Pagdumi na May Kasamang Dugo: Bakit May Kasamang Dugo Ang Dumi Ko?

Nangangamba ka ba kung bakit may kasamang dugo ang padumi mo? Gusto mo bang malaman ang posibleng sanhi nito, at kung ano ang pwedeng gawin para pagdugo. Nakapaloob sa artikulong ito ang mga kasagutan sa katanungan mo.

Ano ang mga posibleng sanhi ng pagdumi na may kasamang dugo?

Nakababahala ang ganitong klaseng kondisyon. Nakakatakot rin kung iisipin, lalo na kapag dugo na ang pinag-uusapan. Para sa mga kababayan natin na kulang ang kaalaman sa ganitong uri ng kondisyon, maaaring bigyan nila ito ng maling pakahulogan. Ang iba naman ay isinasawalang bahala na lamang ito. Pero paano nga ba kapag nakakita ka ng dugo sa dumi mo? Kailangan bang mag panic? Ano ba ang dapat unang gawin?

Una, importanteng malaman mo muna kung ano ang posibleng sanhi nito. Kasunod nito ang paghanap ng gamot o solusyon para dito. Pero paano kung ang nakakaranas nito ay limitado ang kaalaman? Isa ka ba sa mga tinutukoy ko? Kung ganun magpatuloy lamang sa pagbabasa mo at ituturo saiyo ng artikulong ito ang iba’t ibang sanhi ng pagdumi na may kasamng dugo.

  • Hemorrhoids o Almuranas – Ang almuranas ay isang kondisyon na kung saan ay mayroong pagdurugo sa pagdumi. Ito ay may kasamang kirot at pamamaga, na kapag napabayaan ay maaaring mauwi sa seryosong impeksyon.
  • (Anal Fissures) o sugat sa mismong butas ng puwit – Isa pang sanhi ng pagdumi na may kasamang dugo. Ang pagkakaroon ng sugat sa anus ay posibleng sanhi ng almuranas, irregular bowel, at matinding pag-iri.
  • Constipation – Ang constipation ay isang uri ng kondisyon na kung saan ay abnormal ang pagdumi ng pasyente. Ang mga sintomas nito ay ang irregular na pagdumi at matigas na dumi. Dahil sa matigas ang dumi, nahihirapan ang pasyente sa pag iri at nagiging resulta ito ng pagkasugat at pagdurugo.
  • Impeksyon sa bituka – isa pang sanhi ng dugo sa dumi. Dahil nagmumula ang dumi sa bituka nagkakaroon ng dugo sa dumi dahil sa sugat sa bituka na sanhi ng impeksyon.
  • Colon Cancer o Kanser sa bituka – Ito ang pinakamalala sa lahat. At hindi dapat isawalang bahala ang ganitong kondisyon. Mas makakabuti ang magpatingin sa doktor kung makapansin ng kakaibang pakiramdam sa tiyan at lalong lalo na sa pagdumi.
  • Diarrhea – Ang diarrhea ay isang impeksyon sa tiyan na nagiging resulta sa hindi makontrol na pagdumi ng pasyente. Dahil dito, nasusugat ang butas ng anus at nagiging dahilan ng pagkakaroon ng dugo sa dumi.
  • Colitis – Ang colitis ay ang pamamaga ng colon. Sanhi nito ang pagkakaroon impeksyon o inflammatory bowel disease.

Narito rin ang ilan sa mga sintomas ng pagdumi na may kasamang dugo:

  • Mapulang tae
  • Hirap dumumi at may kasamang dugo
  • Kulay dark brown o maitim na tae
  • Buhay na dugo sa dumi o buo buong dugo

Napakahalagang malaman muna ang sanhi ng pagdurugo bago mag sagawa ng aksyon. Pero sabi nga ng sikat na kasabihan, “prevention is better that cure” kaya naman tatalakayin natin kung paano ka makakaiwas sa ganitong uri ng karamdaman. Gusto mo na bang malaman? Ipagpatuloy lamang ang pagbabasa mo!

 

Paano maiiwasan ang pagdumi na may kasamang dugo?

Katulad ng nabanggit sa itaas, prevention is better than cure. Bakit ka pa hahantong sa mahabang gamutan kung maaari mo namang iwasan ito. Kaya para makatulong saiyo at magkaroon ka ng malawak na ideya, nakapaloob sa bahagi ng artikulong ito ang mga tips kung paano mo maiiwasan na magkaroon ng ganitong uri ng karamdaman. Tandaan lamang ang mga sumusunod na ito:

  • Proper exercise – Ano ang koneksyon ng ehersisyo sa pagkakaroon ng dugo sa dumi? Marahil ito ang tanong mo. Alam mo bang ang taong walang ehersisyo ay maaaring mauwi sa otism o labis na pagtaba? Dahil sa abnormal na pagtaba, mas malaki ang tiyansa na magkaroon ng sakit sa bituka, katulad na lamang ng colon cancer.
  • Wastong Diet – Ugaliin ang pagkain ng maraming gulay at prutas. Iwasan rin ang mga pagkaing matataba at ma-kolesterol. Bawasan rin ang labis na pagkain ng karne. Kapag malusog ang pangangatawan, malusog rin ang tiyan. Dahil dito, makakaiwas ka sa mga sakit sa bituka, katulad na lamang ng constipation na nagdudulot ng pagkakaroon ng dugo sa dumi.
  • Iwasang magkaroon ng Diarrhea – Nabanggit sa artikulong ito na isa ang diarrhea o pagdurumi sa mga sanhi ng pagdumi na may kasamang dugo. Para makaiwas sa kondisyong ito, maging maingat sa mga iniinom at kinakain. Iwasan ang maruming tubig at panatilihin rin ang kalinisan sa paligid.
  • Kumain ng mga pagkaing rich in fibers – Ayon sa mga diet experts, ang pagkain ng mga pagkaing mayaman sa fibers ay nakakatulong makaiwas sa pagkakaroon ng iba’t ibang uri ng sakit sa bituka. Makakaiwas ka rin sa posibleng pagkakaroon ng constipation. Ano-ano ba ang mga pagkaing rich in fibers? Tandaan ang mga pagkaing ito:
    •  Mga Prutas na mayaman sa fiber katulad ng saging, mansanas, oranges, strawberries, raspberries, mangga.
    • maberdeng gulay tulad ng pechay, repolyo, cauliflower
    • Mga beans at iba pang uri ng legumes
    • Tinapay at mga butil

Sundin lamang ang mga sumusunod upang makaiwas sa pagkakaroon ng mga sakit na nabanggit sa unang bahagi ng artikulong ito. Ngunit paano naman kung nakakaranas ka na ng ganitong problema at hindi mo alam ang dapat gawin? Makakatulong saiyo ang artikulong ito. Magpatuloy lamang sa iyong pagbabasa upang malaman mo ang mga dapat gawin sa pagdumi na may kasamang dugo.

 

Ano ang mabisang gamot sa pagdumi na may kasamang dugo?

Nakakabahala nga naman kapag nakita mong mayroong dugo ang dumi mo. At siguradong hindi mo rin maiwasang magisip ng iba at magpanic. Sa pagamot ng ganitong klaseng kondisyon, mahalagang malaman muna ng pasyente kung ano ang posibleng sanhi nito. Kaya nga tinalakay ng artikulong ito sa unang bahagi ang tungkol sa mga posibleng dahilan ng pagkakaroon ng dugo sa dumi.

Kaya naman para makatulong sa mga katulad mong naghahanap ng solusyon sa ganitong problema, narito ang ilan sa mga alternatibong gamot na pwedeng gawin kapag nakakaranas ng ganitong kondisyon. Basahin at sundin ang mga sumusunod:

  • Dugo sa dumi na sanhi ng Hemorrhoids o almuranas – Kapag ang pagdumi na may kasamang dugo ay sanhi ng almuranas, huwag itong ipangamba sapagkat normal lamang ito. Ang dugo ay nangagaling sa nasugat na balat na dinadaanan ng dumi. Paano ito gamutin? Maaaring magsagawa ng water treatment para sa almuranas at maglagay ng ointment at cream na nabibili sa mga botika. Mas makakabuti rin ang pagkonsulta sa doktor upang mabigyan ka ng kaukulang payo at gamot para dito.
  • Dugo sa dumi na sanhi ng anal fissures – Kapag ang pagdumi na may kasamang dugo ay sanhi ng anal fissures o pagkasugat ng anus. Mas makakabuti ang bigyan ito ng kaukulang gamot at anti-bacterial ointment. Gamutin ito hanggang sa humilom ang sugat na siyang dahilan ng pagdurugo.
  • Dugo sa dumi na sanhi ng constipation – dahil sa hindi regular na pagdumi, nagiging matigas ang dumi ng isang tao. Ang resulta nito ay ang mahirap na pag-iri sa tuwing nagdudumi ang pasyente. Ano ba ang gamot sa constipation? Maraming gamot para dito, katulad na lamang ng mga herbal supplements na rekomendado ng mga eksperto. Nandiyan rin ang mga halamang gamot. Para makasigurado, mas makakabuti ang mag patingin sa isang doktor ng sa ganun ay mabigyan ka ng kaukulang gamot.
  • Dugo sa dumi sanhi ng diarrhea o pagdurumi – Para sa ganitong kaso, kinakailangan na matigil muna ang maya’t mayang pagdumi. Kailangan ring mawala at mailabas ang dumi na nasa tiyan na siyang sanhi ng diarrhea. Para gamutin ito, Mag timpla ng oresol sa iyong inuming tubig. Magpatingin rin sa doktor upang mabigyan ka ng tamang anti-biotic para sa sakit na diarrhea.
  • Dugo sa dumi sanhi ng colon cancer o kanser sa bituka – Ito ang pinaka nakakatakot sa lahat ng mga sanhing nabanggit. Ang ganitong karamdaman ay nangangailangan ng mahaba at magastos na gamutan. Kaya naman napakahalaga ang pagsagawa ng regular na check-up sa doktor para mamonitor at maingatan ang kalagayan ng iyong bituka.

Ang mga nabanggit na gamot at solusyon sa pagdumi na may kasamang dugo ay iilan lamang sa pwede mong gawin. Ngunit kung sa tingin mo ay hindi ito sapat, magpatuloy lamang sa pagbabasa upang malaman ang pinakaimportanteng dapat gawin sa ganitong karamdaman.

Pagdumi na may kasamang dugo? Magpatingin kaagad sa doktor!

Hindi lahat ng pagdurugo kapag nagtatae ay nangangahulugan ng seryosong karamdaman. Ang iba ay simple lamang at nawawala rin kahit hindi dumaan sa gamutan. Pero sa panahon ngayon na napakaraming uri ng sakit ang nagsisilabasan, mas makakabuti pa rin ang magpatingin sa doktor.

Kung nais mo namang makatiyak sa tunay na kondisyon ng iyong bituka. Maaaring magsagawa ang doktor ng tinatawag na colonoscopy. Ito ay  isa sa mga popular na pamamaraan para sa pagsusuri at paggamot sa pagtatae ng dugo. Ngunit ang prosesong ito ay nangangailangan ng malaking halaga ng pera. Halaga na hindi kayang maabot ng isang ordinaryong mamamayang Pilipino. Gayunpaman, kapag malala ang sitwasyon ng pasyente ay talagang kinakailangan ang dumaan sa prosesong ito.

Kaya napakahalaga ang regular na pagpatingin sa isang eksperto upang mamonitor ang tunay na kalagayan ng iyong bituka.

Tandaan lamang, ang lahat ng sakit ay nag-uumpisa sa simpleng sintomas. Kaya naman huwag itong isawalang bahala. Bigyan ito ng sapat na atensyon at kaukulang aksyon. Gaano man kalaki ang perang maaaring gastusin, sa huli, ang kalusugan at buhay pa rin ng tao ang mahalaga.

KATULAD NA MGA ARTIKULO

Related posts