Mabisa at Ligtas na Gamot sa Dengue

  • 3
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Tag-ulan na naman! Handa ka na ba sa panahong ito? Sa tuwing dumarating ang buwan ng Hunyo hanggang Agosto at Setyembre, sunod-sunod ang bagyo. Dahil dito, napakarami nating paghananda at pag-iingat na ginagawa. Kabilang na riyan ang pagkukumpuni ng mga bubong na tumutulo, pagsa-sandbag at paglilinis ng mga kanal o drainage para makaiwas sa baha, at pagbili at pag-inom ng mga bitaminang pangontra sa sakit na sanhi ng pagkbasa sa ulan. Ngunit hindi rin dapat kalimutan ang paghahanda sa sakit na dengue. Importanteng malaman mo kung ano-ano nga ba ang mga mabisa at ligtas na gamot sa dengue. Eh, ano nga ba ang dengue?

Ang dengue ay isang uri ng karamdamang dala ng lamok. Pangkaraniwan na ito sa mga tinatawag na trokal, maging ng sub-trokal na parte ng mundo na may klimang mainit. Hindi masyadong malubhang kundisyon ng dengue na nagdudulot ng mga pantal, mataas na lagnat, at pananakit ng mga kasusasuan at kalamnan. Ang malubhang kaso ng dengue an nagdudulot ng paghina ng blood pressure, pagdurugo, at maaari ring pagkamatay. Ayon sa mga pag-aaral, milyon-milyon na ang kasong naitatala worldwide kada taon. Sa Southeast Asia, kasama na ang ating bansa, itinuring nang pangkaraniwang sakit ang dengue.

Mga sintomas ng dengue na dapat bantayan

Kung ikaw ay nahawaan ng sakit na dengue sa pamamagitan ng kagat ng lamok, may mga makikita o mararamdaman kang sintomas ng sakit makalipas ang anim na araw. Sa iba, inaabot pa ng 10 araw bago pa man kakitaan ng mga sintomas. Narito ang ilan sa mga indikasyong makikita at mararamdaman:

  • Biglaang pagkalagnat at pagtaas nito
  • Matinding pagkapagod o hapo
  • Biglang pananakit ng ulo
  • Pananakit ng mata
  • Grabeng pagsakit ng kasukasuan at kalamnan
  • Pagsusuka
  • Paglitaw ng mga pantal makalipas ang ilang araw na nilalagnat
  • Pamamasa sa katawan
  • Pagdurugo ng ilong at gilagid

May mga panahong ang mga nabanggit na sintomas ay hindi pa ganoong kalala kaya naman inaakala na ito ay trangkaso lamang. Kadalasan, ang mga bata ay nagkakaroon ng hindi kalalaang sintomas kung ikukumpara sa mga matatanda. Ngunit kung pababayaan, puwede itong maging sanhi ng mas malalang problema. Maaari itong magresulta sa tinatawag na dengue hemorrhagic fever. Ito ay di-pangkaraniwan ngunit malalang kundisyon ng mataas na mataas na lagnat at nagdudulot ng damage sa ugat na dinadaluyan ng dugo, patuloy na pagdurugo ng gilagid at ilong, at biglang pamamaga ng atay.

Puwede rin itong maging dahilan ng paghinto ng blood circulation sa katawan na puwedeng ikamatay ng isang tao. Kung ang iyong immune system ay mahina at ikaw ay dati nang nagka-degnue, mas may tsansang dapuan ka ng hemorrhagic fever. Kaya naman, dapat malaman mo kung anong nararapat na gamot sa dengue ang dapat mong inumin. May mga chemically formulated medicines na malakas at mabilis makapagpagaling ng sakit na ito. Ngunit, may mga natural remedy rin naman para mas makatipid, ngunit sadyang epektibo pa rin.

Mga dapat gawin kapag may dengue

Marami ang nababahala sa sakit na dengue. Bagama’t mas malala sa trangkaso, imbes mag-alala, sundin lamang ang mga nararapat gawin, kainin at inumin upang malunasan ang karamdaman. Makatutulong ang pag-inom ng sapat na dami ng tubig. Bago uminom, maglagay ng rocksalt or seasalt sa ilalimg ng dila. Gawin ito ng isa hanggang tatlong beses araw-araw. Sa unang beses pa lamang na maramdaman ang lagnat, mainam na i-monitor na ang tubig na naiinom. Iwasang ma-dehydrate dahil may mga pagkakataong ang ikinamamatay ng mga dengue patients ay hindi dahil sa pagbaba ng kanilang platelets kungdi ang dehydration sanhi ng sobrang taas ng lagnat.

Base sa mga pag-aaral at naging obserbasyon sa mga dengue patients, ang grabeng dehydration at plasma leakage na naidudulot sa mga pasyente ng dengue ang tunay na dapat ikabahala at bantayan ng todo, at hindi ang pagkakaroon ng mababang platelets at patuloy pang pagbaba nito. Ayon sa mga doktor, may mga pasyente kasing bumababa man ang platelets, malakas pa rin naman ang pangangatawan at hindi nanghihihina at nakahiga.

Natural na gamot sa dengue para gumaling

Bukod sa tubig na may asin at asin na inilalagay sa ilalim ng dila, mabisang gamot din ang nilagang dahon ng papaya. Isa pang alternatibo rito ay ang pag-inom ng isang kutsarng dinikdik na buto ng prutas na ito. Napag-alamang ang papaya ay may taglay na enzyme o kilala rin sa tawag na papain. It ang siyang pumpapatay sa iba’t-ibang mikrobyo gaya ng virus, parasites at bacteria. Kaya naman napaka-epektibo nito sa dengue virus at ito ay matagal nang ginagamit ng ibang bansa gaya ng Africa panlaban hindi lang sa cancer, maging sa ebola virus. Narito ang ilan pa sa mga gamot sa dengue sa natural na pamamaraan:

  • Turmeric – nilagang luyang panluto at luyang dilaw na pinaghalo – ito ay tumutulong sa immune system para patayin ang iba’t-ibang organismong masasama kagaya ng virus
  • 2 butil ng bawang – hiwain ito ng pino at inumin
  • Katas ng pinya at carrots o juice – uminom ng isang baso nito kada araw
  • Dahon ng serpentine at amplaya – ilaga at inumin ito araw-araw
  • Tanglad, dahon ng bayabas, tawa-tawa – mga pinakamabisang halamang gamot sa dengue.
  • Buto ng kalabasa – Ang sarawing buto ng gulay na ito ay napakaepektibo sa pagpatay ng mga viruses at parasites.

Dagdag pa rito, kailangan ng katawan ang sapat na nutriets. Makatutulong din kung ikaw ay maglalaga ng bulalo o laman ng baka, o kaya naman ay tinolang native na maanok, partikular nan g dibdib nito, at madalas na pag-inom ng sabaw ng mga ito. Ang oxygen at sikat ng araw ay mga natural na remedyo rin sa sakit na dengue kaya mainam na lumabas din ang pasyente para magpahangin at masikatan ng araw. Maging ang sabaw ng buko o laman nito ay mabisang pamatay sa mga nasisira at masamang organism mayroon ang katawan ng isang taong may dengue.

Kapag ikaw ay may sakit na dengue, o kaya naman ay gusto mong protektahan ang sarili at mga mahal sa buhay sa sakit na ito, importanteng maiwasan ang mga pagkain gaya ng mga matatamis, fastfood dishes, processed food, at lahat ng mga pagkaing may preservatives at hindi natura. Prutas at gulay, at ang mga nabanggit sa artikulong ito, ang mga dapat kainin at inumin upang tuluyan nang gumaling at maiwasan pa ang sakit na dengue.


  • 3
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

KATULAD NA MGA ARTIKULO

Related posts