Mga Epektibo at Mabisang Gamot sa stiff neck

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Naranasan mo na bang magka-stiff neck? Ang hirap di ba? Sadyang hindi komportable ang may ganitong karamdaman. Madalas, nararamdaman ito paggising sa umaga. Hindi nga ba’t napapaisip ka kung bakit ta nagkaroon ng stiff neck? Posisyon sa pagtulog, mali o hindi paggamit ng unan sa pagtulog, o biglang paglingon ang ilan sa mga maaaring naging sanhi ng pagkakaroon ng ganitong karamdaman. Kung nagkaroon ka na nito, anong ginawa mo? Mabisa ba ang gamot sa stiff neck na ginamit mo?

Napakaraming tanong na nangagailangan ng sagot. Pinakamahalaga rito ang paggamit ng tamang gamot. Kung hindi ka nakasisituro kung tama ang ginamit mo, okay lang iyan. Gumaling naman ang leeg mo eh. Hindi mo nga lang alam kung ikaw ay gumaling ng kusa na lamang o umepekto nga ba ang ginawa mo. Sa artikulong ito, magkakaroon ka ng mas malawak pang pang-unawa tungkol sa stiffneck, mga sanhi nito, at paano ito malulunasan. Narito ang ilang mahahalagang impormasyon:

  • Dahilan ng stiff neck
  • Mga sintomas na puwedeng maramdaman
  • Ibat-ibang paraan at remedyo
  • Gamot sa stiff neck sa natural na paraan
  • Mga maaaring panganib na dulot ng stiff neck
  • Mga sakit na may sintomas na stiff neck

Katotohanan tungkol sa stiff neck

Ang stiff neck ay karaniwang problema na nararanasan ng marami. Kadalasang nagiging dahilan nito ay kapag nakatulog ka ng mali ang posisyon ng paghiga, kapag matagal kang nakaupo sa harapan ng computer, kapag nagkamali ka ng galaw, at dulot ng pagbuhat ng mabigat gamit ng mga yong balikat.

Ang isa pang dahilan ng stiff neck ay labis na pag-alala o kaya ay stress, trauma, at kapag naaksidente ang leeg, o mga karamdamang tulad ng rheumatoid arthritis, meningitis o cancer. Ang ganitong kondisyon ay nagdudulot ng pananakit, nahihirapang gumalaw o lumingon ang leeg, kung minsan ay nagiging dahilan din ito ng sakit ng ulo, balikat at mga braso.

Mga panganib na dulot ng stiff neck

Katulad ng nabanggit kanina, ang stiff neck ay maaaring dahilan ng ilang mga karamdaman. Kung hindi man ito ang dahilan ng iyong stiff neck ay puwede ka ring makaranas ng ilang hindi komportableng pakiramdam tulad ng hindi mapagkatulog nang maayos dahil na rin sa sakit na nararamdaman. Puwede ring malimitahan nito ang mga pang araw-araw mong gawain.

Ang karaniwang stiff neck ay nawawala lamang paglipas ng ilang araw. Samantala, maaari mong baguhin ang mga dating nakaugalian na upang mabawasan ang sakit na nararamdaman. Mayroon ding natural na gamot sa stiff neck at mga remedyong puwedeng gawin. Ang susunod na mababasa mo ay ang mga remedyong maaaring gawin, maging mga natural na gamot sa stiff neck.

Mga natural na gamot sa stiff neck at remedyong pwedeng gawin

Karaniwan, ang stiff neck ay nagagamot sa natural na paraan lamang. Hindi naman ito dapat ikabahala dahil madalas ito ay lumilipas na lamang at kusang gumagaling. Subalit kung nais mong maibsan ang pakiramdam nang hindi ito pinalilipas lamang. Narito ang ilan sa mga natural na remedyo o gamot sa stiff neck:

Masahe

Ang masahe ang pinakamahusay na paraan upang mawala ang stiff neck. Ang marahang masahe ay makatutulong upang ma-relax ang muscle at maging maganda ang blood circulation. Nang dahil dito ay maigagalaw na ng maayos ang leeg at magiging maayos na ang pagtulog ng taong may stiff neck.

Kung paano ito gagawin:

  • Maligo o mag-shower ng katamtamang init ng tubig para ma-relax ang muscle
  • Gawing maligamgam ang olive oil, coconut oil o mustard oil
  • Ilagay sa apektadong bahagi
  • Marahang masahehin ito ng ilang minuto

Kung hindi ka marunong magmasahe ng sarili, ipagawa ito sa isang massage therapist.

Gawin ang ehersisyo sa leeg

Ang pag-e-ehersisyo ng leeg ay isa ring natural na gamot sa stiff neck. Makakatulong ito para mawala ang tension na nakakapaghigpit sa muscle ng leeg.

Kung paano ito gagawin:

  • Maupo nang tuwid upang ma-relax ang muscle
  • Igalaw ang leeg nang pailing-iling sa kanan at kaliwa, igalaw ang ulo nang pataas at payuko
  • Igalaw ang ulo nang pababa sa kanan at kaliwang balikat, ulit-ulitin ito nang ilang minuto
  • Tumingin sa kanan at kaliwa nang hindi ginagalaw ang katawan

Huwag gawin ang ehersisyong ito kung labis na nasasaktan. Ang isa pang paraan ay ang paglangoy. Siguraduhin lamang na susundin ang tamang techniques sa paglangoy.

Cold compress

Ang malamig na temperature ay maaaring makaalis o makabawas ng sakit at malilimitahan ang pagdami ng lactic acid na siyang natural na dahilan ng mucle metabolism at sanhi ng pananakit.

Kung paano ito gagawin:

  • Balutin ang yelo o ice cube sa manipis na tuwalya
  • Ilagay o i-compress sa stiff neck sa loob ng 10-15 na minuto
  • Ulitin ito pagkatapos ng 2 oras sa loob ng unang 48 oras

Huwag direktang ilagay ang yelo sa balat.

Heat therapy o hot compress

Kapag sa loob ng 48 oras ng pagsagawa ng cold compress at hindi pa rin gumagaling ang sriff neck, subukan ang heat therapy. Ito ay makatutulong sa pagdaloy ng dugo at para mawala ang stiff neck.

Kung paano ito gagawin:

  • Ilagay ang hot compress sa leeg ng hanggang 10 minuto. Ulitin ito ng 3-4 beses sa loob ng isang araw para mawala ang stiff neck
  • Maaaring gamiting pang hot compress ang boteng may lamang mainit na tubig, tuwalyang inilagay sa maiinit na tubig, at iba pa.
  • Pwede ring mag shower o maligo ng katamtamang init ng tubig sa loob ng 5 minuto. Gawin ito ng 2-3 beses sa loob ng isang araw.

Magnesium sulfate (Epsom salt)

Ang magnesium sulfate ay mayroong chemical compound na gamot sa stiff neck. Tinutulungan nito at ng ibat-ibang enzymes ang katawan upang maging maganda ang blood circulation at para maalis ang tensyon at stress sa muscle.

Kung paano ito gagawin:

  • Lagyan ng 2 kutsara ng magnesium sulfate (Epsom salt) ang isang bathtub na puno ng katamtamang init ng tubig.
  • Ibabad ang katawan hanggang sa leeg ng 15-20 minuto.
  • Gawin ito palagi sa loob ng 3 linggo.

Kung ikaw ay may diabetes o sakit sa bato, ang remedyong ito ay hindi mo maaaring gawin.

Peppermint essential oil

Ang peppermint essential oil ay mayroong menthol na tumutulong sa muscle kaya ito ay itinuturing na mabisang gamot sa stiff neck. May analgesic properties din ito na nag-aalis ng sakit at hindi komportableng pakiramdam.

Kun paano ito gagawin:

  • Gawing maligamgam ang olive oil gamit ang microwave sa loob lamang ng ilang segundo. Idagdag ang ilang patak ng peppermint essential oil dito, at marahang i-masahe sa leeg. Gawin ito ng 2 beses sa isang araw sa loob ng ilang araw.
  • Ang isa pang paraan ay ang paglalagay ng ilang patak ng peppermint essential oil sa isang maliit na palangganang may malamig na tubig. Ilagay dito ang isang malinis na tuwalya. Pagkatapos ay idampi sa leeg o stiff neck sa loob ng 15 minuto. Gawin ito hangga’t kinakailangan.

Natural mang maituturing, dapat tandaang ang ganitong solusyon, ay hindi maaaring gawin sa bata o may mga sensitibong balat. Isa pa, kapag mas malala pa sa mga nabanggit ang sintomas ang nararamdaman at mas matagal pa sa karaniwan ang discomfort, mainam na kumonsulta na sa doktor. Ang mga eksperto sa medisina ang nakakaalam kung paano masusuri ang karamdaman. Makapgbibigay siya ng tamang gamot sa stiff neck na tunay ngang mabisa at epektibo.


  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

KATULAD NA MGA ARTIKULO

Related posts