Mga Dapat Malaman Tungkol sa Sintomas ng TB

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Noon, kinatatakutan natin ang sakit na tuberculosis o TB. Marami nang namatay sa sakit na ito. Maging ang bayaning si Graciano Lopez-Jaena ay TB ang ikinamatay. Ngayon, hindi na dapat mangamba pa kung ikaw ay ma-diagnose na may ganitong karamdaman. May lunas na dito. Basa’t alam mo lang kung ano-ano ang sintomas ng TB. Dapa din, aware ka kung paano ito nakakahawa.

Kung minsan, binabalewala natin ang simpleng ubo at lagnat na nararanasan natin. Akala natin, dala lang ng pagod at panahon kung bakit tayo nagkakasakit. Ang hindi natin alam, mayroon na pala tayong sakit na nakakahawa. Bato pa man ito lumala, importante ring malaman kung ano-ano ang gamot sa TB. Lahat ba ng lunas ay naaangkop sa lahat ng kundisyon?

Huwang nang hintayin pang makaramdam ng isa sa mga sintomas na mababanggit. Hangga’t maaga pa, alamin na kung paano maiiwasan ang sakit na TB. Sa ganitong paraan, maiiwasan din ang pagkalat nito at pagkakasakit ng mas nakararami. Tuklasin din kung alin ang mas magiging epektibo kung sakaling ikaw o isa sa mga mahal mo sa buhay ang magka-TB. Susubok ka ba sa gamot o oral medicines? O, doon ka sa natural na mas makakasiguro ka sa kaligtasan ng iyong kalusugan?

Mga sintomas ng TB na puwedeng maramdaman

Kung napapadalas ang pag-ubo, lagnat at panghihina, chances are, may TB ka. Kaya naman mas mabuti pang sumangguni na sa doktor para malaman kung nasaang stage na ang sakit, kung meron man. At kung wala pa, mas maaagapan ang pagkakaroon ng ganitong karamdaman dahil malalaman na kung paano mag-iingat.

Importanteng malaman mo ang mga sintomas ng TB bago pa man pumunta sa doktor. Sa initiyal na pagsusuri, tiyak na tatanungin ka tungkol sa mga nararamdaman mong kakaiba sa iyong katawan. I-eksamin ang sarili at tingnan sa mga mababanggit kung alin ang naramdaman o nararamdaman mo na:

  • Lagnat o ubo na tumagal na ng hanggang 2 linggo
  • Mabilis at sobrang pagkapagod
  • Pinagpapawisan sa gabi kahit hindi mainit
  • Nawawalan ng gana sa pagkain
  • Sobrang pagpayat at pagbaba ng timbang
  • Pag-ubo na may kasamang dugo

Hindi kinakailangang maramdaman muna ang lahat ng sintomas na nabanggit bago magpatingin sa duktor. Minsan, may mga taong may sakit nang TB ngunit hindi naramdaman ang mga nasabing senyales. Kahit na isa o dalawa lamang sa mga ito ang maranasan o nararanasan na, mainap pa ring pumunta na sa doktor at magpareseta ng gamot sa TB.

Gamot na mabisa, natural man o hindi

Ang X-ray result ang siyang nagkukumpirma kung ang isang tao ay may TB. Katulad ng nabanggit sa unang bahagi ng artikulong ito, nagagamot na ang sakit na TB. Hindi na dapat pang ma-alarma kung sakaling sabihin ng doktor sa iyong may TB ka. Para sa mga bata, may proteksiyon laban sa sakit na ito. Ito ay ang bakunang bacillus Calmette-Guerin o BCG. Ito ay epektibong panlaban para hindi mahawa sa sakit partikular na sa pagkakahawa sa TB.

Ang gamot sa TB ay dapat na regular na iniinom. Bagama’t gumagaling, kailangan ng matagalang gamutan bago tuluyang mapuksa ang TB. Isa pa, hindi ganoong kadali ang paghahanap ng gamot para dito. Kailangan ding sabayan ng antibiotics ang mahabang gamutan para mas lumakas ang immune system ng pasyente. Kabilang sa mga gamot na ito ang Rifampicin, Ethambutol, Isoniazid, Pyrazinamide, at iba pa. Karaniwang tumatagal ang pag-inom ng gamot ng halos 6 na buwan.

Kadalasan din, pagdating ng ika-3 buwan ng gamutan, inirerekomenda ng doktor na magpa-x-ray muli ang pasyente. Pag lumiit na ang ‘spot’ sa baga, ibig sabihin ay unti-unti nang nawawala ang TB. Maaaring babaan ang dosage o dalas ng pag-inom ng mga nasabing gamot.

Kahit sino, puwedeng mahawa sa TB

Walang pinipili ang sakit na TB. Kahit sino, puwedeng mahawa ng sakit na ito.Mayaman man o mahirap, helath-conscious man o pabaya sa kalusugan—maaaring maging pasyente ng sakit na ito. Kaya naman sa oras na maramdaman ang mga sintomas nt TB at makumpirma ang sakit, kailangan na ng ibayong pag-iingat, pareho, ng maysakit at ng mga madalas nitong makahalubilo.

May mga doktor na mahigpit sa treatment na ginagawa. Sinasabihan niya ang pasyente niyang ihiwalay ang lahat ng kaniyang ginagamit para hindi makahawa. Alam mo ba kung paano nakakahawa ang TB? Hindi ka mahahawa o makakahawa sa pamamagitan lamang ng damit. Mahahawa ka kung malalanghap mo ang hanging may mikrobyo sanhi ng iniubo ng taong may TB.

Mga dapat gawin para maiwasan ang TB

Kung wala ka namang sakit na TB ngunit nangangamba kang baka ka mahawa, may mga paraan kung paano maiiwasan ang sakit na TB. Una na rito ang tamang nutrisyon. Hindi man nababanggit sa karamihang sa mga impormasyon tungkol sa pag-iingat, ang proper nutrition ay makatutulong para maiwasan ang sakit. Kung hindi ka pa nagpa-practice ng healthy lifestyle, malaki ang tsansa mong maka-acquire ng sakit na TB.

Ang taong may TB ay maituturing na ring may mga maruming elemento o properties sa katawan. Dulot ito ng maling pamamaraan sa pagkain. Hindi sapat na nag-iingat lamang sa hanging may mikrobyo para makaiwas sa TB. Dapat, nagke-cleansing din ng katawan para mas may panlaban sa kahit na anong sakit. Buti nalang, may mga herbal na gamot na pwedeng makatulong saiyo bilang pangcleansing.

Tandaan lamang na kailangang maging maingat sa pagpili ng mga herbal na gamot na ibinebenta sa mga hindi lesensyadong parmasya, lalo na sa online. Kung hinihila mong may TB ka, huwag mag atubiling kumunsulta sa doktor mo. Magbibigay sila ng tamang diagnosis para matukoy kung ito ay TB nga at magbibigay ng gamot para ikaw ay malunasan. Ang maganda ngayon dahil libre na ang gamot sa TB! Ibinibigay ito kahit sa mga health centers. Kaya kapag nagbigay ng gamot ang iyon g doktor at sinabi niyang inumin mo ito sa loob ng isang yugto ng panahon halimbawa ay anim na buwan, gawin mo ito nang walang palya sa loob ng anim na buwan. Tandaan mong ang pinaka mabisang gamot sa TB ay ang mismong disiplina mo sa sarili mo.

Tandaan, ang TB ay nakamamatay kapag ito ay pinabayaan. Pero ito ay nagagamot na ngayon, depende sa kagustuhan mong magpatuloy na mabuhay!

.


  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

KATULAD NA MGA ARTIKULO

Related posts