Mga Dapat Malaman Tungkol sa Sipon na May Kasamang Dugo

Pinapahirapan ka ba ng pangmatagalang sipon? Sipon na pabalik-balik at kung minsan ay may kasamang dugo? Nakapaloob sa artikulong ito ang mga mahahalagang impormasyon patungkol sa sipon na may kasamang dugo, ano-ano ang sanhi nito, at kung ano ang mabisang gamot para dito.

Mahalagang impormasyon tungkol sa sipon o plema

Ang sipon ay isang pangkaraniwang sakit sa mga tao. Walang pinipili ang sakit na ito mapa bata man o matanda. Nakakairita at malaki ang epekto nito sa isang tao na maging produktibo lalong lalo na sa trabaho. Maaari rin itong maging sanhi ng pagkakaroon ng ubo at lagnat na kapag napabayaan ay maaaring maging banta sa buhay ng isang tao.

Ang karaniwang sipon  ay ang karaniwang dulot ng iba’t ibang mga uri ng birus, alerhiya, pagbabago ng panahon, at pagiging malamig ng panahon. May mga kaso ng simpleng sipon na kusang nawawala kahit na hindi na dumaan sa gamutan. Ngunit mayroon din nitong sanhi ng seryosong sakit na katulad ng TB o Tuberculosis.

Ngayong alam mo na ang mga impormasyon tungkol sa sipon, talakayin naman natin kung bakit minsan ay may dugong kasama ang sipon, at ano-ano baa ng posibleng sanhi nito. Gusto mo na bang malaman? Ipagpatuloy lamang ang pagbabasa mo!

Mga sanhi ng sipon na may kasamang dugo

Katulad ng nabanggit sa unang bahagi ng artikulong ito, ang sipon ay isang komon na karamdaman. Ngunit paano kung matagal na ito, pabalik-balik at sa masamang kaso ay may kasamang dugo ang plema. Nakakaranas ka ba nito sa kasalukuyan ngunit hindi mo alam ang dapat gawin? Alamin muna natin ang iba’t ibang sanhi ng sipon na may kasamang dugo.

  • Tuberulosis o TB – Ang pag ubo at paglabas ng plema o sipon na may kasamang dugo ay isang classic na sintomas ng sakit na TB. Nangyayari ang pagkakaroon ng sipon sa plema ay dahil sa tuloy-tuloy na pagubo. Dahil dito, nagagasgas ang lalamunan na siyang nagiging sanhi ng pagdugo.
  • Repiratory Tract Infection – Kapag tayo ay humihinga, pumapasok sa mga baga natin ang oxygen mula sa hangin, at ito ay kinukuha ng dugo at dinadala sa lahat ng bahagi ng katawan. Kasabay nito, dinadala ng dugo ang oxygen na may tig-dadalawang atomo ng elementong karbon sa mga baga na siyang naghihinga nito palabas nang may kasamang hangin. At kapag infected ng birus ang respiratory, nagiging sanhi ito ng sipon, walang tigil na pag-ubo, at dugo sa plema.
  • Sinusitis – Ang sinusitis ay ang pamamaga ng mga sinuses. Ito ay ay maaaring bunga ng bacterial o viral infection. Kapag ang bukasan ng sinus ay nagkaroon ng pamumuo ng mucus, ito ay madaling tirahan ng bakterya at mikrobyo. Maraming uri ang sinusitis at kabilang sa mga sintomas nito ang lagnat, pananakit ng lalamunan, ubo at sipon, at sipon na may kasamang dugo.
  • Sugat sa loob ng ilong – Ito ang pinakasimpleng sanhi ng pagkakaroon ng dugo sa sipon. Ang sugat ay sanhi ng matagal na sipon. Dahil dito, nagiging malambot ang balat sa loob ng ilong at madali itong masugatan. Sumasama ang dugo sa sipon sa tuwing nag sisinga o nagbabahing ang pasyente.

Ang mga sumusunod ay ang mga sintomas ng sipon na may kasamang dugo:

  • Walang tigil na pagubo
  • Malapot na sipon na may patak ng dugo
  • Dugo na nakadikit sa plema
  • Pagbahing na may kasamang dugo
  • Pag dura ng plema na may kasamang preskong dugo

 

Ang mga nabanggit sa itaas ay ang mga posibleng sanhi ng pagkakaroon ng sipon na may kasamang dugo. Ngunit kagaya nga ng matandang kasabihan, “prevention is better than cure” Pwede mo namang maiwasan ito upang huwag ng humantong sa gamutan. Upang makatulong saiyo, nakapaloob sa artikulong ito ang kaunting tips at payo para makaiwas sa ganitong uri ng kondisyon. Nais mo bang malaman? Magpatuloy lamang sa pagbabasa mo!

 

Paano maiiwasan ang sipon na may kasamang dugo?

Para maiwasan ang ganitong kondisyon, mas makakabuti ang iwasan ang magkasipon. Medyo mahirap ito kung iisipin ngunit hindi ito imposible. Mayroong mga tao na suki ng sakit na ito, ngunit mayroon din namang tila hindi tinatablan ng sipon. Ang mga nabanggit sa itaas na mga sanhi ay maaaring iwasan sa pamamagitan ng pagbabasa ng artikulong ito. Paano ito maiiwasan? Sundin lamang ang mga sumusunod na ito:

  • Uminom ng maraming tubig – Malaking bagay kapag napapanatiling rehydrated ang katawan upang maging malakas ang immune system. Kapag malakas ang immune system, hindi ito basta basta dinadapuan ng sakit, katulad ng sipon, ubo, at lagnat. 50 hanggang 70% ang tinataglay na tubig ng katawan kaya napaka halaga na uminom ng maraming tubig araw-araw.
  • Iwasan ang paninigarilyo – ang ang Malaking problema ang hatid ng paninigarilyo sa katawan. Bukod sa nagdudulot ito ng pangmatagalang ubo at sipon, nagiging sanhi rin ng paninigarilyo ang pagkakaroon ng mga kanser. Katulad ng kanser sa lalamunan at iba pang mga kanser.
  • Uminom ng mga Vitamins – Ang paginom ng mga vitamins lalong lalo na ng vitamin C ay nakakatulong sa pagpalakas ng immune system. Kagaya ng nabanggit, kapag malakas ang immune system, mahihirapan makapasok ang iba’t ibang birus sa katawan ng tao.
  • Kumain ng prutas at maraming gulay – Isa pang mahusay na pampalakas ng immune system ang pagkain ng mga masustansyang pagkain. Hindi ka lang makakaiwas sa mga sakit, magkakaroon ka rin ng malusog at masiglang pangangatawan.
  • Wastong ehersisyo – Kasabay ng wastong diet ay ang proper exercise. Ugaliin ang pag ehersisyo araw-araw upang maging malakas at masigla ang katawan. Malaki rin ang ambag ng wastong ehersisyo upang palakasin ang immune system ng katawan.
  • Maging malinis sa katawan – Ang sipon ay sanhi ng bakterya, at kung nasaan ang dumi ay naroon din ang bakterya. Kapag malinis ang katawan, mahihirapan makapasok ang bakterya na naghahatid ng iba’t ibang sakit.
  • Umiwas sa mga taong may sipon – Ang sipon ay madaling makahawa lalong lalo na kapag mahina ang immune system ng isang tao. Kaya naman mas makakabuti ang umiwas sa taong may sakit upang makasigurado.
  • Ugaliin ang paghugas ng kamay – Ang sipon ay sanhi ng mga bakteryang nakakalat sa paligid. Kaya’t anumang mahawkan ay posibleng kontaminado ng bakterya na pwedeng magbunga ng sipon. Kaya ugaliin ang paghuhugas ng kamay at huwag kalimutan ang gumamit ng sabon.
  • Magkaroon ng sapat na tulog – Mahalaga sa tao ang pagkakaroon ng sapat na tulog. Sa pamamagitan ng sapat na pahinga, nagkakaroon ng kusang pag restore ng mga nawalang enerhiya sa katawan. Dahil rin dito, lumalakas ang immune system ng katawan ng tao.

Pinakamahalaga sa lahat ang pagiwas sa sakit katulad ng sipon. Kaya naman sundin lamang ang lahat ng nabanggit sa itaas upang makaiwas sa mga sakit na sanhi ng bakterya. Pero paano naman kung may sipon ka na at hindi mo alam ang dapat gawin. Ang sipon mo ba ay may kasama na ring dugo? Huwag mag-alala, tutulongan ka ng artikulong ito!

 

Ano ang dapat gawin sa sipon na may kasamang dugo?

Ano ang dapat gawin kapag napansin mong may kasamang dugo ang sipon mo? Dapat bang mag panic? Ang totoo, hindi dapat ipag-alala ang ganitong kondisyon. Ang unang dapat gawin ay alamin muna ang sanhi ng pagkakaroon ng dugo sa sipon. Pagkatapos ay saka mag isip ng solusyon para dito.

  • Halimbawa, kapag natukoy na ang sanhi ng dugo sa sipon ay sanhi ng Tuberculosis, mas makakabuti ang magpatingin sa doktor upang mabigyan ng kaukulang lunas para dito. Huwag kang mag-alala sapagkat ang TB ngayong panahon ay madali ng malunasan.
  • Kapag sinusitis ang sanhi ng sipon, mayroong mga gamot na rekomendado ng mga doktor. Upang matukoy ito, ipinapayo na mag patingin sa doktor upang magsagawa ng check up at ng sa ganun ay mabigyan ng kaukulang gamot para sa sinusitis.
  • Sipon na may kasamang dugo dahil sa sugat sa loob ng ilong? Magpatingin sa doktor sa ilong upang masuri ang loob ng ilong mo. Mayroong mga ointment o drops na ginagamit na panggamot sa sugat na nasa loob ng ilong. Ang mga gamot na ito ay nangangailangan ng reseta ng isang doktor.
  • Malawak naman ang saklaw ng impeksyon sa respiratory, at kabilang sa mga dulot nito ay ang sipon na maaaring mauwi sa pagdurugo. Importante ang mag patingin sa doktor, ngunit pinaka importante ang palakasin ang immune system upang maiwasan ang mga ganitong impeksyon.
  • Kapag ang sanhi ng sipon na may kasamang dugo ay dulot ng pangmatagalang sipon. Uminom ng pinakuluang dahon ng lagundi hanggang sa mawala ang sipon at matigil ang pag ubo. Kung hindi kaya ang lasa ng lagundi, may mga sentetikong gamot rin na mabibili sa botika katulad ng Paracetamol.

Anumang sanhi ng dugo sa sipon, ang pinakamahalaga sa lahat ay huwag itong isawalang bahala. Pagnakaramdam agad ng sintomas ay makakabuti ang mag patingin agad sa doktor upang matukoy ang tunay na kondisyon, at mabigyan ng kaukulang lunas.

Para sa konklusyon: Ang mga sakit na kagaya ng sipon ay itinuturing na komon na sakit ng mga pinoy. Ngunit may mga kondisyon ng sipon na tumatagal ng mahabang panahon lalong lalo na sa mga bata. Pakatandaan lamang na lahat ng simpleng karamdaman ay maaaring mauwi sa malubhang kondisyon.  Katulad ng pagdurugo. Ugaliin ang regular na pagpatingin sa doktor upang mamonitor ng maayos ang kalusugan.

KATULAD NA MGA ARTIKULO