat
  • Pakirandam na parang maybukol sa lalamunan
  • Nahihirapang lumunok
  • Panganagti ng ilong
  • Pag ubo lalo na sa gabi

Ano ang lunas sa post nasal drip? Ang gamot sa postnasal drip ay depende sa dahilan nito, kung ito ay allergy, bacterial infection o kaya ay virus.

Viral infection at ang dry cough

Ang viral infection ay isa pa sa mga dahilan ng pagkakaroon ng dry cough. Ang sipon ay isa sa pangunahing uri ng impeksyon na dala ng virus.

Kapag ang sipon ay tumagal ng halos dalawang linggo, pwedeng ma-irita nito ang lalamunan at daluyan ng hangin sa paghinga, at maging dahilan ng dry cough.

May iba pang mga dahilan upang ma-irita ang lalamunan at magkaroon ng dry cough. Halimbawa, paninigarilyo, alikabok, polusyon, mga kemikal gaya ng sulfur dioxide o kaya nitric oxide.

Iba pang sanhi ng dry cough

Kung minsan, ang mga gamot sa high blood ay nagiging dahilan ding ng dry cough. Ang side effects ng mga gamot tulad ng Enalapril at Lisinopril ilan pang gamot sa high blood pressure ay nagiging sanhi ng dry cough.

Ang paghina ng baga, nangyayari ito kapag nagkaroon ng tama o injury ang dibdib, o kaya ay pagkakasakit ng baga. Ang mga pinsala sa baga ay maaari ring makaranas ng pananakit ng dibdib at kahirapang huminga.

Kanser sa baga. Ang tuloy-tuloy at walang tigil ng pag-ubo, o kaya ay chronic dry cough ay maaaring dahil sa kanser sa baga. Kung minsan, ibang iba ang tunog ng ubo ng mga taong may kanser sa baga.

Gamot sa dry cough

Hindi madaling gamutin ang dry cough, kapag ang lalamunan o daluyan ng hangin sa paghinga ay mairita ng paulit-ulit magiging dahilan ito ng dry cough. Maraming sanhi ang dry cough kaya naman dapat lamang na angkop sa sanhi at sintomas ang ibibigay na gamot sa dry cough.

Narito ang mga gamot sa dry cough na maaari mong subukan:

Lozenges – Gamot na pang moisturize sa throat tissue para hindi ito ma-irita.
Dextromethorphan (Robitussin) – mabibili ito over the counter o kaya kahit na walang resita.
Honey – maaaring idagdag ang honey sa mainit na inumin para maging gamot sa dry cough

Maliban sa mga mabibiling over the counter na gamot sa dry cough ay mayroon ding home remedies na pwedeng gawin, ang karamihan sa mga sangkap na kailangan ay nasa paligid lang ng bahay mo.

Home remedies o mga gamot sa dry cough sa natural na paraan

  • Iwasang ma expose sa mga pulosyon. Ang usok na galing sa sigarilyo at alikabok ay pwedeng maging dahilan ng pag- ubo, kaya’t ugaliing gumamit ng face mask kung lalabas ng bahay.
  • Masahe sa dibdib at likod. Kapag may dry cough, parati na ring nanakit ang dibdib at likod. ang pagmasahe gamit ang maanghang na liniment ay makagiginhawa sa pakiramdam.
  • Uminom ng salabat. Ang luya ay mabilis na nakakapahinwa ng dry cough, paghaluin ang ang kaunting ginadgad na luya, isang kutasitang honey, isang kutsaritang apple cider vinegar at dalawang kusarang tubig saka inumin. Mas masarap ang salabat kung ito ay hahaluan ng kaunting asukal, masarap na, gamot pa sa dry cough.

Ang mga remedyong nabanggit at mga natural na paraan ay makatutulong upang gamutin ang dry cough.
Maraming ding over the counter na gamot sa dry cough na mabibili sa botika. Pero tandaan, kung hindi talaga maalis-alis ang dry cough sa kabila ng pagsagawa ng mga paraang nabanggit, magkonsulta ka sa doktor mo para matukoy niya kung ano talaga ang problema mo!


  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

KATULAD NA MGA ARTIKULO

Related posts