Halamang Gamot sa Pagtatae: Alamin Ang Iba’t ibang Halamang Gamot sa Diarrhea!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Hirap ka ba sa paghanap ng mabisang gamot sa diarrhea? Subukan mo kaya ang natural at ligtas na paraan? Ang artikulong ito ay sadyang isinulat para sa mga pinoy na kagaya mo na naghahanap ng mura ngunit mabisang gamot sa pagtatae. Tatalakayin natin dito ang lahat ng mahahalagang impormasyon patungkol sa sakit na ito, mga sanhi, at kung paano makakatulong ang mga halamang gamot sa pagtatae na mamaya lamang ay ituturo ko sa iyo.

Mga mahahalagang impormasyon sa diarrhea o pagtatae

Bago natin talakayin ang iba’t ibang halamang gamot sa pagtatae, alamin muna natin ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa isang common na sakit ng mga pinoy, ang diarrhea o pagtatae. Pagkatapos, ituturo ko sa iyo kung paano gamitin ang mga halamang gamot sa pagtatae.

Ang diarrhea o pagtatae ay isang laganap na kondisyon kung saan ang dumi ay basa at hindi buo. Ito ay nagdudulot ng mga sintomas tulad ng madalas na pagdumi (tatlong beses o mahigit), pananakit ng tiyan, panghihina, at dehydration. Ang kadalasang dahilan ng pagtatae ay ang panis na pagkain o maduming tubig. Ang pagtatae ay isang paraan ng katawan para alisin ang mikrobyo na pumasok dito.

Ang pagtatae ay kadalasang may kasama ng lagnat, depende sa kung anong sanhi nito. Napakadaling makompirma kung ikaw ay may diarrhea o pagtatae. Ang mga sumusunod na sintomas ng pagtatae ang dapat mong bantayan:

  • Paglaki ng tiyan
  • Pabalik-balik na lagnat
  • Pagkahilo at pagsusuka
  • Masakit ang ulo
  • Pananakit ng tiyan

Ngayong alam mo na ang maaring panganib na dala ng diarrhea o pagtatae, huwag kang mag-alala! Dahil sa pag-unlad ng kaalaman sa medisina ng mga pinoy, hindi na mahirap gamutin ang sakit na ito. Sa katanuyan nga, ang mga halamang gamot sa pagtatae na ituturo ko sa iyo ay maaari mo munang subukan. Ang mga halamang gamot na ito ay subok na at mabisa basta’t tama lamang ang paraan ng paggamit. Ano-ano ba ang mga ito? at paano ang paraan ng paggamot? Tuklasin natin! Magpatuloy lamang sa pagbabasa mo.

Mga halamang gamot sa pagtatae: Subukan ang mga ito!

Aminin man natin sa hindi, ang mga pinoy ay mahilig sa mura at alternatibong gamot, maging anumang sakit ito, o kahit pa pagtatae. Dahil na rin sa sobrang mahal ng bilihin dito sa Pilipinas partikular na nga sa mga gamot, kaya naghahanap ang mga pinoy ng iba’t ibang lunas kung saan ay epektibo naman at makakatipid pa. Kabilang ka ba sa mga tinutukoy ko? Kung ganun, kailangan mong malaman ang mga sumusunod na ito:

Orange peel o balat ng orange

Ang balat ng orange ay isang traditional na gamot sa iba’t ibang problema sa digestive system, at kabilang riyan ang pagtatae.

  • Paano gamitin: Kumuha ng isang piraso ng orange at balatan ito. Kunin ang balat at pagkatapos hiwain ito sa maliliit na piraso. Pakuluan ito sa malinis na tubig sa loob ng limang minuto. Mas mainam kung hahaluan ng honey kapag malamig na para mas madaling inumin.

Lemon grass o tanglad

Ayon sa pag-aaral, ang tanglad ay nagtataglay ng nutrients na mainam sa taong may sakit na diarrhea. Pinapadali ng tanglad ang paggaling ng pasyente.

  • Paano gamitin: Kumuha ng sampong murang dahon ng tanglad. Pakuluan ang mga dahon sa dalawang tasa ng tubig sa loob ng sampong minuto. Lagyan ng isang kutsarang asukal at isang maliit na piraso ng dinikdik na luya, pagkatapos ay inumin.

Kugon

Ang kugon ay isa ring halamang gamot na napatunayan ng mabisa sa pagpapagaling ng diarrhea o pagtatae.

  • Paano gamitin: Kumuha ng limang sariwang ugat ng kugon. Tadtarin ang mga ugat ng kogon at pakuluan sa dalawang baso ng tubig sa loob ng limang minuto. Inumin ito ng diretso para sa mas magandang resulta.

Guwava o bayabas

Alam naman nating lahat na ang dahon ng bayabas ay isang anti-bacterial agent. Marami itong napapagaling na mga sugat, at kabilang diyan ang sugat sa bituka kapag labis ang pagtatae.

  • Paano gamitin: Kumuha ng sampong sariwang dahon ng bayabas. Pakuluan ito sa dalawang baso ng tubig sa loob ng labin-limang minuto. Uminom nito isang beses sa loob ng isang araw.

Dahon ng kaymito

Kagaya ng mga halamang gamot na nabanggit sa itaas, ang kaymito ay isa ring mabisang gamot sa diarrhea o pagtatae.

  • Paano gamitin: Pakuluan ang isang tasa ng tinadtad na dahon ng kaymito sa dalawang baso ng tubig. Pakuluan ito sa loob ng labin-limang minuto. Inumin ito isang beses sa isang araw.

Dahon ng makahiya

Ayon sa pag-aaral ng isang malaking grupo, lumalabas na ang nakukuhang sustansya sa dahon ng makahiya ay mabisang gamot laban sa pagtatae.

  • Paano gamitin: Magpakulo ng isang tasang tinadtad na dahon ng makahiya sa dalawang baso ng tubig. Pakuluan ito sa loob ng labin-limang minuto bago inumin. Gawin ito isang beses isang araw.

Sabaw ng buko: Mabisang halamang gamot sa pagtatae (Pagpigil sa pagtatae)

Maraming pakinabang ang puno ng niyog sa mga pinoy. Sa agrikultura man o sa medisina ay maaasahan ang halamang ito. Alam mo bang kayang pigilan ng sabaw ng buko ang pagtatae kapag naagapan? Iyan ang lumabas sa pag-aaral ng mga eksperto. Ang tanong, paano ba? Una, kapag nakaramdam ng mga unang sintomas ng pagtatae katulad ng pananakit ng tiyan at pagsusuka, huwag munang kumain ng kahit na ano sa loob ng apat na oras. Sa halip ay uminom ng sabaw ng buko tuwing 30 minutes para hindi matuloy ang paginfect ng bakterya na maaaring mauwi sa pagtatae o diarrhea. Tandaan lamang na kapag hindi napigil ang pagtatae sa loob ng isang araw, magpatingin na sa isang doktor.

Magkonsulta sa doktor bago uminom ng halamang gamot sa pagtatae

Ang lahat ng nabanggit na mga halamang gamot sa itaas ay subok na epektibo at mabisang gamot sa pagtatae. Ang problema, dahil ang mga halamang ito ay hindi dumaan sa isang medical procedure, o hindi nasuri ng doktor, maaari itong makasama sa iyo lalo na kapag mali ang paggamit.

Kaya kung ako ang tatanungin, magpatingin muna sa isang doktor at humingi ng payo tungkol sa mga halamang nabanggit. Sigurado naman ako na hindi nila ito ipagbabawal sa iyo kung talagang gusto mo, sa halip ay tuturuan ka pa nila kung paano ito wastong gamitin.


  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

KATULAD NA MGA ARTIKULO

Related posts