Ano Ba Ang Gamot sa Dighay ng Dighay at Hirap Huminga?

Dighay ng dighay at hirap huminga, naranasan mo na ba ito? Ang ganitong pakiramdam ay maaaring makaapekto sa ating pang araw-araw na rutina. Ang artikulong ito ay tutulong upang malaman ang gamot sa dighay ng dighay at hirap huminga.

Mga mahahalagang ipormasyon na makukuha sa artikulong ito.

  • Kung bakit dighay ng dighay
  • Kaugnayan ng pagdighay sa kahirapan sa pag hinga
  • Dahilan ng hirap sa paghinga
  • Mga natural na lunas sa dighay at hirap huminga
  • Paano maiiwasan ang pagdighay
  • Mga sanhi ng hangin sa tiyan

Dahilan ng pagdighay

Ang pagdighay ay karaniwan lamang dahil ito ang paraan para mailabas ang labis na hangin sa loob ng sikmura. Kung minsan, nagiging sobra naman ang pagdihay, kaya nagdudulot ito ng hindi komportableng pakiramdam.

Kapag ang pagdighay ay sobra, at napansin mong nalilimitahan nito ang mga gawain mo, kailangan mong gumawa ng paraan para dito.

Ang pagdighay ang paraan ng pagpapalabas ng sobrang hangin sa katawan, kaya ang unag hakbang na magagawa mo para mabawasan ang pagdighay ay ang pagbawas ng mismong hangin na pumapasok sa katawan mo. Paano nga ba nakakapasok ang sobrang hangin sa katawan? Baka hilig ang mga sumusunod:

  • Chewing gum
  • Palaging may candy sa bibig
  • Paninigarilyo
  • Mga inuming carbonated o softdrinks

May mga tao na kaugalian na ang paglunok na hangin kahit hindi naman sila umiinom o kumakain. Ang kaugaliang ito ay tinatawag na Aerophagia.

Ang isa pang dahilan ng pagdighay ay ang pagiging acidic o pagkakaroon ng gastroesphgeal reflux disease o GERD. Ang labis na pagdighay kung minsan ay dahil naman sa pamamaga ng stomach lining o tinatawag na Gastritis, isang infection na dulot na bacteria na Helicobacter Pylori na pwedeng mauwi sa ulcer. Ang ibang pang sintomas nito ay heartburn at pananakit ng tiyan.

Para maiwasan ang hindi komportableng pakiramdam ng pagdighay, kailangan mong gawin ang mga sumusunod;

  • Kumain at uminom ng dahan-dahan
  • Iwasan ang mga carbonated na inumin tulad ng beer, softdrinks at iba pa.
  • Iwasan ang chewing gum at magbabad ng candy sa bibig
  • Patingnan ang ngipin. Kung maayos ang mga ngipin ay mangunguyang mabuti ang pagkain
  • Mag ehersisyo ng regular
  • Gamutin ang hyperacidity (acidic) at heartburn
  • Iwasan ang paninigarilyo

Ang gas sa small intestine o kaya ay colon ay dahilan sa mga hindi gaanong natunaw na pagkain, gaya ng fiber o carbohydrates at mga bacteria sa loob ng colon.

Ang mga sanhi ng hangin sa small intestine o kaya colon;

  • Pagkain na naiwan sa colon o small intestine
  • Pagkakaroon ng bakterya sa colon
  • Mahinang pag absorb ng carbohydrate
  • Constipation
  • Mahinang panunaw dahil sa mga sakit na lactose o kaya fructose intolerance o celiac disease

Para maiwasan ito ay huwag kumain ng mga pagkain na pwedeng pagmulan ng hangin sa sikmura tulad ng mga sumusunod:

  • Beans at peas
  • Repolyo
  • Sibuyas
  • Broccoli
  • Cauliflower
  • Kabuti o mashooms
  • Mga pagkain o inumin na carbonated, softdrinks, beer at iba pa.

Ang mga tinalakay natin ay mga dahilan at mga dapat gawin upang maiwasan ang labis na pagdighay. Paano naman kung dighay ka ng dighay at hipap huminga? Ngayon naman ay pag-usapan natin ang gamot sa dighay ng dighay at hirap huminga.

Sanhi ng hirap huminga dahil sa madalas na pagdighay

Ang isa sa mga dahilan ng kahirapan sa paghinga ay ang pagiging acidic o kaya ay gastroespogeal relux disease o GERD. Ang GERD ay iniuugnay din sa hirap huminga gaya ng bronchospasm at aspiration. Ang ganitong kondisyon ay maaaring mauwi sa mga malubhang mga komplekasyon.

Ang hirap huminga dahil sa pagiging acidic ay tinatawag ding dyspnea. Nangyayari ito kapag ang acid ay gumapang pataas patungo sa esophagus at umabot na sa baga. Karaniwan ng nangyayari ito kapag natutulog sa gabi at namamaga ang daluyan ng hangin kaya hirap huminga.

Ang pagdighay ay dahil sa labis na hangin sa sikmura, ang hirap huminga naman ay dahil sa pagiging acidic o GERD. Ang pagdighay ay nagdudulot ng hindi komportableng pakiramdam, samantalang ang kahirapan sa paghinga naman ay nagdudulot ng masamang pakiramdam.

Ang pagdighay at hirap huminga ay magkaugnay, ang mga ito ay pareho nanggagaling sa digestive tract ng pasyente. Kaya naman ang pagdighay at hirap huminga kung minsan ay may mga magkaparehong mga sintomas. Dahil sa halos magkapareho naman ang mga sintomas ng mga kundisyong ito, pwede bang isa na lang ang gamot sa dighay ng dighay at hirap huminga?

Kaugnayan ng pagdighay sa hirap huminga

Para malaman kung ano ang lunas o gamot sa dighay ng dighay at hirap huminga ay alamin natin kung ano ang kaugnayan ng mga ito sa bawat isa.

Ang pagdighay ay paraan ng katawn para mailabas ang labis na hangin sa sikmura. Sa tuwing didighay tayo ang maaaring mag trigger ito ng acid reflux, o heartburn na sanhi ng hirap sa paghinga. Marami ang nag-aakala na ang pagdighay ay tumutulong upang mawala ang sintomas ng acid at heartburn. Ngunit ang katotohanan ay mas nakasasama ito. Ayon sa mga pag-aaral ang pagkakaron ng maraming hangin sa sikmura at pagdighay ay nagpapalala ng acid o heartburn.

May ilang tao na sumailalim sa fundoplication surgery, para gamutin ang GERD ang operasyong ito ay tumutulog upang maging normal ang pagdighay at pagsuka ng pasyente. Ang Gas-Bloat syndrome naman ay kusang gumagaling pagkatapos ng operasyon. Ngunit may mga pagkakataon naman na lumalala ito. Kaya naman maaaring payuhan ng doktor ang pasyente na baguhin ang mga pagkain na kinakain ng isang pasyente.

Bagamat may mga nagsasabing hindi magkaugnay ang pagdighay sa hirap huminga, may mga tao naman na nagsasabing ito ay magkaugnay. Nagpapatoo ang ilan dahil naranasn nila ito. At may mga pag-aaral na ng sasabing ang labis na hangin sa sikmura kapag lumabas o dumighay ay nagti-tigger ito na acid relux o heartburn na siya naman dahilan ng hirap huminga. Ang mga nakakaranas nito ay nagiging hindi kompotable, kaya naman gusto nilang malaman ang gamot sa dighay ng dighay at hirap huminga.

Gamot sa dighay ng dighay at hirap huminga

Una, itanong mo sa doktor ang posibleng mga dahilan kung bakit dighay ka ng dighay at nahihirapan kang huminga. Ang doktor mo ang magigigay ng mga kasagutan at tamang gamot sa dighay ng dighay at hirap huminga ayon sa mga sintomas nito. Maliban sa gamot na maaaring iriseta ng doktor ay may mga natural na lunas din para dito.

Narito ang mga lunas o natural na gamot sa dighay ng dighay at hirap huminga.

Natural na lunas sa dighay ng dighay at hirap huminga

  • Labatiba – Natural na panglinis ng bituka o colon. May mga nabibiling labatiba kit sa botika na malapit sa inyong lugar.
  • Luya at Luyang dilaw o turmeric – Haluin ang katamtamang dami ng katas nito sa isang basong tubig at saka inumin. (hindi pwede sa mga umiinon ng asperin)
  • Baking soda – Maghalo ng kaunting baking soda sa isang basong tubig para sa mawala ang pagdighay
  • Apple cider vinegar
  • Castor oil

Ang mga natural na gamot sa dighay ng dighay at hirap huminga ay maaaring subukan para gawing lunas. Mas makabubuti pa rin ang kumunsulta sa doktor para makasiguro. Ang mga masusustansyang pagkain at healthy lifestyle ang pinakamabuting paraan para maging malusog ang katawan at makaiwas sa sakit.

KATULAD NA MGA ARTIKULO