Ano-ano ang mga Mabisang Gamot sa Impatso?

Nahihirapan huminga dahil sa sobrang busog… nakakalasa ng parang acid sa bibig…parang masusuka….ilan lamang ang mga ito sa mga sintomas ng impatso. Kadalasang nararanasan ito ng isang taong naparami ang kain sa sobrang sarap ng ulam ng niluto ni nanay, matinding kabusugan sa isang piyestahan, party o ano mang salo-salo, o kaya nama’y sinamantala at sinulit ang ginastos sa eat-all-you can sa restaurant. Ano man ang dahilan ng kabusugan mo, kung nararamdaman mo ang mga nabanggit iisa lang ang tawag diyan: impatso! Kaya naman mainam na malaman mo kung ano nga ba ang mga mabisang gamot sa impatso at paano ba maiiwasang maranasan ito.

Masarap nga namang kumain, hindi ba? Tayo pa namang mga Pinoy ay mahilig sa mga pagkaing mabibigat sa tiyan, una na rito ang kanin. Kaya naman napakarami na sa atin ang nagkakasakit ng kung ano-ano gaya ng high blood, diabetis, mataas na cholesterol, may kaugnayan sa uric acid at kung ano-ano pa. Ngunit kung may gamot sa impatso na ipinapayo ang mga eksperto, dapat ba nating ikaalarma ito? Ito ba ay isang karamdamang pansamantala na lilipas din pag hindi na busog? O, maaari ring magdulot ng masamang sakit kapag hindi naagapan? Alamin natin.

Bakit nai-impatso ang isang tao?

Dahil sa hilig natin sa pagkain, madalas, tayong mga Pinoy ay dumaranas ng impatso o hindi pagkatunaw ng pagkain. Ito ay tinatawag ding indigestion. Malalamang impatso na ang nararamdaman kung hindi na masyadong komportable ang iyong tiyan pagkatapos mong kumain. Madalas, kumikirot din ang iyong sikmuro o ang itaas na parte ng iyong tiyan. Tinatawag ding dyspepsia ang impatso. Nagiging pangkaraniwan man ito sa ating mga Pilipino, mahalagang malaman din na maaaring maging palatandaan ng pagkakaroon ng sakit na mas malala ang impatsyo gaya ng ulser, GERD o gastroesophageal reflux disease, karamdaman sa pantok, at marami pang iba.

Ang gamot sa impatso ay hindi pare-pareho. Ito ay depende sa nagiging dahilan o sanhi nito. May mga pamamaraang puwedeng maibsan ito kahit hindi uminom ng gamot. At, may mga paraan din namang puwedeng gawin para maiwasang maranasan ito. May ilang mga kadahilanan kung bakit ang isang tao ay nagkakaroon ng sakit na impatso. Babae man o lalaki, ano mang edad, ay maaaring ma-impatso. Subalit may mga kundisyon din namang maaarang magpataas ng tsansang ikaw ay magkasakit ng ganito gaya ng:

  • Cancer sa tiyan (ngunit huwag mabahala dahil bihira lang ito)
  • Pamamaga ng pancreas o mas kilala sa tawag na Pancreatitis
  • Sakit na may kinalaman sa thyroid

Gamot sa impatso: Mga nararapat gawin, inumin, kainin at iwasan

Nabanggit man na medyo pangkaraniwan na ang impatso sa mga Pilipino, huwag natin itong ipagsawalang bahala. Dapat pa rin ang masusing pag-iingat para tayo ay makaiwas sa sakit na ito o ano mang karamdaman. Kung napapadalas na ang impatso dahil sa dami ng nakain, makakabuti sa pakiramdam ang pag-inom ng kape o tsaa upang ang iyong tiyan ay mainitan. Makatutulong din kung ikaw ay iinom ng antacids. May mga pasyenteng hirap sa buhay at hindi makabili ng gamot. Kung ikaw ay may baking soda sa bahay, tunawin ang 2 kutsara nito sa isang basong maligamgam na tubig at inuming. Tintutulungan nito ang pagkalma ng pakiramdam habang dumaranas ng pagka-impatso.

Kung ikaw ay mabilis at marami kung kumain, at sasabayan mo pa ng stress, napakalaki ng tsansang lumala ang impatso mo. Ang pagkonsumo ng pagkaing matataba ay nakapagpapalala rin ng sakit na ito. Maging ang paninigarilyo ay maaari ring maging sanhi ng problema mo sa panunaw. Kaya naman kung madalas ang pagsumpong ng sakit dahil sa nakaugalian na rin, napakagastos kung palaging magpapa-doktor at bibili ng gamot. Kaya naman may mga nadiskubreng ilang practical choices para sa gamot sa impatso.

Kabilang na rito ang luya. Ito ay isa sa mga pinaka-epektibong natural na gamot sa impatso. Ito ay nakakatulong para ma-stimulate ang mga enzymena kinakailangan para sa wastong panunaw. Ito ang nagiging rason kung bakit napakabisang gamot sa impatso ng luya, mas lalo na kung ang naging dahilan ng karamdaman ay sobrang kabusugan. Kung ayaw mong maranasang ma-impatso ngunit alam mong mapapalaban ka sa isang kainan, maaaring kumain ng luyang hilaw pagkatapos na pagkatapos ng pagkain nang marami.

Kung hindi ka pa nai-impatso at ayaw mong maranasan ito, sundin ang mga sumusunod upang makaiwas sa sakit. Garantisadong eksperto ang mga ito kaya’t hindi dapat balewalain:

  • Dahan-dahan lamang sa pagkain. Iwasan mong kumain sa oras na malapit na sa susunod mong gawain lalo na kung papasok ka sa eskuwela o opisina. Madalas hindi natutunawan ang mga taong nagmamadali kung kumain.
  • Iwasan mo ang pagnguya ng bukas ang bibig. Papasukan ka ng hangin sa loob ng bibig na didireso naman sa iyong tiyan. Ang pagiging feeling bloated ang isa sa pinaka-ayaw mong maramdaman, hindi ba?
  • Ang pag-inom ng tubig ay dapat gawin pagkatapos kumain. Kapag umiinom ka ng tubig maya’t-maya habang kumakain, makapagdudulot ito ng bigat ng pakiramdam at parang nasusuka. Ang iba nga ay umiinom pa ng maligamgam na tubig para mas mabilis matunaw ang kinakain.
  • Huwag matulog kaagad pagkakain lalo na kung naparami ka ng kain. Hindi magiging komportable ang pagtulog kung ikaw ay busog. Hindi matutunaw ng ayos ang iyong kinain kung ikaw ay matutulog kaagad pagkatapos-na pagkatapos mong kumain. Maglakad-lakad nan gang pagkain ay bumaba at matunaw bago ka matulog.
  • Kung talaga namang antok na antok na ngunit busog, mas mainam kung mataas ang unang gagamitin sa pagtulog. Siguraduhing hindi pantay ang iyong ulo sa paa kapag nakahiga nang busog. Sa ganitong paraan, matutunaw pa rin ng tama ang iyong kinain, makakaiwas ka pa sa posibleng pagdanas ng bangungot dahil sa kabusugan, na maaari ring makamatay.

Hindi naman dahil sa may mga gamot sa impatso na nadiskubre a rekomendado ng nakararami ay aarya ka na ng kain na marami. Mas mainam pa rin ang masusing pag-iingat para maiwasan ang posibleng pagdanas ng kahit anong discomfort sa tiyan. Change of lifestyle ang pinakamahalagang gawin dahil dito lahat nagsisimula ang pagkakaroon ng malusog na pangangatawan. Ang regular na pag-e-ehersisyo ay isa ring magandang gawin para bumilis ang metabolismo. Ang pagkakaroon ng mabilis na metabolism ay nangangahulugang bibilis at gaganda rin ang panunaw ng pagkain sa katawan.

KATULAD NA MGA ARTIKULO