Mayoma: Mga Dapat Mong Malaman Tungkol Sa Mayoma

  • 1
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang Uterine Fibroids ay karaniwang non-cancerous (benign) tumors o bukol sa matris. Ito ang madalas na rason kung bakit kinakailangan ng isang babae na dumaan sa hysterectomy – operasyon ng pagtanggal sa bahay-bata. Ang fibroids ay tumutubo sa muscular wall ng matris, madalas itong gawa sa muscle at fibrous tissue. Ang sukat nito ay maaring kasing-liit lamang ng buto ng sitaw o hindi kaya ay kasing-laki ng isang melon.

Kilala rin ito sa tawag na leiomyomas at myomas.

Marami sa kababaihan na higit sa 35 taong gulang na may mayoma ay walang nararamdaman na anumang sintomas. Ngunit, may ilan na nakakaranas ng matinding pagdurugo, pananakit ng pelvic, at iba pang kirot sa ibang bahagi ng katawan. Ang mga sintomas na ito ay nangangailangan ng agarang gamutan. May iba’t ibang lunas para sa mayoma, maaring uminom ng gamot para ma-kontrol ang pananakit at pagdurugo, hormone therapy para paliitin ang tumor, at operasyon para alisin ang tumor. Kung masyadong malubha at malaki na ang tumor, nangangailangan na tanggalin na rin ang buong matris.

May ilan naman na mas piniling huwag na lamang ito pakialaman dahil madalas lumiliit din ang tumor kapag ang babae ay menopause na.

Ano ang Fibroid?

Ang fibroid ay isang non-cancerous growth (tumor) na gawa mula sa iba’t ibang fibrous tissue tulad ng muscle. Ito’y tumutubo sa loob o paligid ng materes (uterus).

Ayon sa U.S National Institutes of Health (NIH), 20-25% ng babae na nasa reproductive age ay may fibroids. Pagdating sa edad na 50, 80% sa mga itim na babae at 70% naman na mga puti ang may fibroid. Ito ay pinakakaraniwan sa kababaihan na nasa edad 40s hanggang 50s ngunit, maari din na magkaroon ng fibroids sa mas maagang edad. Higit sa 25% na mayroong uterine fibroid ay nakaramdam ng matinding problema ngunit, mas marami ang walang kamalayan na sila’y may uterine fibroid dahil hindi man lang nakaramdam ng anumang komplikasyon.

Mga Uri ng Mayoma

Mayroong apat na uri ng fibroid (mayoma), nakadepende ito sa lokasyon nito sa matris.

Intramural: Ito ang pinakakaraniwang uri. Ang intramural fibroid ay nakadikit sa muscular wall ng matris.

Subserosal fibroids: Ito ay umaabot hanggang sa labas ng matris at tumutubo sa mga nakapaligid na uterine tissue layer. Maari itong mauwi sa pedunculated fibroids, kung saan ang tumor ay malaki at may tangkay.

Submucosal fibroids: Ang klase na ito ay maaring tumubo sa cavity ng matris. Madalas itong nakikita sa muscle sa ibaba ng inner lining ng matris.

Cervical fibroids: Ang Cervical fibroids ay umuugat mula sa kwelyo ng matris o cervix.

Ang Mayoma ba ay maaring maging cancer?

Madalas ang mga fibroids ay benign o hindi cancerous. Ang pagkakaroon din nito ay hindi nakakaapekto sa posibilidad na magkaroon ng cancer. Mas mababa pa sa 1 sa bawat 1,000 kaso ng mayoma ang nagiging cancerous. Ang cancerous na fibroid ay tinatawag na leiomyosarcoma.

Mga Sintomas ng Mayoma

Isa sa bawat tatlong babae na may fibroids ang nakakaramdam ng mga sintomas. Halimbawa nito ang mga sumusunod:

  • Mabigat at Masakit na regla o menorrhagia
  • Mababang dugo (anemia) dulot ng matinding regla
  • Pananakit ng ibabang bahagi ng likod at mga binti
  • Constipation
  • Kirot sa ibabang bahagi ng tiyan, madalas ay sanhi ng malalaking fibroids
  • Madalas na pag-ihi
  • Pananakit habang nakikipagtalik o dyspareunia

Iba pa sa mga posibleng sintomas ay:

  • Hindi makabuo ng anak
  • Problema sa panganganak
  • Paulit-ulit na pagkalaglag ng bata

Kung ang fibroids ay malaki, maaring bumigat ang timbang at mamaga ang ibabang tiyan.

Kapag nagkaroon ng fibroids, patuloy itong lalaki hanggang mag-menopause. Ang estrogen levels ng babae ay baba kapag siya’y menopause na. Dahilan para lumiit din ang fibroid.

Ano ang sanhi ng Mayoma?

Hindi pa rin malinaw hanggang sa kalukuyan kung ano ang tiyak na dahilan sa pagkakaroon ng fibroids. Ngunit, ito ay maaring may koneksiyon sa estrogen levels.

Sa panahon ng reproductive years, ang estrogen at progesterone levels ay mas mataas.

Kapag ang estrogen levels ay mataas, lalo na tuwing buntis, ang mga fibroids ay madalas namamaga. Ang mga fibroids din ay lalong lumalaki kapag ang babae ay umiinom ng birth control pills na naglalaman ng estrogen.

Ang mababang estrogen levels ay nagpapaliit sa mga fibroids, halimbawa ay kapag menopause na.

Ang pagkakaroon ng kamag-anak na mayroong mayoma ay nakakapagpataas sa posibilidad na magkaroon din nito.

Mayroon din ebidensiya na ang pagkain ng maraming pulang karne (red meat), at madalas na pag-inom ng alak at kape ay nakakapagpataas sa risk ng fibroids. Samantalang, ang mga prutas at gulay ay nakakatulong naman para maiwasan ito.

Nababawasan ang posibilidad na magkaroon ng fibroids tuwing nanganganak ang isang babae. Ang mga babae na mas maraming beses nanganak ay mas mababa ang tyansa na magkaroon ng mayoma kumpara sa mga hindi nanganak.

Ang pagiging overweight o obese ay nagpapataas ng posibilidad na magkaroon ng mayoma ng mula dalawa hanggang tatlong beses kumpara sa kababaihan na nasa tamang timbang.

Relasyon ng Obesity at Mayoma

Ang isa sa karaniwang sintomas ng mayoma ay ang hindi mapaliwanag na paglaki ng tiyan at timbang. Hindi nakakapagtaka na maraming babae na mayron mayoma ang nagrereklamo na mukha silang buntis.

Dagdag pa rito, ang mga propesyonal ay nakakita ng koneksiyon ng pagiging overweight at pagkakaroon ng mayoma.

Ang paglaki ng mayoma ay sanhi ng estrogen, mas tumataas ang levels nito dahil sa labis na katabaan ng tiyan. Ibig sabihin, the more na overweight ka, mas mataas din ang posibilidad na magkaroon ka ng mayoma.

Isang magandang paraan para mabawasan o hindi kaya ay maka-iwas sa pagkakaroon ng mayoma ay weight loss. Importante ang hakbang na ito lalo na kung ikaw ay may matabang tiyan. Ang pagbabawas ng timbang ay makakatulong hindi lamang sa problema sa mayoma kundi maging sa iyong katawan sa kabuuhan.

Bagama’t ang pagbabawas ng timbang ay hindi lubos na solusyon para gumaling sa mayoma, malaki ang maitutulong nito para mabawasan ang sakit at maiwasan pa na lalong lumaki ang tumor nito.

Gamot (Treatment) sa Mayoma

Kung ang pasyente ay nakakaramdam ng sintomas, kailangan siyang operahan. Maaring tanggalin ang bukol kung posible (myomectomy). Kung mayoma lamang ang tinanggal, maari pa rin manganak ang babae ngunit, kung masyado ng malaki ito, kailangan tanggalin ang buong matris (hysterectomy). Ang operasyon na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng paghiwa sa tiyan (laparotomy) at kung minsan naman ay sa pamamagitan ng paglalagay ng mga aparato sa maliliit na hiwa sa pusod (laparoscopy).

Kung ang mayoma ay maliit at walang anumang sintomas, hindi na kailangan dumaan sa operasyon. Inirerekomenda ang healthy lifestyle tulad ng pagkain ng masustansiyang pagkain, pagbabawas ng timbang at page-ehersisyo para hindi na tuluyang lumaki at lumala ang mayoma.

Kung ang mayoma ay lumabas (prolapses) sa ari, ito’maari tanggalin sa pamamagitan ng paglalagay ng mga aparato sa ari (transvaginally).


  • 1
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

KATULAD NA MGA ARTIKULO

Related posts