Ano ang Ovarian Cancer: Mga Sintomas ng Ovarian Cancer na Dapat Mong Bantayan!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang Ovarian cancer ay tumutukoy sa anumang cancerous growth na nagsisimula sa obaryo o ovary.

Batay sa Philippine Cancer Society, Inc., ang Ovarian Cancer sa kabuuhan ay pang-12th sa pinakamaraming kaso ng cancer sa bansa at ito ay pang-lima sa cancer na nakaapekto sa kababaihan. Noong taong 2010, may nadagdag na 2,165 bagong kaso ng Ovarian Cancer at sa parehong taon may namatay rin na 1,016 mula rito.

Sa lahat ng mga gynecologic cancers – mga nakakaapekto sa uterus, cervix, at ovaries – ovarian cancer ang may pinakamataas na porsyento ng kamatayan.

Noong nakaraang taon lamang, humigit-kumulang 22,440 babae sa America ang dumaan sa diagnosis upang malaman kung sila’y positibo sa ovarian cancer at 14,080 ang posibleng mamatay mula sa sakit na ito.

Facts tungkol sa Ovarian Cancer

  • Humigit kumulang 2,000 Pinoy ng ovarian cancer taon-taon.
  • Ang mga Risk Factors na maaring dahilan ng ovarian cancer ay pagkakaroon ng history ng cancer sa pamilya, katandaan, reproductive history, at katabaan o obesity.
  • Ang mga treatment options ay surgery, radiotherapy, at chemotherapy.
  • Kung ma-diagnosed sa early stages, mayroon 94% na maka-survive ng dagdag na limang taon.

Sintomas ng Ovarian Cancer

Madalas sa mga Ovarian cancer ay nagsisimula sa epithelium o ang panlabas na lining ng obaryo.

Sa early stages ng ovarian cancer, maaring kaunti o walang sintomas na makita. Ang mga sintomas ay maaring katulad lamang ng ibang kondisyon gaya ng premenstrual syndrome (PMS), irritable bowel syndrome (IBS), at temporary bladder problem.

Ang pinakamalaking pinagkaiba ng ovarian cancer sa ibang posibleng katulad na disorders ay ang madalas at lumulubhang mga sintomas nito.

Ang paunang sintomas ng ovarian cancer ay tulad ng mga sumusunod:

  • Pananakit ng balakang, lower abdomen, o sa lower part ng katawan
  • Back pain
  • Indigestion o heartburn
  • Mas madalas na pag-ihi
  • Constipation
  • Nakakaramdam ng pananakit habang nagtatalik

Sa patuloy na paglubha nito, maaring makaranas ng:

  • Pagkahilo at Pagsusuka
  • Pagbaba ng timbang o weight loss
  • Pananakit ng dibdib at hirap sa paghinga
  • Mabilis makaramdam ng pagod
  • Pagkawala ng gana kumain

Kung ang isang indibiwal ay nakakaranas ng pamamaga at pananakit sa tiyan at balakan ng higgit na sa ilang linggo, nangangailangan na sila’y kumunsulta agad sa doktor.

Kaugnayan ng Ovarian Cancer at Obesity

Sa loob ng maraming taon, pinag-aralan ng mga researchers ang koneksiyon ng labis na body fat at ovarian cancer. Ayon sa report na inilabas ng American Institute for Cancer Research at World Cancer Research Fund, isa ang pagiging overweight sa maaring dahilan ng ovarian cancer.

Dagdag pa ng mga researchers, sa bawat 5 puntos na nadaragdag sa normal body-mass index o BMI ng kababaihan ay nagtataas din ng 6% na posibilidad na siya’y magkasakit ng ovarian cancer. Ang Body-mass index ay tumutukoy sa ratio ng tangkad at timbang ng isang tao. Ayon sa National Institutes of Health, ang BMI ng higit sa 25 ay itinuturing na overweight at ang BMI ng higit sa 30 ay obese.

Ang Obesity ay matagal ng dahilan ng iba’t ibang tumor, kabilang doon ang sa colon, uterus, esophagus, gallbladder, thyroid, pancreas, at postmenopausal breast cancer. Ito’y mula sa National Cancer Institute.

Paano maiiwasan ang Ovarian Cancer?

Ayon sa American Institute for Cancer Research, ang pagpapanatili ng tamang timbang ay makakatulong upang maka-iwas sa Ovarian Cancer.

Maraming benepisyo ang makukuha sa pagbabawas ng timbang. Makakatulong ito upang maka-iwas ka sa iba pang malalang sakit tulad ng diabetes at sakit sa puso. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng healthy lifestyle, pagkain ng masustansiyang pagkain, at regular na page-ehersisyo, baba ang iyong timbang at baba rin ang iyong tyansa na magkasakit.


  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

KATULAD NA MGA ARTIKULO

Related posts