Mabisang Gamot sa Insomnia

Hindi ka ba makatulog gabi-gabi? Ilang pelikula na marahil ang napanood mo. Na-like at na-comment-an mo na siguro ang lahat ng posts ng FB friends mo pero hindi ka pa rin dinadalaw ng antok. Malamang din, naka-ilang chapters ka na rin ng libro pero no chance pa rin na makatulog ka. Magpapalit na naman ang petsa pero gising ka pa rin?! Walang kaduda-duda, insomniac ka! Kung nakakatulog ka sa tamang oras sa gabi, ngunit nagigising ka naman ng alanganin sa oras at hindi na makatulog, insomnia pa rin ito. Ngunit hindi ka dapat mabahala. Karamdaman man itong maituturing, may mga gamot sa insomnia ka namang madidiskubre.

Mga sanhi ng pagkakaroon ng insomnia

Ang insomnia, kadalasan ay dulot ng stress sa trabaho, pamilya o anumang bagay. Ito rin ay nagiging resulta kapag ang isang tao ay dumaranas ng isang traumatic experience. Bukod sa mga nabanggit, ang iba pang mga problema ang nagiging dahilan kung bakit nagkaka-insomnia ang tao. Ilan pa sa mga nagiging sanhi ng hindi pagkakatulog ng regular at matagal ang mga sumusunod:

  • Pag-inom ng gamot gaya ng gamot sa allergy, sipon at hika
  • Pagkakaroon ng neurological disorder gaya ng Parkinson at Alzheimer’s disease
  • Mga problemang kalusugang may kinalaman sa hirap sa paghinga
  • Pagme-menopause
  • Sobra sa pag-inom ng caffeinated drink gaya ng kape, softdrinks at tsaa
  • Madalas na paggamit ng tabako, paninigarilyo at pag-inom ng alak

Hindi kailangang gumastos para sa gamot sa insomnia

Kung ikaw ay dumaranas ng ganitong sakit, huwag masyadong mabahala dahil hindi mo kailangang gumastos ng malaki dito. Ang gamot sa insomnia ay kadalasang libre at isinasagawa lamang (at hindi iniinom). Sundin lamang ang mga sumusunod at tiyak na mababawasan hanggang sa tuluyan nang mawala ang insomnia mo.

  • Matulog ka nang patay ang ilaw. Nakakasilaw ang liwanag na nagmumula sa ilaw kaya kadalasan ito ang nagiging dahilan kung bakit hindi makatulog ang isang tao. Ang pagtulog nang madilim ang kuwarto ay nakaktulong sa katawan mong makapag-produce ng hormone na tinatawag na melatonin. Ito ay hormone na makakatulong para ikaw ay antukin.
  • Palaging magsuot ng takip sa mata o eye mask. Ito ay para sa mga ayaw magpatay ng ilaw kapag natutulog. Hindi ka gagastos ng hihigit pa sa P50 paa sa isang eye mask. Madali rin itong mahanap dahil kahit sa mga bangketa, ay makakabili ka nito.
  • Bago matulog, iwasan na ang paggamit ng cellphone, tablet, laptop, o panonood ng TV. Ang mga nabanggit ay nagpo-produce ng liwanag na nagiging sanhi ng pananakit ng ulo at mata lalo na kapag patay ang ilaw. Ito ay hind mabisang pampatulog kaya huwag gawing pampaantok ang TV at gadgets.
  • Huwag nang uminom ng alak. Tunay na ang ilang tagay ng alak ay nakapagpapatulog. Ngunit kapag ito ay na-metabolize na sa iyong katawan, nawawala ang bisa nito na nagiging resulta lang ng pagiging mababaw ng tulog. Kung iyong napapansin, matapos na ikaw ay uminom, mas maaga ka pang nagigising. Minsan, alas-dos o alas-tres pa lamang ay gising ka na at hindi na makatuog. Nakatulog ka man, kulang naman. At ang masaklap pa rito, pagkagising mo, may hangover ka pa.
  • Iwasan na ang pag-inom ng kape. Gayan ng nabanggit, ang kape ay may malakas na caffeine at alam nating lahat na hindi ito nakakapagpatulog. Sa katunayan, pampagising pa nga ito. Kaya nga nakaugalian na nating ang pag-inom ng kape ay tuwing umaga para tayo ay magising.
  • Ugaliing uminom ng gatas bago matulog. Ito ang pinaka-mabisang gamot sa insomnia. Para ikaw ay makatulog, uminom ng mainit na gatas. Ito ay nakatutulong para makapag-produce ang iyong katawan ng melatonin, na, nabanggit na nga, isang uri ng hormone na kakapagpapaantok.
  • Bawal nang manigarilyo. Kung ikaw ay may ganitong bisyo, mainam na itigil na ito. Kung hindi mo maititigil nang agaran at tuluyan, subukang huwag munang manigarilyo bago matulog. Ang nicotine na taglay ng sigarilyo ay stimulant. Ang ibig sabihin, ito ay nakapagpapagising pa.

Mga natural at madaling gawain ang mga nabanggit. Ligtas din silang mga gamot sa insomnia. Ano man ang dahilan mo sa pagkakaroon ng insomnia, makatutulong ang mga ito para ikaw ay makatulog nang mas mahaba at dire-diretso. May mga taong kapag malala na ang insomnia ay nagpapatingin na sa doktor kung saan, sila ay nirerestahan na ng gamot. An gaming payo: sumubok pa ng ilang mga natural remedy kung sa pakiramdam mo ay hindi pa naman kailangan ng tulong ng mga eksperto. Narito ang ilan pa sa mga maaaring subukan kung ‘wa epek’ pa rin sa iyo ang mga nairekomenda na:

  • Huwag iinom ng mga energy drinks lalo na kapag malapit na ang oras ng tulog.
  • Huwag matutulog ng walang laman ang tiyan o gutom ngunit hindi rin naman tamang ikaw ay matulog nang busog na busog.
  • Mag-ehersisyo tuwing hapon nang hindi bababa sa 30 minuto, bago ang hapunan.
  • Panatilhin ang kaayusan at kaaliwalasan ng iyong silid lalo na sa tuwing ikaw ay bago matulog. Siguraduhing patay ang ilaw at walang maliwanag na ilaw sa may bintana. Siguruhin din ang katahimikan sa iyong paligid bago matulog.
  • I-clear ang iyong isipan sa kung ano mang bagay na makapagdudulot ng iyong insomnia. Magbasa ka ng feel-good books o Bibliya upang makaiwas sa mga suliraning iniisip.
  • Mag-set ng regular sleeping time at oras ng pagbangon para masanay ang iyong katawan o body clock.

May mga gamot sa insomnia na iniinom kung talagang hindi na makatulog. Subalit dapat na malamang hindi nabibili ang karamihan sa mga ito over the counter. Kailangan mo ng reseta na magmumula sa iyong doktor. Ito ay dahil sa mga posibleng side effects na dulot ng pag-inom ng sleeping pills o medicines. Mainam na magpatingin muna sa doktor para masuri at matukoy kung saan at paano nagsimula ang karamdaman, at anong tamang gamot sa insomnia ang dapat inumin.

May mga gamot ka rin namang mabibili over the counter na hindi kailangan ng reseta at aantukin ka. Subalit, inirerekomenda na inumin ang mga ito nang pangmatagalan tulad ng melatonin at diphenhydramine. Ang bottomline, katulad ng paulit-ulit na nababanggit sa artiklong ito: kumonsulta muna sa doktor kung safe nga ba inumin ang mga ito.

KATULAD NA MGA ARTIKULO