Gamot sa Kulani: Ano ang Kulani?

  • 1
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Kulani. Hindi nga ba’t madalas nating marinig ang salitang ito. Marahil ay nagkaroon ka na rin nito. Pangkaraniwan na lamang sa mas nakararami ang kulani. Minsan, bigla-bigla na lamang itong tumutubo sa ating katawan. Bagama’t karaniwan na, importanteng malaman na may iba’t-ibang uri ng kulani. Ang iba kung minsan ay maaari pang magdulot ng panganib. Sa artikulong ito, alamin ang iba pang mga mahahalagang impormasyon tungkol dito, maging ang mga gamot sa kulani na maaaring subukan.

Narito ang ilan sa mga dapat malaman:

  • Ano ang kulani
  • Mga dahilan o sanhi ng kulani
  • Mga sintomas ng kulani
  • Mga panganib sa pagkakaroon ng kulani
  • Dahilan ng pamamaga ng kulani
  • Mga pagsusuri na puwedeng gawin ng doktor
  • Gamot sa kulani

Mga katotohan sa pagkakaroon ng kulani

Ang kulani ay malilit na glands na nagsasala sa mga clear fluid na dumadaloy sa lymphatic system. Ito ay namamaga ito kapag nagkakaroon ng mga infection at tumors sa katawan. Ang lymphatic fluid ay dumadaloy sa lympgatic system katulad ng pagdaloy ng dugo sa mga ugat. Ang kulani o lymph nodes naman ay glands kung saan nakaimbak ang white blood cells. Ang white blood cells naman ang responsable sa pagpatay ng mga masamang organismo.

Ang kulani ang parang checkpoint ng militar na nakaharang. Kapag ang mga bacteria at mga virus ay gustong pumasok sa lymph channels, nahaharangan ito ng kulani. Kapag nagkakaroon ng sakit, ang kulani ang siyang naiiwang bahagi ng mga bacteria o kaya ng mga dead cells.

Ang kulani ay maaaring matagpuan sa ibat-ibang bahagi ng katawan gaya ng:

  • Kili-kili
  • Sa ibabang bahagi ng panga
  • Sa gilid na bahagi ng leeg
  • Sa singit
  • Sa ilalim ng tenga

Ang kulani ay namamaga kung saang bahagi ng katawan mayroong impeksyon. Halimbawa, kapag ito ay nasa leeg, ang ibig sabihin, mayroong upper respiratory infection o karaniwang sipon.

Ano ang dahilan ng pamamaga ng kulani?

Ang pamamaga ng kulani ay dahilan sa mga sakit, impeksyon, at stress. Ito rin ay senyales na ang iyong lymphatic system ay lumalaban para mawala ang mga masasamang organismo na siyang dahilan ng pagkakasakit.

Ang kulani sa bahagi ng ulo o leeg ay dahilan sa mga sakit tulad ng:

Mga dahilan at panganib ng kulani

Dahilan sa mahinang immune system ay maaaring magkaroon ng mga malalang kondisyon ng kulani dahil sa mga malubhang sakit o karamdaman. Ang mahinang immune system ay puwedeng maging dahilan ng pamamaga ng kulani sanhi ng lupus, at rheumatoid arthritis.

Ang ano mang uri ng cancer, kapag kumalat sa katawan, ay nagiging dahilan ng pamamaga ng kulani. Kapag ang cancer na galing sa ibang bahagi ng katawan ay umabot sa kulani, nababawasan nito ang survival rates. Ang cancer sa lymphatic system na tinatawag na Lymphoma. Ito ay nagiging dahilan din ng pamamaga ng kulani.

Ang ibang gamot na iniinom at mga allergec reactions ng gamot ay puwede ring maging dahilan ng pamamaga ng kulani. Ang mga antiseizure at antimalarlial na gamot ay maari ring maging dahilan ng pamamaga ng kulani. Maging ang mga sexually transmitted infection tulad ng syphilis o gonorrhea ay nagdudulot ng pamamaga ng kulani sa singit.

Iba pang dahilan ng pamamaga at panganib na dulot ng kulani

Hindi lang ang mga nabanggit ang mga dahilan kung bakit namamaga ang kulano. Narito ang ilan pa:

Alin ba sa mga nabanggit ang naging sanhi ng pamamaga ng kulani mo o ng kakilala mo? Sana naman ay iyung ordinaryong pamamaga lamang at maaaring lapatan kaagad at ng gamot sa kulani at mabilis na gumaling.

Mga sintomas ng kulani

Ang karaniwang sukat ng kulani ay katulad lamang ng prutas na cherry. Ito ay masakit kapag gumagalaw o natatamaan ito ng kahit na ano mang bagay. Masakit din ito kapag nahahawakan. Kadalasan, kapag ang kulani ay nasa ibabang bahagi ng panga o sa gilid na bahagi ng leeg, ito ay masakit kapag ngumunguya ng pagkain o gumagalaw ang ulo.

Ang namamagang kulani sa singit naman ay masakit kapag humahakbang o naglalakad. Narito ang iba pang sintomas na puwedeng maramdaman kapag namamagang kulani:

  • Ubo
  • Sobrang pagod
  • Lagnat
  • Panginginig
  • Pangangati ng ilong at hirap sa paghinga
  • Pamamawis

Kapag mayroong pamamaga ng kulani, mas makabubuting kumonsulta sa doktor. Mayroong mga sakit o karamdamang may sintomas ng kulani. Kaya naman dapat lang na masuri ito ng doktor at mabigyan ng tamang gamot sa kulani. Ang karaniwang kulani ay lumiliit o kaya nawawala sa loob lamang ng ilang araw. Kung ang iyong kulani ay hindi lumiliit o hindi nawawala, mainam na kumonsulta na sa iyong doktor.

Ang mga pagsusuri na maaaring ipayo ng doktor

Kung dumaan ka sa isang aksidente o nagkaroon ka dati ng mga karamdaman, dapat lamang na sabihin mo sa iyong doktor sa panahon ng iyong pagsusuri. Makatutulong ito upang matukoy ang tamang dahilan ng pagkakaroon mo ng kulani. Tatanungin ka ng doktor tungkol sa iyong medical history upang maging madali ang pag diagnose ng iyong sakit.

Sa oras na nalaman kung ano ang mga sintomas na iyong nararamdaman, maaari nang magsagawa ng mga pagsusuri ang iyong doktor. Kasali na rito ang pagsukat na iyong namamagang kulani. Sa ganitong, paraan matutukoy ng doktor ang iyong tunay na kondisyon at makapagbibigay siya ng tamang gamot sa kulani.

Ang isa pang paraan o pagsusuri na puwedeng gawin ang ang blood test. Ito ay para malaman kung mayroon pang ibang sakit o problema sa iyong hormones. Kung kinakailangan, maaari kang payuhan ng doktor na sumailalim sa lymph node biopsy. Ito ay isang mahusay na paraan upang malaman kung mayroon kang cancer.

May ilang pagkakataon na tuluyan nang tinanggal ang kulani sa pamamagitan ng operasyon. Pagkatapos ng mga pagsusuring ginawa ng iyong doktor, siya ay maaaring magbibigay ng gamot sa kulani ayon sa dahilan at depende sa mga sintomas at resulta ng mga pagsusuri.

Gamot sa kulani

May mga kulani na kusang lumiliit at nawawala kahit hindi ito ginagamot. Kung minsan ay binabantayan pa rin ito ng doktor para makasigurado. Kapag mayroong infection ang doktor ay maaaring magbigay ng antibiotics at antiviral na gamot para gumaling ang sakit at mawala ang kulani.

Ang doktor ay puwede ring magbigay ng mga gamot sakulani gaya ng aspirin at ibuprofen para mawala ang sakit at pamamaga. Kung ang kulani naman ay dulot ng cancer, hindi ito mawawa o babalik sa dati kahit na lapatan pa ito ng ng gamot sa kulani, o kahit na anumang gamutan ang ginawa. Kapag ang kulani ay dulot ng cancer, maaari itong tanggalin sa pamamagitan ng operasyon at sumailalim sa chemotherapy.

Gaya ng sa kahit na anong sakit, ang gamot sa kulani ay depende pa rin sa dahilan, sintomas at resulta ng mga pagsusuri. Kaya pinaka-importante pa rin ang pagkonsulta sa doktor para mabigyan ng tamng tamang gamot para dito.


  • 1
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

KATULAD NA MGA ARTIKULO

Related posts