Sakit ng Ulo: Mga Sanhi at Lunas

Madalas bang sumakit ang ulo mo? Maraming dahilan kung bakit nangyayari ito. Ngunit, ano man an sanhi, tiyak na isa lang ang laging hanap mo sa tuwing sasakit ang ulo mo—paracetamol o pain reliever para bumuti ang pakiramdam. Bago ka pa man pumili ng iinuming gamot sa sakit ng ulo, mas mainam na alam mo kung ano ang pinagmulan ng sakit.

Baka naman hindi pa kailangan ng oral intake para mawala ang pananakit ng ulo. O di kaya naman ay, kailangan mo ng gamot na mas matapang pa sa paracetamol para tuluyan nang mawala ang sakit. Kung minsan naman, hindi kahit na anong uri ng kemikal ang solusyon. Ang mga taong nakararanas ng constipation, kadalasan ay nakararanas din ng madalas na pagsakit ng ulo. Eh, bakit naman kaya constipated?

Ito ay dahil sa mga pagkaing hindi natunaw at naimbak na sa bituka. Hindi lang pananakit ng ulo ang maaaring maging resulta ng hindi natutunawan ng pagkain. Maaari rin itong magdulot ng colon cancer. Kaya naman habang maaga pa ay dapat maagapan na ang problemang ito sa kalusugan. Sa mga susunod na bahagi ng artikulong ito ay may madidiskubre kang sagot sa madalas na pagsakit ng ulo mo.

Hindi ito gamot na chemically formulated. Pero, garantisadong effective panlunas sa masamang pakiramdam mo.Bago pa man malaman kung anong produkto ito, importanteng malaman mo muna kung bakit madalas na masakit ang ulo ng isang tao. Marami kang matutuklasang dahilan pero maa-amaze ka dahil malalaman mong marami ring lunas kang pagpipilian.

Mga sanhi ng sakit ng ulo

Hindi lahag ng pananakit ng ulo ay dahil sa puyat, labo ng mata at hangover. May mga taong masakit ang ulo sahil sa pagtitibi. Kapag ganito na ang nararamdaman mo, dapat nang kumonsulta sa doktor dahil malaki ang tsansang may kinalaman na ito sa bara sa bituka o dumi ng colon mo. Maaaring hindi na lamang ito simpleng hirap sa paglabas ng dumi. Kaya naman mainam na magpatingin sa espesyalista dahail baka nasa mas malala pang kalagayan o kundisyon ang kalusugan mo.

Kapag masakit ang ulo dahil sa ilang araw nang hindi pagdumi, walang kaduda-duda, maaaring may problema ang isang tao sa panunaw. Puwedeng dulot ito ng sobrang inom ng alak o di kaya’s pagiging maselan sa pagkain. Ang kailangan sa ganitong karamdaman ay mainam na gamot para sa digestive system. Ang pananakit ng ulo dahil sa problema sa bituka ay maaaring magdulot ng malalang sakit kaya naman dapat itong gamutin kaagad.

Bagama’t puwedeng mas malalang sakit ang dala ng pananakit ng ulo kapag tinitibi, hindi ito dapat ika-alarma. May gamot sa sakit ng ulo na sadyang mabisa at ligtas na subukan. Hindi naman ito kailangang maging malakas sa dosage para sa mabilisang epekto. Sa katunayan, mas mainam pa nga kung ang pipiliin ay yung natural na pamamaraan. Halimbawa na lamang ang pagkain ng mga mga pagkaing sagana sa hibla o fiber. Ito ay makatutulong na maiwasan ang pagtitibi.

Ang pag-inom din ng maraming tubig ay nakagagaan ng pakiramdam. Kung babawasan ang tubig na iniinom kumpara sa normal na dami ng dapat ikonsumo araw-araw, maaari itong magpatigas ng dumi at magdulot ng pananakit ng ulo. Makatutulong din ang mga prutas na nakapagpapalambot ng dumi gaya ng papaya at pinya. Isama ang mga ito sa pang-araw-araw na diet at tiyak na magagamot ang madalas na pagsakit ng ulo dulot ng constipation.

Alternatibong gamot sa sakit ng ulo

Gaya ng ibang sakit, ang pananakit ng ulo ay puwedeg malunasan sa pamamagitan ng pagsubok sa alternatibong gamot gaya na lamang ng acupuncture o herbal medicines.

Pinapaginhawa ng acupuncture ang katawan ng isang tao. Ito rin ay nakakapagpaluwag ng daloy ng dugo at enerhiya sa katawan. Dahil dito, naaayos ang sistema sa pangkalahatang kundisyon ng katawan, kasama na rito ang tiyan at bituka.

Pinapasigla rin ng acupuncture ang ilang parte ng ating katawan katulad na lamang n gating mga kamay, paa, ulo at leeg. Dahil dito, nagiging mas maayos an gating pag-iisip kaya naman nababawasan hanggang sa mawala ang nagiging dahilan ng pagsakit ng ulo. Para naman sa herbal medicines, mainam na gamot ang luya.

Sikat na sikat ang luya bilang gamot sa sakit ng ulo at iba pang parte ng katawan. Ito ay pinakukuluan lamang at iniinom nang parang salabat o tsaa. Pinabababa ng halamang gamot na ito ang mga sintomas ng kahit anong sakit na maaaring maramdaman sa katawan.

Isa pang natural na alternatibo para sa madalas na pagsakit ng ulo ang apple cider vinegar. Marami na ang nakapagpatunay na ito ay tunay ngang epektibong gamot hindi lamang para sa masakit ang ulo. At dahil ito ay gawa sa all-natural na mga sangkap, ang apple cider ay mabisa rin sa kahit anong sakit na nararamdaman sa katawan.

KATULAD NA MGA ARTIKULO