Ano Ang Colon Cancer: Mga Sinyales at Sintomas ng Kanser sa Bituka

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ano ang colon cancer?

Ang Colon Cancer ay tumutukoy sa cancerous condition ng colon. Patuloy ang paglaki ng bilang ng mga taong dumaranas ng sakit na ito dito sa Pilipinas. Sa katunayan, idineklara ni Dr. Frederick Dy, Pangulo ng Philippine Society of Gastroenterology (PSG) na Colon Cancer ang Number 1 na cancer sa bansa.

Sa inilabas nilang datos, 3,000 bagong kaso ng Colon Cancer patients ang nadadagdag taon-taon. At mula sa 3,000 na ito, higit 2,000 ang namamatay.

Ang sakit na ito ay pumipinsala hindi lamang sa Pilipinas kung hindi maging sa Amerika. Ang Colon cancer ay pumapangalawa sa may pinakamataas na cause of death ng mga Amerikanong babae at lalaki.

Madalas nagsisimula ang colon cancer sa isang maliit na polyp o “kuntil” na tumutubo sa lining ng colon. Hindi lahat ng polyps ay cancerous ngunit, ang ilang polyps gaya ng adenoma ay sanhi ng cancer.

Ang mga eksperto ay naniniwala na ang kasalukuyang diet ng mga Pilipino na mataas sa fat at mababa sa fiber ay nakadaragdag sa posibilidad na magkaroon ng Colon Cancer. Ang ilan pa sa risk factors ng Colon cancer ay:

  • Obesity o labis na katabaan
  • Kawalan ng ehersisyo
  • Family History ng Colon Cancer o polyps
  • Personal History ng polyps
  • Paninigarilyo
  • Inflammatory bowel disease

Mga Sintomas ng Colon Cancer:

Mahirap makita ang mga sintomas ng colon cancer sa early stages nito. Kabilang sa mga warning signs na kailangang bigyang pansin ay ang mga sumusunod:

  • Dugo sa dumi
  • Rectal bleeding
  • Madalas na Constipation
  • Madalas na Diarrhea
  • Abdominal bloating
  • Abdominal discomfort
  • Pakiramdam na hindi lubusang nailabas ang dumi
  • Padalas makaramdam ng pagod
  • Anemia
  • Kawalan ng gana kumain
  • Biglaang payat o weight loss

Ang kasulukuyang treatment para sa kanser sa bituka ay nakadepende sa dami ng sintomas na nararamdaman at kombinasyon ng surgery, chemotherapy, radiation, at biological therapy.

Colon polyps – Delikado ba ang colon polyps?

Marami sa mga polyps ng bituka ay hindi cancerous ngunit, may mga particular na uri ng polyps na maaring magdulot ng cancer sa katagalan. May dalawang pinakaraniwang uri ng polyps na makikita sa colon:

Hyperplastic polyps, kung mayroong maliit na matira sa bituka ay maliit pa rin ang posibilidad na maging cancer.
Adenomatous polyps, kapag hindi natanggal ay maaring maging cancer.

Bilang pag-iingat, marami sa mga polyps na nakikita sa colonoscopy at iba pang medical procedures ay tinatanggal.

Paano maiwasan ang kanser sa bituka?

Isa sa pinakaepektibong paraan para maka-iwas sa colon cancer ay ang regular na pagpapatingin sa doktor. Karaniwang inaabot ng higit sa sampung taon bago maging cancerous ang polyps. Ang regular na pagpapatingin ay makakatulong upang makita agad at maalis ang mga polyps bago pa ito maging mapanganib sa katawan.

Ang uri ng diet at level ng physical activity ay kabilang din sa mga risk factors ng kanser sa bituka. Ang pagkakaroon ng masustansiyang diet at madalas na page-ehersisyo ay nagpapababa ng posibilidad na magkaroon ng colon cancer. Ang mga taong may diet na mataas sa prutas, gulay, at whole grains ay napatunayang mas mababa ang tyansa na makakuha ng colon cancer kumpara sa mga taong matataba ang kinakain.

Ayon sa rekomendasyon ng American Cancer Society, ang 30 minuto na page-ehersisyo limang beses sa isang linggo ay nakakapagpababa sa posibilidad na magkaroon ng kanser sa bituka.

Nakakatulong din ang pagtigil sa paninigarilyo, pagbabawas sa pag-inom ng alak, at kung ikaw naman obese, pagbabawas ng timbang.

Alamin din ang Colon Cleansing Foods.

Colon cleansing for colon health

Ang isa pa sa epektibong routine na dapat gawin para masiguradong maka-iwas sa colon cancer ay ang regular na paglilinis ng bituka. Ang maruming colon na dulot ng built-up ng mga toxins at waste products ay dumaragdag sa problema nito. Ngunit, ang pagsasagawa ng maayos na colon cleansing program ay nakakatulong para ma-flush out ang mga hindi kanais-nais at maruruming waste products na makikita sa colon.

Maghanap ng mga epektibo at napatunayang produkto na mayroong all-natural ingredients. Siguraduhin din na ang piniling colon cleansing regimen ay naglalaman ng maraming fiber na makakatulong para mas maging maganda ang kondisyon ng bituka.

5 Benepisyo ng Colon Cleansing

Sa dami ng additives sa ating pagkain, mga pesticides sa pananim, at sa tindi ng polusyon mula sa maiitim na buga ng mga sasakyan, maari nating masabi na tayo ay nakatira sa toxic age. Ang toxic buildup ay maaring umabot na rin hanggang sa ating bituka. Ang buildup na ito ay may negatibong epekto sa ating digestion at sa kabuuang kondisyon din ng ating katawan.

Kung madumi ang iyong bituka, ang buong katawan ay apektado. Mabilis makakaramdam ng pagkapagod, hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang at sa kabuan ay mahihirapan tayo gawin ang mga pang araw-araw na gawain.

Buti na lamang, ang ating katawan ay may sariling natural na detox ngunit, hindi nito kakayanin kung siya lamang ang kikilos Ang pinaka-unang paraan sa paglilinis ng iyong colon ay ang pagkakaroon ng high-fiber diet at pag-inom ng maraming tubig. Maari rin subukan ang Colon Cleansing para matanggal ang mga delikadong polyps sa colon.
Narito ang lima sa magandang benepisyo ng colon cleansing na dapat mong malaman.

Nakakapagpababa ng tyansa ng Colon Cancer

Lahat ng toxins na ating kinakain, iniinom, at sinisinghot na dumaraan sa ating balat ay humahantong sa gastrointestinal system, kidneys, at livers. Kapag hindi ito natanggal, ito’y magdudulot ng problema sa buong katawan. Sa pamamagitan ng colon cleansing, malilinis ang natambak na body waste, at maalis ang mga polyps, cysts at iba pang cancerous material sa iyong colon at gastrointestinal tract.

Tumutulong sa Panunaw o Digestion at Pinipigilan ang Constipation

Ang madalas na constipation ay masama sa ating digestion, at vice versa. Kapag apektado ang ating digestion, mas titindi ang constipation. Nangangahulugan na mas tatagal ang mga waste products sa loob ng ating katawan. Ang buong procesong ito sagabal sa paga-absorb ng ating katawan sa mga nutrients at maari ring dahilan ng pagkakaroon ng maraming bacteria sa katawan.

Tumutulong para bumaba ang timbang

Ang low fiber foods ay mas tumataggal sa bituka kumpara sa mga high-fiber foods. Kapag nilinis mo ang niyong colon, ang mga materials na ito ay matatanggal mula sa system at kahit papaano ay makakatulong para mapababa ang timbang.

Pinapanatili ang pH Balance sa Bloodstream

Ang mga pagkain na nagdudulot ng colon blockages ay acid-forming. Sanhi ito upang mamaga ang mga tisyu sa bituka dahilan upang hindi nito magawa ng tama ang kaniyang trabaho. Ang mga tisyu sa bituka ay kumokontrol sa mga bagay na pumapasok sa bloodstream ng katawan tulad ng tubig, minerals, at vitamins. Kung ito’y mamamaga, maari rin makapasok ang mga bacteria, parasite, at maging dumi sa ating bloodstream.

Nakakatulong sa buong kondisyon ng katawan

Ang colon cleansing ay nakakatulong hindi lamang sa bituka kundi maging sa buong katawan. Sa pamamagitan ng pagtanggal ng mga waste buildup, makakaramdam ka ng mas mataas na enerhiya, madaling panunaw, at sa kabuuhan ay mas magandang kalusugan.


  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

KATULAD NA MGA ARTIKULO

Related posts