Alamin ang mga Gamot sa Pasma Puwedeng Subukan

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Marami na sa mga Pilipino ay may pasma. Hindi man lahat, malaki-laki na rin naman ang porsyento ng mga taong nakakaranas nito. Kadalasan, ang alam lang natin sa salitang pasa ay, namamasa o namamawis ang palad na may kasamang panginginig. Tama ba ang alam natin tungkol dito? Importanteng wasto ang kaalaman tungkol sa karamdamang ito. Eh, paano kung ikaw naman ang magkaroon nito sa katawan? Alam mo ba kung ano ang gamot sa pasma na maaari mong subukan?

Hindi ka makakapag-desisyon ng mga dapat mong gawin kung hindi mo alam kung ano ba talaga ang pasma. Hindi mo rin matutukoy ang mga tamang gamot sa pasma kung kulang ang iyong kaalaman tungkol dito. Hindi naman kinakailangang i-memorize o isaulo ang mga scientific at medical terms na nagpapaliwanag sa salita. Basta’t alam mo ang sanhi o dahilan, mga sintomas na nararamdaman, at mga solusyon para maibsan ito, magagawa mo na ang tamang solusyon dito.

Mga mahalagang impormasyon tungkol sa pasma

Ang pasma ay isang klase ng sakit na kung saan amg mga kalamnan at kasusuan ay nakararamdam ng sakit at pagkirot, o discomfort na hindi maipaliwanag. Wala namang partikular na kahulugan o ano mang katumbas na paliwanag ang salitang pasma sa Ingles, maging sa modern medicine. Subalit ito ay nagmula o hango sa salitng ‘spasm.’ Tinatawag na pasmado ang isang taong may pasma.

Hindi na bago ang salitang pasma. Minsan ka na bang tinanong na, “pasmado ka ba?” Madalas, alam natin at pamilyar tayo sa terminong ito pero madalas din, hindi natin alam ang isasagot dahil ang totoo, hindi naman kasi talaga natin alam kung ano nga ba ang mga indikasyon at senyales ng pagkakaroon ng pasma. Lingid sa kaalaman ng marami, ang pasma ay lamig sa katawan. Ayon sa pag-aaral, ang pasma ay maaring isang paraan ng ng katawan ng tao para maipahiwatig ang sobrang paggamit dito, o sobrang pagod ng isa o maraming bahagi nito.

Ano nga ba ang nagiging dahilan ng pagkakaroon ng pasma?

Sabi ng mga matatanda, pinapasma ang isang tao kapag biglang nagbabago ang kundisyon ng kaniyang katawan. Isang magandang halimbawa ang katatapos lamang ng paglalaro ng kahit na anong nakakapagod na sport o pagkagaling sa maghapong trabaho. Ang biglaang panliligo nang hindi nag-iinit ng tubig pagkatapos na pagkatapos ng laro o ano mang aktibidad ay maaaring makapagdulot ng pagkapasma. Puwede rin namang mangyari ang kabaligtaran. Puwde ring pasmahin ang isang taong biglaang nainitan.

Hindi lamang ang mga physically active ang mga may malaking posibilidad na pasmahin. Hindi ka man aktibo sa sport at hindi rin nag-aaalis ng bahay, hindi ka pa rin ligtas sa pagiging pasmado. Halimbawa, ikaw ay may home-based o online job na maghapon kang nagko-computer, maaari ka pa ring maging pasmado. Maging ang isang musician na matagal nag-eensayo o tumutugtog gamit ang kaniyang instrument tulad ng gitara, piano at drum, ay puwede ring pasmahin. Kapag ang mga taong ito ay biglang naghugas ng kamay pagkatapos na pagkatapos ng kanilang mga ginagawa, computer man o instrument, malaki ang tsansa sila ay magka-pasma sa kamay.

Mga sintomas ng pagkakaroon ng pasma

Kung hindi ka pa nagkakaroon ng pasma, marahil, hindi mo pa rin alam ang mga sintomas ng sakit na ito. Magugulat ka dahil ang mga senyales ng pagiging pasmado ay hindi, o higit pa sa inaakala mo. Basahing mabuti at suriin ang sarili. Malay mo, nag-uumpisa na rin pala ang pasma mo. Importanteng malaman mo ang mga ito para alam mo rin kung tama ang mga paraang gagawin mo bilang gamot sa pasma.

  • Pabalik-balik na sakit ng ulo o migraine
  • Nagpapawis ang kamay
  • Nawawalan ng pakiramdam at nanakit ang mga kamay
  • Mga katulad na sintomas ng diabetes
  • Hindi mapaliwanag na sakit ng katawan

Dahil wala namang eksaktong teorya dito, ang kadalasang gamot sa pasma ay iniinom subalit pabalik-balik pa rin ang sintomas. Kailangan isaisip at tandaan ang pasma o lamig. Kasi, kapag lamig ang dulot ng pasma, maiinit na pangremedyo ang dapat gawin bilang gamot sa pasma kagaya na lamang ng mainit na sabaw partikular na ang sopas, o iba pang mga pagkaing nakapagbablanse sa lamig sa katawan. Para naman makaiwas sa mga pagkaing malamig sa tiyan tulad ng melon, mansanas at citrus, uminom ng mainit na tsaa para mabawasan ang lamig. Tuwing tag-init naman, kumain ng mga prutas na akma sa panahon.

I-analyze mo ang isang paghahambing na nailathala sa isang online article,na hindi naman nakakagawian ng isang tao, ang isang baso ng tubig na mainit, tapos ay inilalagay sa freezer. TIyak na puputok at mababasag ang baso. Ito ay nangyayari nang dahil sa temeratura. Ang katawan ay maihahalintulad din sa isang baso. Nagkakaroon ito ng tinatawag na shock, dulot ng dalawang klase ng temperatura na magkaiba. Ang galing ng analysis, hindi ba?

Mayroon nga bang gamot sa pasma?

Oo naman. Lahat naman ng sakit, may gamot. Iniinom man iyan, ginagawa, o iniiswasan. Hindi lang yan. Ang gamot sa pasma ay maaaring maging natural o synthetic medicine. Kung pasmado ka at wala ka pang panglunas na natutuklasan, subukan ang mga ito:

  • Pain relievers – Ito ay ang mga gamot na inionom gulad ng paracetamol, mefenamic acid at ibuprofen. Ang mga gamot sa pasma na ito ay puwedeng makatulong para mawala ang sakit at iba pag discomfort sana inuugnay sa pagpasma ng ano mang bahagi ng katawan.
  • Masahe o hilot – ang pagpapahilot o paghaplos sa apektadong parte ng katawan ay nakapagpapakalma ng kalamnan at maaari ring makapagpabuti ng pasma. Sa pagmamasahe, gumamit ng kahit na anong liniment o ointment na panghilot.
  • Ipahinga ang bahagi ng katawang pasmado – kapag hindi gumagalaw at relaxed ang pasmadong bahagi ng katawan, naiibsan ang pakiramdam.

Pag-iwas sa pasma

Ang pag-iwas sa sakit na ito ay isa ring paraan bilang gamot sa pasma. Sabi nga ng mga nakatatanda, at nakaugalian na, makakaiwas lamang sa pasma kung iiwas din sa biglaang pagpapalit ng kundisyon ng katawan. Ang ibig sabihin, huwag biglaang magbabasa, magpapainit, magpapalamit, o magpapagutom.

Para sa mas masusing pag-iingat, magpatingin sa isang rehabilitation medicine doctor o occupational therapist para malaman kung nasobranan ka na sa maling paggamit ng iyong katawan. Makakatulong ang pagbabawas ng mga gawain. Magpahinga at regular na mag-ehersisyo. Makakatulong talaga itong maibsan o mawala ang pasma sa katawan.


  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

KATULAD NA MGA ARTIKULO

Related posts