Pamamanhid ng Ulo: Mga Sanhi at Kung Paano Ito Maiiwasan

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Madalas ka bang makaramdm ng pamamanhid ng ulo? Huwag balewalain ito at kumonsulta na kaagad sa doktor. Maaaring hindi yan karaniwang sakit sa ulo lamang. Maraming puwedeng maging dahilan kung bakit namamanhid ang iyong ulo. Bago pa man maranasan ito, mainam na alam mo na ang posibleng mga nagiging sanhi , paano ito malulunasan, at paano rin maiiwasan. Bagamat nangangapal o namamanhid na parang wala nang pakiramdam ang ulo, ito ay maaari pa ring ituring na ‘masakit na ulo.’ Kaya naman importanteng alam mo rin ang iba’t-ibang pinanggagalingan ng karamdamang ito.

Mga sanhi ng sakit at pamamanhid ng ulo

Kung may nararamdaman kang pamamanghid ng ulo, maaaring ikaw ay may migraine, may mataas na blood pressure or BP, o kaya naman ay nag-uumpisa nang atakihin ng sakit na stroke. Narito ang ilan sa mga posibling rason kung bakit namamanhid ang iyong ulo:

  • Stress – Maaaring sobra ang pag-iisip mo sa trabaho o kaya naman mga isyung may kinalamang sa iyo.
  • Sobra sa caffeine – Marahil ay malakas kang uminom ng kape. Kung pumipintig-pintig na ang nananakit mong ulo pagkatapos magpalipas ng ilang oras na walang kape, maaaring addicted ka na sa caffeine na isang uri ng droga. May posibilidad na ikaw ay nakararanas na ng withdrawal.
  • Hirap sa pagtunaw ng kinain – Kapag nakaramdam ka ng kirot sa may sentido, sa mga mata at noo, palatandaan na ito na mayroon kang maling kinain o di kaya naman, ikaw ay hindi kumain. Tama ang nabasa mo, ng gutom ay nagiging sanhi rin ng pananakit at pamamanhid ng ulo.
  • Sobra sa pag-inom ng alkohol – Kung naparami ang inom mo ng alak, malaki ang posibilidad na paggising mo sa umaga, may mararamdaman kang kaunting pamamanhid at sakit ng ulo.

Mga lunas at pag-iwas

Kung nag-uumpisa pa lamang ang ganitong pakiramdam, huwag mag-alala. May mga paraan kung paano maiiwasan ang mga ito. Kung ikaw ay stressed, piliting mag-relax at huwag masyadong isipin ang mga bagay na nakapagdudulot ng stress sa iyo. Subukan mong mag-yoga. Ang ehersisyong ito ay garantisadong makatutulong sa iyo pra makapag-relax. Kung ang pamamanhid ng ulo ay nanggagaling naman sa addiction sa caffeine, mainam na bawasan na ang pag-inom ng kape o di kaya naman ay tuluyan nang tigilan ang pag-inom nito.

Nananakit at namamanhid ba ang ulo mo nang dahil sa isyu sa panunaw? Kailangang baguhin ang iyong diyeta. Mainam na kumonsulta na sa isang doktor upang malaman ang mga dapat at hindi dapat kainin at inumin. Kung malakas kang uminom ng alcoholic beverage, mainam na bawasan o tuluyan nang itigal ang pag-inom nito. Marami pang maaaring gawin para maiwasan ang ganitong karamdaman. O kaya naman, kapag biglang naramdaman ang pamamanhid at pananakit, makatutulong ang hot shower.

Mainam na paraan ito para mapakalma ang mga tinatawag na tensiyonadong muscles na nagiging sanhi madalas, ng sakit ng ulo. Hayaan mo lang na dumampi sa katawan mo ang maligamgam o mainit-init na tubig at sikapin mong mag-relax. Makatutulong kung pansamantala mo munang kakalimutan ang pag-iisip dahil makakadagdag lang ito sa iyong nararamdaman. Ang pinakamabuti sa lahat, kumonsulta muna sa Doktor upang malaman kung ano talaga ang mga dapat at hindi dapat gawin para malunasan at maiwasan na ang sakit na ito.


  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

KATULAD NA MGA ARTIKULO

Related posts