Mga Halamang Gamot sa Goiter na Tunay na Epektibo

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang goiter ay hindi pangkaraniwang sakit. Ganoon pa man, marami na ang may ganitong karamadamn. Subalit hindi lahat ng may sakit na ganito at pamilyar na sa salitang ‘goiter’ ay alam na ang lahat-lahat tungkol dito. Maging ang lunas dito ay hindi alam ng nakararami. Hindi lamang gamot na iniinom at operasyon ang maaaring makapagpagaling sa sakit na ito. Mayroon ding halamang gamot sa goiter na tunay na mabisa.

Ang goiter ay isang karamdamang nagreresulta sa pamamaga ng thyroid gand.Ito ay hugis-paru-paro na nasa may bandang lalamunan. Dahil mayroong pamamaga, lumalaki ang leeg ngisang tao at maaari siyang makaramdam ng hirap sa paglunok at paghinga. Naninikip ang kaniyang lalamunan. Ang karamdaman na ito ay puwede namang mawala sa loob lamang ng isang linggo.

Gayun pa man, kahit pa maaarang tumagal ng isang linggo lamang ang goiter, puwede rin naman itong maging sintomas ng isang malalang sakit. Kaya naman importanteng malaman ang mga paraan kung paano mapagaling ang goiter. Mainam ding magkaroon ng kaalaman tungkol sa mga dapat at hindi dapat gawin para makaiwas sa naturang sakit. Higit sa lahat, para sa pinaka-ligas na pamamaraan, pinakamabuting ma-diskubre ang pinaka-mabisang halamang gamot sa goiter.

Mga sanhi ng goiter

Bago pa diskubrehin ang halamang gamot sa goiter, dapat munang malamang na ang goiter ay may iba’t-ibang uri. Isa ito sa mga klasipikasyon ng mga sakit na nagdudulot ng pamamaga ng leeg at pamamaga ng thyroid gland. Para maiwasan ang pagkakaroon nito, importanteng malaman ang mga nagiging sanhi ng goiter. Mahalaga ring alam ng isang tao ang paraan ng pag-iwas sa mga sanhing ito. Heto ang ilan sa mga sanhi:

  • Thyroiditis
  • Kakulangan sa iodine
  • Sakit na Grave’s disease
  • Namuong maliliit na bukol o nodules sa thyroid
  • Sakit na Hashimot’s Disease
  • Kanser sa thyroid

 Kung mada-diagnose na ikaw ay may sakit na goiter, siguraduhing hind ka na magda-dalawang isip pang kumonsulta sa doktor. Alamin mo na ang klase ng goiter na mayroon ka. Sa anitong paraan, mas mareresetahan ka ng angkop na gamot o operasyon sa iyong sakit. Bibigyan ka rin ng payo ng iyong doktor kung ano ang puwede mong baguhin o idadagdag sa iyong lifestyle.

Maari mo ring maging option ang pagtitiwala sa natural medication. Sa mga susunod na bahagi ng artikulong ito, matutunan mo ang paggamit ng halamang gamot sa goiter. Ngunit bago iyan, dapat mo munang malaman ang mga bagay na dapat at hindi dapat gawin ng isang taong may goiter. Kung sakali namang wala kang ganitong karamdaman ngunit kinakabahan ka na baka ka magkaroon nito, makakatulong sa iyo ang mga tips dito.

Mga dapat at hindi dapat gawin ng taong may goiter

  1. Hindi lahat ng gulay ay puwedeng kainin nang marami ng taong may goiter. Ang mga gulay na tinatawag na ‘cruciferous vegetables’ gaya ng broccoli, cauliflower, repolyo, labanos, bok choi at soya ay may taglay na goiterogens na kabilang sa mga nagiging sanhi ng nasabing sakit. Pero huwag mag-alala kung kumakain ng (o isa sa) mga ito. Mas matimba pa rin naman ang mga makukuhang benepisyo mula sa mga gulay na ito. Kailangan lamang na limitahan lamang ang pagkai at huwa naman totally tanggalin sa mga kinakain ang mga ganitong klaseng gulay.
  2. Kumonsumo ng pagkaing rich in iodine. Ang sangkap na ito ay nagbibigay panganalaga o proteksiyon sa thyroid gland at epektibong pangontra sa sakit na goiter. Nabanggit na sa artikulong ito na ang kakulangan sa iodine ay isa sa mga pangunahing sanhi ng goiter kay aka kailangang kumonsumo ng mas marami nito. Mabisang halamang gamot ang mga halamang dagat gaya ng kelp at seeweed para sa goiter. Ang isda, maging ang iba pang lamang-dagat gaya ng talangka, hipon at shellfish ay mga mabisa ring pangontra sa goiter. Maging ang mani, pasas at gatas ay nagtataglay ng sangkap na iodine kaya’t mainam ding isama ito sa madalas na kainin at inumin.
  3. Makabubuti ang mga pagkaing sagana sa tyrosine. Ano-ano ang mga it? Ito ay iyung mga pagkaing rich in fiber katulad ng wheat, mani, soya at iba’t-ibang soya products. Ang buto ng kalabasa, saging at almond nuts ay sagana rin sa tyrosine. Maging sa mga pagkaing mayaman sa protein katulad ng karne ng baka, itlog at isda, ay may taglay na tyrosine. Perfect example ng tyrosine-rich na pagkain ang salmon. Hind lang ito sagana sa tyrosine, kundi pati sa Omega-3 na nangangalaga sa tyuroid gland ng isang tao. Tumutulong din an salmon sa pagtatanggal ng bad cholesterol sa katawan.
  4. Damihan pa ang pagkonsumo ng pagkain, inumin at supplements na may Vitamin C at antioxidants. Napakaraming benepisyong makukuha ng ating katawan mula sa Vitamin C. Ganoon din naman sa antioxidant o mga iba pang sustansyang nakatutulong para makaiwas sa damage sa cel gaya ng lycopene, beta carotene, Vitamin E at Vitamin A. Halimbawa ng mga halamang gamot sa goiter na sagana rin sa mga naturang bitamina at antioxidants ang kiwi, bayabas, mangga, pinya at mga citrus fruits.

Mga halamang gamot sa goiter

Para sa maraming Pilipino, kahit pa anong sakit ang dumapo sa katawan, pinaka-mabisa pa rin ang alternative o herbal na panglunas. Halimbawa na lamang sa sakit na ito, marami pa rin ang naniniwala at nagtitiwala sa halamang gamot sa goiter. Ang mga alternatibong medisinang ito ay maiko-konsiderang halamang gamot dahil sa mga pinagmulan ng mga ito o sangkap kung saan at paano ginawa.

Apple Cider Vinegar

Ito ay may mababang acid content kaya ito ay lubos na makatutulong sa PH balance ng katawan. Ang natural remedy na ito ay tumutulong din para tumaas ang iodine absorption ng katawan kaya talagang makakaiwas sa goiter.

Seaweed o Kelp

Karaniwang itong natatagpuan sa dagat. May angking yaman sa calcium, potassium at magnesium kaya ito ay nakatutulong ng mabuti para mabawasan ang tsansa ng pagkakasakit sa goiter. Ang seaweed o kelp ay puwedeng ihalo sa pagkain o gawing salad na may halong sibuyas at kamatis.

Tsaa o grean tea

Ang inuming ito ay may antioxidants na tumutulong na maging mas malusog ang thyroid gland. Mas nagiging mabisa ito kapag iniinom ng 2 beses kada araw.

Bawang

Ito ay may kapasidad na magpalakas ng lebel ng glutathione sa katawan ng isang tao na kinakailangan upang maging mas malusog ang kaniyang thyroid gland. Napakabisa rin ng bawang para mabawasan ang pamamaga sa leeg. Ito ay mabisang halamang gamot sa thyroid lalo na kapag ngumuya ng hanggang 3 piraso tuwing umaga. May mga garlic supplements nang maaaring inumin araw-araw para makatulong sa pagpapalusog ng thyroid gland.


  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

KATULAD NA MGA ARTIKULO

Related posts