Gamot sa Tonsilitis na Maaaring Subukan

Madalas ka bang magka-tonsillitis? Halos lahat na yata ng tao ay nagkaroon na ng ganitong sakit. Dahil dito, naituturing nang pangkaraniwan ang tonsillitis. Kaya naman madalas, pinalilipas na lamang ito hanggang sa gumaling nang wala nang gamutan. Ngunit kung gusto mong agarang gumaling ang sakit, dapat ay uminom ng gamot sa tonsillitis. Malalaman ko lang ang tama at angkop na gamot kung kokonsulta ka sa doktor.

Hindi ka nag-iisa sa labang ito sa sakit na tonsillitis. Sadya ngang marami ang nakakaranas nito hindi lamang dito sa Pilipinas, maging sa ibang panig na mundo. Sa artikulong ito, marami kang matutunan na maaaring makatulong sayo at sa iba pa na may mga ganitong kondisyon. Narito ang mahahalagang impormasyong madidiskubre mo:

  • Mga uri ng tonsillitis
  • Mga dahilan ng tonsillitis
  • Gamot sa tonsillitis
  • Mga remedyo na maaaring gawin
  • Natural na gamot ng tonsilitis
  • Paraan ng operasyon sa tonsilitis
  • Mga uri ng virus na sanhi ng tonsilitis
  • Mga uri ng bacteria na sanhi ng tonsillitis
  • Paano maiiwasan ang tonsillitis

Ano ang tonsilitis?

Tonsil ang tawag sa dalawang parang kulani na nasa likod na bahagi ng lalamunan. Ito ang nagsisilbing proteksyon ng katawan laban infection. Kapag ang tonsil ay nagkaroon ng infection, ito ay tinatawag na tonsillitis. Ang tonsillitis ay kadalasang nararanasan ng mga batang nasa preschool hanggang sa mga teenager. Maaaring makaranas ng pananakit ng lalamunan ang isang taong may tonsillitis. Siya rin ay lalagnatin at mahihirapang lumunok.

Ang mga puwedeng maging dahilan ng tonsilitis ay mga bacteria at virus tulad ng streptococcal bacteria na siya namang nagiging dahilan ng strep throat. Ang tonsillitis ay maaaring magdulot ng mga komplikasyon kapag ito ay hindi kaagad nagamot.

Ang karaniwang tonsillitis ay madali lamang mawala o gumaling. Kadalasan ay tumatagal ito ng 7 hanggang 10 araw. Kapag ang tonsillitis ay hindi kaagad gumaling, marahil ay kailangan mo nang magpatingin sa isang internist, Pediatrician, o ENT.

Mga sanhi ng tonsilitis

Dahil ang tonsil ang nagdidipensa sa mga mikrobyo na galing sa labas, tonsil ang unang nagkakaroon ng infection. Ang kadalasang dahilan ng tonsillitis ay viral infection o virus. Kung minsan naman ay bacteria ang nagiging sanhi ng nito. Ano man ang sanhi ng naturang sakit, maging bacterial o viral man ito, ay maaari itong makahawa. Ngunit kung ang dahilan ng tonsillitis ay sinusitis at mataas na lagnat, ito ay hindi nakakahawa. Ang karaniwang dahilan ng tonsilitis ay ang viral infection. Narito ang ilang uri ng virus na sanhi ng tonsillitis:

  • Adenovirus – ang virus na ito rin ang sanhi ng sore throat
  • Rhinovirus – ito naman ang dahilan ng karaniwang sipon
  • Influenza – dahilan ng trangkaso
  • Respiratory syncytial virus – ito naman ang sanhi ng respiratory tract infection
  • Coronavirus – na naginging sanhi din ng SARS

Ang mga uring ito ng virus ay karaniwang sanhi ng tonsillitis, maliban sa iba pang sakit na ito rin ang dahilan. Narito naman ang mga bacteria na maaaring maging sanhi ng tonsillitis:

  • Staphylococcus aureus
  • Mycoplasma pneumomnia
  • Chlamydia pneumonia
  • Bordetella pertussis
  • Fusobacterium
  • Neisseria gonorrhoeae

Narito ang mga uri ng tonsillitis, mga sintomas nito, at panahon ng kanilang paggaling:

  • Acute tonsillitis – ang sintomas ay tumatagal ng 3-4 na araw, mga 2 linggo bago ito tuluyang gumaling
  • Recurrent tonsillitis – ito ay dumadapo sa mga taong madalas magkaroon ng tonsillitis na iba-iba ang dahilan at pabalik-balik
  • Chronic tonsillitis – ito ay nararanasan ng mga taong madalas magkaroon ng sore throat at nagdudulot din ng mabahong hininga

Gamot sa tonsilitis

Natukoy mo na ba kung alin sa mga nabanggit ang uri ng tonsillitis ang mayroon ka? Alam mo na rin siguro kung ano ang naging sanhi at mga sintomas ng sakit na ito na nararanasan mo. Now is the time para alamin kung ano ang gamot sa tonsillitis na dapat inumin. Ang panlunas ay madalas na ibinibigay dahilan sa mga sintomas na nabanggit. Narito ang gamot sa tosilitis at mga paraan kung paano ito makukuha o mahahanap.

  • Gamot sa tonsilitis na mabibili over the counter – Ang mga painkiller tulad ng acetaminophen at ibrupafen ang madalas na ibinibigay para mawala ang pananakit ng tonsil.
  • Antibiotic – Ito naman ang ibinibigay kapag ang dahilan ng tonsillitis ay bacterial infection.
  • Penicillin – ito naman ang karaniwang ginagamit na antibiotic sa ganitong kondisyon.

Isa pang paraan ang operasyon. Ito ay gamot sa tonsillitis na malubha na ang kondisyon.

Ang mga tao na nagkakaroon ng tonsillitis tatlong beses sa loob ng isang taon sa halos tatlong sunod- sunod na taon ay maaaring payuhan na ng doktor na sumailalim sa operasyon. Ang tonsil ay may mahalagang papel sa kalusugan kaya naman hindi ito basta-basta tinatanggal kung hindi naman talaga kailangang tanggalin.

Ang tonsillectomy (ang tawag sa pag-opera ng tonsil) ay ginagawa lamang kapag may mga ganitong mga nararamdaman:

  • Sleep apnea: Kung saan ang pasyente ay nahihirapang huminga lalo na sa gabi
  • Nahihirapang lumunok at huminga
  • Hindi gumagaling na tonsillitis kahit na anong gawing paggagamot
  • Tonsillar cellulitis: Kapag ang infecion ay hindi lamang sa tonsil kundi umabot na sa ibang parte ng katawan.

Ang tonsillectomy ay may ibat-ibang paraan gaya ng lasers, radio wave, ultrasonic energy, cold temperatures, o needle heated by electricity. Ang mga ito ay gamot sa tonsilitis sa paraan ng operasyon.

Gamot sa tonsilitis sa natural na paraan

Ngayon ay alam mo na kung ano-ano ang mga uri ng gamot sa tonsillitis at paraan ng operasyon nito. Narito naman ang ilang mga gamot sa tonsilitis na masusubukan sa natural na paraan:

  • Magpahinga ng mabuti upang may panlaban ang katawan sa mga sakit.
  • Uminom ng maraming fluid para maiwasang maging tuyo ang lalamunan at hindi magkaroon ng impeksyon. Ang maligamgam na inumin na walang caffeine ang mas makabubuting inumin.
  • Ang pagmumog ng maligamgam ay magdudulot ng magihawang pakiramdam.
  • Iwasan ang manigarilyo o makalanghap ng usok galing sa sigarilyo.

Maraming gamot sa tonsilitis na maaaring pagpilian. Ang tamang gamot sa tonsilitis ay ibibigay ayon sa mga sintomas nito at ang doktor ang siyang makapagsasabi nito. Ngayon alam mo na rin kung ano ang mga gamot sa tonsillitis na maaaring subukan, synthetic man iyan o natural medicine, o maging operasyon man, hindi ka dapat mabahala ng sobra lalo pa’t ikokonsulta mo naman sa doktor. Mahalagang habang maaga at umpisa pa lamang ang sintomas na nararamdaman, ay magpa-doktor na. Ito ang pinakamainam na solusyon para maiwasan ang mga karamdaman.

Mga dapat gawin para maiwasan ang tonsilitis

Narito ang paraan para maiwasan ang tonsilitis:

  • Ugaliin ang paghugas ng kamay para maiwasang magkroon ng impeksyon
  • Iwasang makisalo sa pagkain ng iba gamit ang iisang lalagyan
  • Iwasan ang laging pakikisalamuha sa iba upang makaiwas sa impeksyon
  • Panatilihing malinis ang paligid
  • Magpahinga ng tama at uminom ng maraming tubig
  • Alagaang mabuti ang katawan para maging malusog palagi

Maraming gamot sa tonsilitis

Marami ring paraang puwedeng gawin upang mapagaling o maiwasan ito. Ngunit katulad ng madalas na mabanggit, pinakaimportante pa rin ang pagpapatingin sa doktor. Siya ang pinaka-may alam sa mga dapat at hindi dapat gawin, maging sa mga dapat at hindi dapat inumin. Huwag na huwag magse-self medicate dahil baka lalo lang itong makasama sa kalusugan. Kung gusto mong lunasang mag-isa ang karamdaman, subukan ang mga nairekomendang natural na remedyo sa artikulong ito.

KATULAD NA MGA ARTIKULO