Halamang Gamot sa Diabetes: Iba’t Ibang Mabisang Halamang Gamot Para sa Diabetes

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

May diabetes ka ba? Ano-ano ba ang mga iniinum mong gamot? Hindi kaya mas makasama ito sa kalusugan mo? Totoo, na ang mga iniinom mong gamot para sa diabetes na may kemikal ay talagang mabisa, ang problema, ang labis na paginom nito ay maaaring makasama sa iyo! Gusto mo bang maiwasang mangyari ito? Pag-usapan natin.

Halamang gamot sa diabetes? Bago natin ito talakayin, alamin muna natin ang mga mahahalagang impormasyon patungkol sa diabetes, at ano-ano ba ang bantang hatid nito sa buhay mo.

Mga dapat malaman tungkol sa diabetes

Maraming pinoy ang naniniwala na ang pangunahing ugat ng sakit na diabetes ay ang sobrang asukal sa katawan. Alam mo bang hindi yan totoo? Dahil ang pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng diabetes ay ang maling pagkain o unhealthy eating, obesity, at kakulangan sa ehersisyo. Ang mga nabanggit ang pangunahing rason kung bakit napakarami, at patuloy pa ang pagdagdag ng bilang ng mga pasyenteng may diabetes.

Sa pangkalahatan, ang diabetes ay isang kondisyon na kung saan tumataas ang sugar level sa blood stream ng isang tao ng higit sa normal na bilang nito. Mayroon itong dalawang uri, ang Type 1 diabetes na nakadepende sa insulin ang pagagamot, at ang type 2 diabetes na kung saan madadaan lamang sa exercise, wastong diet, at medikasyon.

Nakamamatay ba ito? Ang sagot ay hindi, kaya lang, ang mga komplikasyon na dulot nito ang naghahatid ng banta sa kalusugan, at maaari pang mauwi sa pagkamatay ng isang tao. Ang totoo, wala pa ring lunas ang sakit na diabetes hanggang sa ngayon, mayroon lamang mga gamot at iba’t ibang paraan para makontrol ang paglala nito. Isa sa mga tinutukoy ko ay ang mga halamang gamot sa diabetes. Gusto mo na bang malaman kung ano-ano ang mga ito? Magpatuloy lamang sa pagbabasa mo!

Halamang gamot sa diabetes: Subukan ang mga halamang gamot na ito!

Noon pa man, ginagamit na ng ating mga katutubong pinoy ang mga halaman sa pagagamot. Kaya lang, dahil na rin sa pag-unlad ng industriya ng medesina, marami ng mga tao ang nakalimot dito. Kaya kung isa ka sa mga nais sumubok ng paraan na ito, hayaan mong turuan kita! Pag-aralan mo kung paano gamitin ang mga halamang gamot na ito:

  • Ampalaya – Mahilig ka ba sa ampalaya? Magandang balita ito para sa iyo! Ang ampalaya ay mayaman sa mga nutrients na nakakatulong sa pagpapababa ng blood sugar level o asukal sa dugo. Mayroon rin itong mga sangkap na may kakayahang pataasin ang insulin na galing sa pancreas.
  • Sambong – Ang sambong ay mainam na pampabagal sa pag-absorb ng katawan sa carbohydrates. Maglaga lamang ng ilang sariwang dahon ng sambong at gawin itong tsaa. Gawin itong pampalit sa kape tuwing umaga.
  • Okra – Ayon sa pag-aaral ng mga dalubhasa, ang okra ay mayroong taglay na superior insoluble fibre na pinaniniwalaang nag-aayos ng blood glucose level sa pamamagitan ng pagdahan-dahang pag-absorb ng asukal mula sa intestinal tract.
  • Aloe vera – Ang halamang ito ay isang common na pananim na maraming pakinabang. Isa na riyan ang pagamot sa diabetes. Ayon sa masusing pag-aaral, napatunayan na ang aloe vera ay tumutulong sa pagdagdag ng bilang ng insulin na napo-produce ng pancreas.
  • Sibuyas – Ang sibuyas ay nakakatulong sa pagpababa ng low density lipoprotein o mas kilala bilang bad cholesterol sa mga taong matataba. Kung kaya’t nababawasan nito ang pagtaas ng risk na lumala ang komplikasyong hatid ng diabetes.
  • Ginger o luya – Ang luya ay isa pang uri ng halamang gamot na matagal ng ginagamit sa mga traditional medicine systems. Sa pagtagal ng pag-aaral ng mga eksperto, lumalabas rin na ang sustansyang taglay ng luya ay nakakatulong na mabawasan ang mga sintomas at komplikasyon ng diabetes.
  • Banaba – Maglaga ng sariwang dahon, balat, at kahoy ng banaba. Alam mo bang ang banaba ay may taglay na tannin, corsolic, at agerstroemin? Ito ang mga kemikal na nakakatulong na pababain ang sugar glucose level ng katawan ng isang tao.
  • Cinnamon – Kumain ng isa’t kalahating kutsara ng cinnamon araw-araw. Ito ay nagpapabuti ng sensitivity ng insulin, at pinapababa rin nito ang glucose level sa dugo.
  • Dahon ng mangga – Ang mga masustansyang compound na nakukuha sa dahon ng mangga katulad ng caffeic acid, gallic acid, at iba pa ay nakakatulong sa pag control ng blood sugar level at pati na rin ang cholesterol level.
  • Garlic o bawang – Ayon sa pag-aaral noong 2006, ang hilaw na bawang ay nakakatulong upang mapababa ang cholesterol level at high blood pressure. Napatunayan rin na ang bawang ay mabisang pampababa ng blood sugar level.

Talaga namang hindi maitatanggi na ang lahat ng nabanggit ay subok at napatunayan na ang epekto sa mga taong diabetes. Maaari mong subukan ang lahat ng ito, dahil ang magandang balita ay wala itong side effects, at wala ring overdose. Bawat halaman ay may kakaibang lasa, pwedeng mapait, mapakla, matabang at kung ano-ano pa na maaaring makapag pa duwal sa iyo. Ang mahalaga, pumili lamang ng mas naaangkop sa panlasa mo upang hindi ka mahirapan sa paginom.

Ito ang mga dapat mong tandaan bago uminom ng halamang gamot sa diabetes!

Aminin man natin sa hindi, ang impluwensya ng paggamit ng mga halamang ito ay nanggaling pa sa mga matatanda. Tandaan lamang, huwag na huwag sumubok ng isang halamang gamot na hindi pa napapatunyan, ibig sabihin, wala pang sample o katibayan na totoo ito, at posibleng haka-haka lamang. Wala namang masama kung susubukan sabi nga nila, pero dapat siyempre sa tama! Iba na kapag kalusugan na ang nakasalalay.

Para makatulong, mas makakabuti ang pag sangguni sa mga eksperto patungkol sa paggamit ng mga halamang gamot na ito. Mas mainam rin kung matitingnan muna ng doktor ang tunay mong kalagayan. Pero kung mas gusto mo talaga ang paggamit ng herbal, hindi ka naman pipigilan ng mga doktor. Sa katanuyan nga, maging sila mismo ay itinuturo rin ang wastong paggamit nito.

Ito ang pinakamabisa sa lahat, bukod sa mabibigyan ka nan g iba’t ibang tips, malawak rin ang mga halamang gamot sa diabetes ang iyong pagpipilian. Sabayan lamang ito ng wastong diet at exercise, natitiyak ko sa iyo na bubuti ang kalagayan mo.


  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

KATULAD NA MGA ARTIKULO

Related posts