Mga Dapat Alamin Tungkol sa Gamot sa Sore Throat

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ano ang naiisip mo sa tuwing may nagsasabi sa iyo ng, “May sore throat ako.”? Madalas, wala, hindi ba? Kung minsan nga hindi mo pa pansin kapag naririnig na dahil sa iyong akala ay pangkaraniwang sakit na lamang ito, di ba? Oo naman. Kadalasan, ang sore throat ay normal lang na raramdaman ng isang tao. Pero, hindi mo rin dapat ipagsawalang-bahala ang sakit na ito. Sa katunayan, importanteng alam mo kung an gang dapat inumin o gamiting gamot sa store throat.

Ang sore throat ay itinuturing ng ilan na karaniwan lamang. Subalit lingid sa kalaman ng mas nakararami na ang inaakala nilang ordinaryong karamdamang ay maaaring magdulot ng mga panganib sa kalusugan. Ang artilung ito ay makatutulong sa iyo para malaman kung ano ang sore throat, mga panganib nito at kung paano ito mabibigyan ng lunas.

Ang iba pang mga mahahalagang impormasyon gaya ng sumusunod ang mababasa at madidiskubre mo dito:

  • Sintomas ng sore throat
  • Sanhi ng sore throat
  • Maga komplikasyon na dulot ng sore throat
  • Mga sakit na maaaring may kaugnayan sa sore throat
  • Mga panganib na dulot ng sore throat
  • Mga remedyong pwedeng gawin
  • Mga gamot sa sore throat sa natural na paraan

Ang sore throat ay ang pangangati at pananakit ng lalamunan dahil sa pagkairita nito. Dahil dito ay nahihirapang lumunok ang taong nakakaramdam nito. Ang karaniwang sanhi ng sakit na ito ay (pharyngitis), isang viral infection gaya ng lagnat at sipon.

Mayroon ding tinatawag na (strepthoccal infection) na sanhi ng bacteria kaya naman nanganagilangan ito ng antibiotic. Ngunit ang ganitong klaseng sore throat ay bihira lamang mangyari, subalit mahabang gamutan ang kailangan dito dahil sa mga komplikasyong dulot nito.

Sintomas ng sore throat

Ang alam lang natin kapag tayo ay may sore throat, masakit at makati an gating lalamunan. Pero alam mo bang marami pang ibang sanhi ng sakit na ito? Narito ang ilan pa:

  • Masakit kapag lumulunok at nagsasalita
  • Nahihirapang lumunok
  • Sugat at pamamaga sa loob ng lalamunan at panga
  • Pamumula at pamamaga ng tonsil o ngala-ngala
  • Mga maputing bagay at nana sa tonsil o ngala-ngala
  • Pamamaos

Dahil sa infection sa lalamunan, maaaring ikaw ay makaranas rin ng mga ganitong uri ng sintomas:

  • Lagnat
  • Ubo
  • Pangangati ng ilong
  • Pagbahing
  • Pananakit ng katawan
  • Sakit ng ulo
  • Panghihina at pagsusuka

Kapag mayroong bata sa pamilyang nakaranas ng sore throat, dalhin na kaagad sa doktor. Narito ang ilang mga indikasyon para malaman kung ang mga sintomas na nakita sa bata ay mas malalang sore throat na:

  • Hirap sa paghinga
  • Hirap sa paglunok
  • Paglalaway na nagiging sanhi ng hirap sa paglunok

Ang mga ganitong sintomas ng sore throat sa mga bata ay dulot ng mga komplikasyon kaya pinakamainam talagang dalhin ito sa doktor. Maging ang mga matatanda, kapag nagkaroon ng mas malalang sintomas ng sore throat ay kailangan na ring kumonsulta sa doktor. Narito naman ang ilang mga senyales:

  • Ang sore throat ay tuloy-tuloy na nararanasan sa loob ng isang lingo o higit pa.
  • Nahihirapang huminga
  • Nahihirapang lumunok
  • Pananakit ng kasukasuan
  • Pananakit ng tainga
  • Rashes o pantal, pamumula at pangangati ng balat
  • Lagnat na mas mataas pa sa 38.3°C
  • Dugo sa laway o plema
  • Hindi gumaling-galing na sore throat
  • Bukol sa leeg
  • Pagkapaos ng mahigit sa dalawang linggo

Mga sanhi ng sore thoat

Ang mga sakit dahil sa virus ay ang karaniwang sanhi ng sore throat gaya ng sipon, lagnat at trangkaso. Kung minsan naman, ito ay dahil sa bacterial infection.

Ito ang ilan sa mga viral infections na nagiging dahilan ng pagkakaroon ng sore throat:

Ang mga sumusunod naman ang mga sanhi ng sore throat na dulot ng bacterial infection. Ang bacterial infection na karaniwang sanhi ng sore throat ay streptococcus pyogenes. Dapat mo ring bantayan ang iba pang mga sanhi ng sore throat gaya ng:

  • Allergies – dulot ng mga alikabok na nalalanghap at pagtulo o pagbaba ng mucus sa lalamunan.
  • Panunuyo ng lalamunan – dulot ng mainit na panahon o kaya pagkagising sa umaga.
  • Pagkairita ng lalamunan – dahil sa paninigariyo at polusyon.
  • Sobrang pagsigaw at pagkanta, o matagal na pagsasalita
  • Gastroesophageal Reflux Disease o GERD – tinatawag din itong acidic, kapag tumaas ang acid sa lalamunan na galing sa sikmura. Nang dahil sa pagkairita nito ay maaaring magkaroon ng bukol sa lalamunan.
  • HIV infection – ang fungal infection na tinatawag na Oral Thrus and Cytomegalovirus (CMV) karaniwan itong nangyayari sa mga tao na mahina ang katawan o immune system.
  • Tumor – ang mga cancerous tumor sa lalamunan, o kaya ay voice box (larynx) ay nagdudulot ng sore throat. Ang iba pang sintomas ay pamamaos, hirap sa paghinga, tunog kapag humihinga, bukol sa leeg, at dugo sa laway o plema.

Gamot sa sore throat

Ang gamot sa sore throat ay depende sa sanhi at sintomas nito. Kung ang sore throat ay dahil sa bacterial infection, doktor ang magbibigay ng gamot na dapat inumin. Kadalasan, antibiotics an nirereseta nito bilang panglunas. Ang gamot sa sore throat na inirerekomenda ng mga medical experts ay dpende pa rin sa sa sintomas ng sakit.

Kung ikaw ay niresetahan ng doktor ng antibiotic, dapat lang na sundin mo ang mga tagubulin at siguraduhing kumlpetohin ang pag-inom nito. Tiyakin ding tama sa oras ang pag-inom. Tandaang kapag hindi nasunod ang mga tagubilin ng doktor ukol sa antibiotics, ito ay maaaring magdulot ng panganib at iba pang mga komlpikasyon tulad ng rheumatic fever at malubhang pamamaga ng kidney lalo na sa mga bata.

Narito ang ilang mga gamot sa sore throat na mabibili over the counter.

  • Acetaminophen – ito ay mabisang gamot sa sore throat lalo na sa mga bata
  • Lozenges o kaya ay numbing spray – makatutulong din ang eucalyptus

Maliban sa mga antibiotics na maaaring ibigay ng doktor, at mabibiling gamot sa sore throat over the counter, may mga remedyong ring matatagpuan lamang sa ating kusina at o bakuran. Tinatawag din ang mga ito na natural na remedyo.

Gamot sa sore throat sa natural na paraan

  • Honey – maaaring ihalo ang honey sa tsaa. ito ay mabisang gamot sa sore throat, pati na rin sa ubo. Inumin ito sa gabi bago matulog.
  • Tubig at asin – ihalo ang kalahating kutsaritang asin sa maligamgam na tubig at saka imumog ito. Ang tubig at asin na pangmumog ay pumapatay ng mga bakterya sa lalamunan na maaaring maging sanhi ng sore throat.
  • Paminton o paminta – ito ay may menthol na tumatanggal ng mucus sa lalamunan, mayroon itong antibiotic, at tumutulong din itong pagalingin pamamaga na sanhi ng sore throat.
  • Baking soda – ang kaunting baking soda ay ihalo sa tubig at saka gawin itong pangmumog. Pumapatay din ito ng mga bakterya at fungi sa loob ng lalamunan.
  • Apple cider vinegar – mayroon itong antibiotic na nagpapagaling ng acidic at nagiging sanhi ng sore throat.
  • Bawang – ang bawang ay may allicin, isang mabisang antibiotic na nagpapagaling ng mga infection katulad ng sore throat

Ang mga banggit ay ang mga gamot sa sore throat at remedyong pwedeng gawin sa bahay at mga natural na paraan sa panggagamot. Ang isa sa mga pinakamabuting gawin ay mag-ingat at iwasang magkaroong ng mga karamdaman, lalo na sa ating mga anak dahil sa mahina pa ang kanilang mga katawan kaya madali silang mahawa at magkaroon ng sakit.


  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

KATULAD NA MGA ARTIKULO

Related posts