Halamang Gamot Para sa Sakit sa Bato

Mahilig ka ba sa maalat? Ingat, kapatid! Baka magkasakit ka sa bato. Hindi ba, ito rin kadalasan ang sinasabi ng mga matatanda sa atin sa tuwing makikita nila tayong kumakain ng mga chichiriya? Ito rin ang palagi nating sinasabi sa ating mga anak sa tuwing nagtuturo at nagpapabili sila ng chips sa grocery, hindi ba? Importanteng malaman mo kung ano ang sakit na dulot ng pagkain ng maalat, mga gamot para sa sakit sa bato, at paano maiiwasan ang sakit na ito.

May ibat-ibang uri ng sakit sa bato

Pero paano nga ba malalaman kung ano-ano ang mga ito? Hindi naman kinakailangang mabahala kapag nagkaroon ka ng sakit na ito. Natural, mag-aalala ka sa kung anong gamot ang dapat inumin at kung gaano kamahal ang panglunas na ito. Sa katunayan, puwede pa ngang hindi ka gumastos para gamutin ang sakit. Good news, dahil may mga halamang gamot para sa sakit sa bato.

Makatutulong ang artikuong ito para mas maintindihan mo ang sakit na ito, lalo na’t tatalakayin dito ang mga sumusunod:

  • Ibat-ibang uri ng sakit sa bato
  • Halamang gamot para sa sakit sa bato
  • Mga paraan para maiwasan ang sakit sa bato
  • Mga simpleng test para malaman ang sakit sa bato

Ang sakit sa bato o kidney desease ay tinatawag ding nephropathy o renal disease. May ilang uri rin ang sakit sa bato. Isa na sa karaniwang uri ay ang kidney stone. Subalit ang pangunahing panganib na maaaring magdulot ng kidney failure at fatality ay ang chronic kidney desease. Ang sakit sa bato o kidney ay maaaring acute kidney desease o chronic kidney desease.

Ang chronic kidney disease (CKD) o chronic renal desease, ay nangangahulugan ito na ang bato o kidney ay wala ng kakayahang salain at linisin ang dugo sa katawan. Nang dahil sa dahan- dahan ang dulot na pinsala nito nagiging matagal din ang gamutan nito. Kapag nangyari ito, ang kidney ay wala ng kakayahan na ilabas ang tubig at mga toxins sa katawan, at ito ay lubhang mapanganib. Maaari din itong magdulot ng mga komplekasyon katulad ng high blood preasure, ma-apektohan ang red blood cells pati na rin ang mga buto.

Ang isa pang uri ng sakit sa kidney ay ang (PKD) polysystic kidney disease (kidney cyst). Ito ay isang uri ng sakit sa kidney na ang dahilan ay ang pagkakaroon ng cyst sa kidney. Ang pagbabago ng genes ang nagiging dahilan kung bakit nagkakaroon ng polycystic kidney disease. Kaugnay nito, lumalaki rin ang sukat ng kidney dahil sa pagkakaroon ng cyst sa bato. Ang paglaki ng cyst ay maaari ding magdulot ng kidney failure sa paglipas ng panahon.

Ang renal stone o renal calculi ay tinatawag ding kidney stone. Ito ay dahil sa renal calcucus, isang solid na crystal na matatagpuan sa kidney. Ang mga mineral na nasa ihi ang pinagmumulan ng kidney stone. Karagdagan pa rito, ang hindi tamang pagkain o diet ay nagiging sanhi rin ng pagkakaroon ng kidney stone. Natutukoy ang posisyon nito sa kidney at nasasabi kung ito ay nephrolithiasis, ureterolithiasis, at bladder cystolithiasis o kaya ay dahil sa chemical compounds (calcium containing struvite, uric acid o ibang pang compounds).

Ang ilan sa mga sintomas na maaaring maramdaman ng mayroong kidney stone ay pananakit sa ibabang bahagi ng tiyan, pagsusuka, lagnat, mayroong dugo ang ihi, at nahihirapang umihi. Ang ibat-ibang uri ng sakit sa kidney ay maroon ding ibat-ibang pamamaraan ng paggamot. Kapag nakaranas ng ganitong mga sintomas ay makabubuting kumunsulta sa doktor. Mayroon din namang mga natural na paraan o halamang gamot para sa sakit sa bato o kidney. Narito ang ilan sa mga medicinal plants na angkop dito:

Sambong mabisang halamang gamot para sa sakit sa bato – ito ay sadyang epektibo dahil sa taglay nitong diuretic na may kakayahang panatilihin ang tubig sa ating katawan. Ang pag-inom ng tsaa na gawa sa sambong ay nakatutulong upang umihi ng marami para mailabas ang sobrang tubig at asin sa katawan. Nakakatulong din ito para mapababa ang blood preasure dulot ng maraming asin sa katawan.

Ang sambong tea ay aprubado ng Philippine Kidney and Transplant Institute bilang halamang gamot para sa sakit sa bato. Ang Departmert of Health ng Pilipinas ay nagrerekomenda na uminom ng mga supplements na gawa sa sambong bilang diuretic para matunaw ang kidney stone.

Paghahanda ng halamang gamot para sa sakit sa bato:

  • Hiwain nang maliliit na piraso ang sambong
  • Hugasan ng malinis na tubig
  • Maglaga ng 50 grms ng sambong sa isang litrong tubig
  • Hayaang kumulo sa loob ng 10 minuto
  • Imumin ito habang mainit o depende kung gustong palamigin

Pansit–pansitan o kung minsan ay tinatawag ding ulasimang bato – ayon sa mga pag-aaral, ang pansit –pansitan ay mayroong taglay na 5 bioactive compound na mabisang nakakagamot ng mga sakit at nakakabuti sa kalusugan. Mayroon din itong carbohydrate content at crude fiber, iron, zinc at marami pang iba.

Ang pagkain ng insaladang pansit-pansitan ay makatutulong sa mga problema sa pag-ihi dahil ito ay mabisang gamot sa uric acid na isa ring sanhi ng sakit sa bato. Kaya naman ang pansit-pansitan ay isa rin sa mga halamang gamot para sa sakit sa bato. Ito ay panglunas din mga sakit na nakukuha dahil sa mataas na uric acid gaya ng pananakit ng kasukasuan at pamamaga tulad ng rayuma.

Banaba – ang ibat-ibang bahagi ng halamang gamot na banaba ay maraming mga sustansya at kemikal na maaaring makuha na makabubuti sa kalusugan. Ang mataas na lebel ng tannin sa bunga, dahon at balat nito ay maaaring magpagaling ng mga karamdaman. Matatagpuan din sa halamang gamot na banaba ang phenolic compounds, flavoniods at saponins. Bukod pa dito ay maroon din itong corolosic acid, ellgitannin, lagerstromin, at gallotannin.

Ang pinakuluang dahon at ugat ng banaba ay tumulong upang umihi ang mga pasyenteng hirap umihi, dahil sa epekto ng diuretic na taglay ng halamang gamot na banaba. Kaya naman ang banaba ay itinuturing ding halamang gamot para sa sakit sa bato.

Bagamat mayroong mga halamang gamot para sa sakit sa bato, makabubuti pa rin ang kumonsulta sa doktor. Ang sakit sa bato ay isa rin sa mga mapanganib na sakit na kapag hindi naagapan ay maaaring maging sanhi ng kamatayan. Nang dahil dito ay makabubuting alamin kung paano ito maiiwasan.

Paano maiiwasan ang sakit sa bato?

Alam mo bang hindi lamang ang maaalat na pagkain ang maaaring makapagdala sa iyo ng sakit sa bato? Maaging ang matatamis o carbonated drinks, ang mataas na uric acid, mataas na blood preasure, at diabetes ay maaari ring magresutla sa sakit sa bato. Ang pag-iwas sa pagkain ng maalat at matatamis na pagkain ay makatutulog din upang huwag magkaroon ng sakit sa bato. Iwasan ding magkaroon ng sakit na diabetes at mataas na blood pressure para makaiwas sa sakit sa bato.

May mga simpleng paraan o test naman na maaaring maisagawa upang matukoy ang sakit sa bato.

  • Urine test – Ito ang pinaka-karaniwan at simlpeng paraan para malaman kung mayroong sakit sa bato. Sa pamamagitan nito ay malalaman ang (ACR) o albumin creatinin raio at protein na makikita sa ihi.
  • Blood test – ang (GFR) o glomerular filtration rate ang pinakamabisang paraan upang matukoy kung mayroong sakit sa bato. Malalaman din dito kung ang kidney ay gumagana pa ng maayos upang linisin at salain ang mga toxin sa katawan.

Ang tamang kaalaman tungkol sa kung ano ang sakit sa bato at maaaring maging sanhi nito ay makabubuti rin upang maiwasan ang pagkakaroon ng sakit na ito. Ngayon, alam mo na rin na magkaroon ka man ng sakit sa bato, hindi ka dapat mabahala lalo na sa posibleng gastos ng gamutan. Ito ay dahil alam mo na ring, maaari ring maging libre ang panglunas sa karamdamang ito sa pamamagitan ng mga halamang gamot para sa sakit sa bato. Ngunit mas makabubuti pa rin ang pagkonsulta sa doktor upang mabigyan ng sapat na lunas ang sakit.

KATULAD NA MGA ARTIKULO