Mabisang Halamang Gamot sa Ubo

  • 1
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang Ubo, bagama’t karaniwan nang sakit, ay isang hindi kanais-nais na pakiramdam. Lahat ng tao ay nakaranas nang ubuhin. Maging ang mga sanggol na protektado ng bakuna at mga vitamins ay hindi rin nakakaligtas sa ubo. Kapag inuubo ka, ano ang unang-una mong ginagawa? Malamang tumitigil muna sa pag-inom ng malalamig na inumin at pagkain ng matatamis. Ang sa iba naman ay umiinom na kaagad ng mga gamot na tableta, capsule o syrup na nabibili over the counter. Pero hindi lahat ng iniinom mo ay ligtas. Kung gustong makatiyak, subukan ang halamang gamot sa ubo.

Wala nang mas liligtas pa sa halamang gamot. Dahil wala itong kemikal na sangkap, makasisiguro kang hindi ka makakaranas ng overdose kahit pa damihan at dalasan mo ang pag-inom nito. Pero para malaman mo ang tamang paraan ng paggamot sa sakit na ito, importanteng malaman mo muna ang ilang mahahalagang impormasyon. Ang artikulong ito ay makakatulong sa iyo para mas maintindihan mo pa ang pagkakaroon ng ubo. Narito ang mga matutuklasan mo:

  • Sanhi at sintomas ng ubo
  • Mga komplikasyong dulot ng ubo
  • Mga halamang gamot sa ubo
  • Paano maiiwasan ang ubo
  • Kailan kailangang magpatingin sa doktor
  • Ibat-ibang sintomas at kompliksyon ng ubo
  • Mga panganib na dulot ng ubo

Mga katotohanan tungol sa ubo at kung paano nagkakaroon nito

Ang ubo ay normal o karaniwan lamang. Ito ang paraan ng katawan para malinis ang lalamunan at mailabas ang plema at iba pang nakakairita dito. Samantalang ang walang tigil na pag-ubo at matagal na paggaling nito, kung minsan, ay nagiging dahilan ng mas malubha pang kondisyon. Kung minsan naman ang ubo ay dahilan sa allergy, viral at bacterial infection.

May mga panahon namang ang ubo ay walang kinalaman sa problema sa baga gaya ng gastroesophageal reflux disease o GERD.

Para sa ubong dulot ng allergy, sipon at iba pa, makakabili ng mga gamot over the counter. Samantala, para naman a mga inuubong ayaw ng mga chemical, good news! Mayroon mga halamang gamot sa ubo na sadyang mabisa at ligtas gamitin.

Bago mo pa man alamin kung ano ang gamot at halamang gamot sa ubo na mabisa at mabilis umepekto, importanteng malaman mo muna kung ano ang mga sanhi ng sakit na ito.

Mga sanhi at sintomas ng ubo

Nairto ang mga karaniwang sanhi ng ubo:

  • Karaniwang sipon
  • Trangkaso
  • Kapag nakalanghap ng mga maaaring makairita
  • Pneumonia
  • Mahalak na ubo

May iba pa ring mgs sanhi gaya ng:

  • Allergy
  • Asthma o hika
  • Bronchitis
  • Gasrtoesophageal reflux disease
  • Postnasal drip

Huwag ipagwalang-bahala ang ubo. May mga panahong ang akala mo’y karaniwan lamang na sakit ay mas malala na pala. Narito ang ilang mga sintomas:

  • Acute sinusitis (impeksyon sa sinus)
  • Bronchiectatis (isang kondisyon sa baga kung saan lumalaki ang bronchial tube, kaya wala itong kakayahan na linisin ang at alisin ang mucus)
  • Bronchiolitis (karaniwang nakakaroon nito ay mga bata)
  • Kapag may nalunok (karaniwan sa mga bata)
  • Chronic sinusitis
  • COPD (chronic obstructive pulmonary disease)
  • Croup (karaniwan sa mga bata)
  • Cystic fibrosis
  • Emphysema
  • Sakit sa puso (heart failure)
  • Laryngitis
  • Kanser sa baga (lung cancer)
  • Paggagamot (angiotensin-converting enzyme inhibitors ACE)
  • Neuromuscular disease gaya ng parkinsonism, kung saan walang koordinasyon ang muscle sa itaas na bahagi ng daanan ng hanggin at muscle na ginagamit sa paglunok.
  • Respiratory syncytial virus (RSV) kadalasang nagkakaroon nito ay mga bata
  • Tuberculosis

May mga gamot na mabibili sa botika para sa ubo. Subalit, mas makabubuti kung susubukan muna ang mga halamang gamot sa ubo. Ang mga halamang gamot sa ubo ay natural at walang chemical, ang mga ito ay kasing-bisa rin ng mga gamot na mabibili sa botika, at higit sa lahat ito ay ligtas gamitin.

Halamang gamot sa ubo

Bukod sa mabisa at ligtas, ang mga halamang gamot sa ubo ay praktikal na panglunas. Sa katunayan, madalas, libre lamang ito dahil matatagpuan lamang ang mga halamang gamot sa iyong bakuran o refrigerator. Narito ang ilan:

Kalamansi

Ito ay mabisang gamot sa ubo at sipon. Ito ay mayroong antibacterial properties at mayaman sa Vitamin C, na kayang labanan maging ang iba pang sakit.

Luya

Ito ay isang mabisang halamang gamot sa ubo at sipon. Ang luya ay nagsisilbing decongestant na nagtatanggal ng bara sa ilong kaya nagiging maginhawa ang daanan ng hininga. Ang luya ay may taglay ding antiviral expectorant na tumutulong upang mawala ng bara sa lalamunan at dibdib, dahil dito ay magiging maluwag ang paghinga ng taong inuubo.

Luyang dilaw o turmeric

Ito ay may antiseptic properties na pumapatay sa bakterya na sanhi ng maraming plema. Nagpapalakas ding immune system ang turmeric o luyang dilaw, kaya naman ito ay mabisang halamang gamot sa ubo

Para gamitin ito: Ihalo ang isang kutsaritang luyang dilaw sa isang baso ng mainit na gatas, inumin ito tuwing umaga at gabi bago matulog.

Maaari ring gadgarin ang katamtamang laki ng luyang dilaw pagkatapos ay kainin ito at saka uminom ng tubig. Gawin ito ng tatlong beses sa isang araw.

Sili

Marami ang hindi nakakaalam na ang sili ay isang halamang gamot sa ubo. Ito ay may kakayahang palabasin ang mga namuong sipon sa lalamunan at ilong. Ang anghang na nasa sili ay makakatulong upang maibsan ang pananakit ng dibdib, pamamaga ng lalamunan na dulot ng ubo’t sipon.

Para gamitin ito: ¼ na kutsarita ng sili at ginayat na luya,1 kutsara ng honey at apple cider vinegar, 2 kutasara ng tubig. Inumin ito ng dalawa o tatlong beses sa isang araw. Puwede ring ihalo ang sili sa mga lutuin.

Sibuyas

Ang sibuyas ay hindi lamang sangkap sa pagluluto. Ito ay isa ring mabisang halamang gamot sa ubo at sipon. Ang sibuyas ay isang mabisang antibiotic, anti-inflammatory at expectorant na tumutulong upang maalis ang mga namumuong plema na dahilan ng ubo. Nagpapaginhawa rin ito ng lalamunan at nagpapalakas ng immune system kaya nagpapabilis ito sa paggaling ng sakit.

Paano gamitin: hugasang mabuti ang sibuyas, tadtarin nang pino o maliliit. Ihalo ang dalawang kutsara ng asukal, at hayaan nang kalahating oras. Pagkatapos ay uminom ng isang kutsara nito sa kada dalawa o tatlong oras para gumaling kaagad. Pwedeng itago sa refrigerator ang natira hanggang sa dalawang araw.

Ang mga halamang gamot sa ubo na nabanggit ay mabisa at ligtas gamitin. Bukod pa rito ito ay natural at walang halong kemikal. Ngunit kapag ang sintomas ay hindi nawala sa kabila ng paggamit ng halamang gamot sa ubo, dapat lamang na magpatingin sa doktor para maiwasan ang anumang komlpikasyon nito.

Kailan kailangang magpatingin sa doktor?

Kapag ang ubo ay may mga sintomas ng mas malubha ay kumonsulta kaagad sa iyong doktor.

Narito ang ilang sintomas:

  • Panginginig
  • Dehydration
  • Mataas na lagnat
  • Masama ang pakiramdam sa buong katawan
  • Walang tigil na pag-ubo, ang plema ay kulay yellow green at malapot
  • Panghihina

Ang mga ganitong sintomas ay maaaring mayroong komlpikasyon at iba pang kondisyon. Dapat lamang na kumonsulta na sa doktor kapag ganito na ang sitwasayon. Siya ang tanging makapagbibigay ng tamang gamot dahil ito ay depende sa mga sintomas at mga pagsusuri.

Ngayon, alam mo na ang halamang gamot sa ubo at mga maaaring komplekasyon na kailangan nang matingnan ng doktor. Tuklasin naman ang mga paraan ng pag-iwas dito.

Kung paano maiiwasan ang ubo

Karaniwan mang maituturing, maaari mo namang maiwasan ang dalas o pagdanas ng sakit na ubo. Narito ang ilan sa mga pamamaraan:

  • Umiwas sa mga taong may ubo
  • Palaging takpan ang bibig at ilong
  • Panatilihing malinis ang bahay at paligid
  • Ugaliing maghugas ng kamay

Ang ubo ay mayroong gamot. Mayroon ding mga halamang gamot sa ubo na mabisa at natural. Kapag ang sintomas ay malubha, kailangang kumonsulta kaagad sa doktor. Para makaiwas sa sakit gaya ng ubo at iba pang karamdaman, panatihing malinis ang katawan at paligid. Alagaan ang kaulusugan para makaiwas sa kahit na anong sakit.


  • 1
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

KATULAD NA MGA ARTIKULO

Related posts