Gamot sa Ubo: Mabisang Mga Sangkap Laban sa Ubo!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Dahil sa pabago-bagong panahon, madalas na nagdudulot ito ng sipon at ubo. Walang pinipili ang sipon: maging mga bata man o matatanda. Ang simpleng sipon ay kung minsan ay nauuwi ito sa lagnat, ubo at trangkaso. Kung hindi gagamutin ang ubo ay maaaring mauwi ito sa malalang karamdaman.

Naghahanap ka ba ng mabisang gamot sa ubo? Ang artikulong ito ay tatalakay sa mga bagay na kailangan mong malaman ukol sa ubo.

Ano ang ubo?

Ang ubo ay isang sintomas na dala ng sipon, trangkaso at iba pang mga impeksyon sa sistema ng paghinga. Nangyayari ang pag-ubo kapag may bara o pangangati sa daanan ng hangin.

Ang paninigarilyo at mga karamdaman tulad ng hika, tuberkulosis at lung cancer ay maaari ding magdulot ng ubo.

Tulad nang nasabi na, ang ubo ay sanhi ng pangangati ng lalamunan, at kung minsan ay may kasamang pananakit at paninikip ng dibdib. Kung naranasan mo nang magkaroon ng dry cough, malamang alam mo na ang pakiramdam ng taong inuubo. Ipagpatuloy ang iyong pagbabasa para malaman ang mabisang mga gamot sa ubo.

Alam mo ba na ang karamihan sa mga pamamaraan para malunasan ang ubo ay nasa bahay at kusina lamang? O kung wala kayo ng ilan sa mga ito ay madali ka lamang makakahanap nito sa pinakamalapit na pamilihan sainyong lugar? Basahin ang susunod na seksyon ng artikulong ito para sa kilalang mga home remedies para sa ubo.

Luya at turmeric bilang gamot sa ubo

Ang turmeric o luyang dilaw ay isang mabisang gamot sa ubo o dry cough. Dahil kapamilya ito ng luya, ginagamit din ito hindi lang sa kusina kundi pati na rin bilang home remedies sa iba’t ibang uri ng mga karamdaman.

Magpakulo ng kalahating tasa ng tubig, ilagay ang isang kutsarita ng sariwang turmeric o turmeric powder at paminta. Maraari rin itong lagyan ng cinnamon. Pakuluan ng dalawa hanggang tatlong minuto, lagyan ng isang kutsarang honey at inumin araw-araw hanggang sa bumuti ang pakiramdam.

Ang isa pang paraan upang magamit ang turmeric bilang gamot sa ubo ay ang paghiwa ng ugat ng turmeric at pagtadtad nito. Lagyan ng tubig at honey at inumin ito ng dalawang beses sa isang araw.

Ang luya, tulad ng turmeric, ay isa rin sa mabisang gamot sa ubo. Balatan at hiwain ng maliliit ang luya, pakuluan ito sa isang tasang tubig at inumin ng tatlo hanggang apat na beses sa loob ng isang araw. Ang luya ay mabisa ring gamot sa masakit lalamunan at paninikip ng dibdib na dala ng matinding ubo. Maaari ring lagyan ng honey at lemon ang nilagang luya para sa mas mabisang resulta.

Pwede mo ring nguyain ang sariwang luya sa buong maghapon para mawala ang ubo.

Kalamansi bilang gamot sa ubo

Ang kalamansi ay isa ring mabisang gamot sa ubo na pwedeng gamitin sa maraming paraan. Ang kalamansi ay may natural na vitamin C na tumutulong upang mawala ang pamamaga at infection.

Ang katas ng kalamansi at honey ay maaring gawing cough syrup kapag pinaghalo ito. Haluin ang dalawang kutsarang kalamansi juice at isang kutsarang honey, ito ay isang healthy at mabisang gamot sa ubo. Inumin ito ng ilang beses sa loob ng isang araw. Gamot din ito sa makating lalamunan dahil sa ubo.

Pwede mo ring haluan ng paminta ang pinaghalong kalamansi at honey para maging mas mabisa ito.

Iba pang natural na mga gamot sa ubo

Bawang – Ang bawang ay may taglay na antibacterial at antimicrobial properties na mabisang gamot sa ubo. Pakuluan ang tatlong butil ng bawang sa isang tasang tubig at isang kutsaritang oregano. Hayaang lumamig, dagdagan ng honey at saka inumin. Makakatulong ito para lumuwag ang paghinga. Ang oregano ay gamot sa ubo samantalang ang bawang ay antibacterial at antimicrobial properties, kaya naman kapag pinagsama ito ay mabisang gamot sa ubo.

Ang iba pang paraan na maaring gawin sa bawang ay nguyain ito, ang katas ng bawang at kaunting honey ay gamot din sa ubo. Maaari ding isama sa pagluluto ang bawang.

Sibuyas – Ang simpleng paraan upang gamitin ang sibuyas sa pag gamot ng ubo ay hiwain ito, ang paglanghap ng amoy nito ay maaaring tumigil ang pag-ubo. Maaari ding i-bake ang sibuyas lagyan ng comfrey tea at honey, ito ay mabisang gamot sa dry cough ng bata at kahit sa mga matatanda.

Ang iba pang paraan ng paggamit ng sibuyas upang maging gamot sa ubo ay haluin ang katas ng sibuyas at ng purong honey, inumin ito. Ang ganitong paraan ay mahusay ding pangtangal sa pangangati at pananakit ng lalamunan.

Mainit na gatas at honey – Ang mainit na gatas ay nakakatulong sa dry cough at paninikip ng dibdib dahil sa walang hintong pag-ubo. Para sa mabisang resulta, inumin ito bago matulog. Para sa karagdagang benepisyo, ang analgesic properties na dulot ng honey ay lunukin ang purong honey habang walang laman ang tiyan, ito ay tumulong upang mawala ang mucos at guminhawa ang lalamunan.

Gumawa ng healthy na cough syrup sa pamamagitan ng one-fourth na kutsaritang paminton, isang kutsarang honey, isang kutsarang apple cider vinegar at dalawang kutsarang tubig, inumin ito ng dalawa hanggang tatlong beses sa loob ng isang araw.

Carrot juice – Ang carrots ay maraming vitamins at nutrients na tumutulong upang mawala ang ibat-ibang sintomas ng ubo.

Gawing juice ang limang piraso ng carrots, lagyan ng kaunting tubig, para sa karagdagang benepisyo at maging masarap ang lasa nito ay lagyan ng honey. Inumin ito ng apat na beses sa loob ng isang araw hanggang sa mawala ang mga sintomas ng ubo.

Maraming gamot sa ubo, kadalasan ay may mga remedyo na mabisa at madaling matagpuan dahil kung misan ay nasa ating mga kusina at kapaligiran lamang. Ang ubo ay maaari ding maiwasan kung magiging malusog ang ating katawan. Kumain ng mga masusustansyang pagkain katulad ng mga prutas na mayaman sa vitamins c. Kumain din ng gulay at mag-ehersisyo ng regular at iwasan ang bisyo katulad ng paninigarilyo Higit lahat sa panatilihin ang healthy lifestyle, Kapag mayroong mga malalang sintomas na nararanasan dulot ng pag-ubo ay kumunsulta kaagad sa inyong doctor.

Mga over the counter na gamot sa ubo

An gaming mga iminungkahi sa unahan ng artikulong ito ay ang mga natural na lunas o gamot sa ubo. Kung wala kang panahong maghanda ng naturang mga sangkap, pwede ka namang makabili ng mga gamot sa ubo na over the counter, ibig sabihin, hindi mo kailangan ng riseta ng doktor para makabili. Pwede kang magtanog sa botika kung anong gamot ang babagay saiyo.

Pero tandaan, kung magpapatuloy pa ang mga sintomas na dala ng sipon katulad ng ubo sa loob ng ilang linggo, dapat ka nang kumunsulta sa doktor para makaiwas ka sa mga kumplikasyon ng sipon at ubo, tulad ng tuberkulosiso TB.


  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

KATULAD NA MGA ARTIKULO

Related posts