Mga Epektibong Gamot sa Sakit ng Tiyan

Ang sakit ng tiyan, kadalasan, ay pangkaraniwan nalang para sa atin. Kapag nakakaramdam tayo nito, iniisip nalang nating, lilipas din kaya hinahayaan nalang ang pakiramdam. Dahil dito, hindi tayo nakaiisip na uminom ng gamot sa sakit ng tiyan. Ngunit kung minsan ang sakit na ito ang nagiging dahilan ng mga malalang karamdaman. Ang artikulong ito ay naglalaman ng mga impormasyon tulad ng:

  • Ibat-ibang uri ng sakit ng tiyan
  • Mga dahilan ng sakit ng tiyan
  • Mga sintomas at mga maaaring dahilan nito
  • Mga gamot sa sakit ng tiyan sa natural na paraan
  • Mga kondisyon o sakit na maaaring maging dahilan ng pananakit ng tiyan

May iba’t-ibang uri ang sakit ng tiyan. Minsan ito ay dahil sa kabag, paghilab ng tiyan, hindi natunawan, at marami pang iba. May mga ibang sakit o kondisyon ding nagdudulot ng karamdamang ito.

Mga kadalasang sanhi ng sakit ng tiyan at mga sintomas nito

Narito ang ilang uri at sanhi ng sakit ng tiyan:

  • Food Poisoning o pagkasira ng tiyan – Dahil sa pagkaing kinain dahil nakontamina ito ng bacteria, virus, o parasites
  • Viral gastroenteritis – Dahil ito sa virus na kung saan ay nagdudulot ng pamamaga sa loob ng tiyan, ang sakit na ito ay kadalasang nararanasan ng mga bata hindi lamang sa Pilipinas, Maging sa ibang panig ng mundo.
  • IBS o inflammatory bowel disease – Ito ay katulad din ng iba pang uri ng sakit na dulot ng hirap sa pagdumi. Ang ganitong uri na sakit ay maliit naman ang tsansa na mauwi sa gastrointestinal cancer subalit nagdudulot din ito ng sakit ng tiyan.
  • UTI o urinary tract infection – Ang UTI ay maraming sintomas at isa na rito ang pananakit ng tiyan
  • GERD o acid reflux – Marami sa mga taong nakakaranas nito maliban sa sakit ng tiyan ay nakadarama rin ng heartburn o pananakit at mainit na pakiramdam sa dibdib.
  • Appendicitis – Ang madalas na makaranas ng ganitong sakit ay mga 10-30 taong gulang. mas madalas itong mangyari sa kalalakihan kaysa kababaihan. Ang appendicitis kapag napabayaan ay maaaring maging sanhi ng kamatayan dahil sa infection na dulot nito.
  • Dyspepsia o hindi natunawan – Maliban sa sakit ng tiyan ay pwede ring makaranas ng kabag, pagsusuka at pagtatae ang taong hindi natunawan. Kung minsan ang dyspepsia ay dahilan din sa mga ibang sakit o kondisyon.
  • Allergy o hindi hiyang sa pagkain – Ang mga taong mahina ang immune system ay madalas na magkaroon ng allergy o hindi hiyang sa pagkain. Dahil dito, sumasakit ang tiyan kapag nakakakain ng pagkaing hindi hiyang.
  • PMS (premenstrual syndrome) – Halos 80% na mga babaeng may regla ay sumaskit ang tiyan. Madalas, ito ay nararamdaman 5-11 na araw bago datnan ng regla.
  • Bato sa apdo – Ang panunahing dahilan ng pagkakaroon ng bato sa apdo ay ang sobrang cholesterol o kaya ay 80%, samamtalang ang 20% naman ay dahil sa calcium, asin at bilirubin.
  • Endometriosis – Dahilan ito sa tissue sa lining ng matris na kung saan tumubo sa labas ng uretine cavity ito ay tinatawag na endometrium. Dahil dito, kaya nagdudulot din ng sakit ng tiyan.
  • Fibroids – Ito ay maaaring tumubo sa matris ng isang babae kung saan hindi lamang pananakit ng tiyan ang mararamdaman kundi pati na rin ang kabag, pananakit ng balakang at kung minsan ay pagdurugo.
  • Lactose intolerance – o kawalan ng kakayahan ng bituka na gumawa ng enzyme lactase para tunawin ang lactose o mga asukal na galing sa pagkaing kinain. Ang mga iba pang puwedeng maramdaman ng may ganitong kondisyon ay kabag, pagsusuka at pagtatae.
  • Pagkalaglag ng sanggol sa sinapupunan – ito ay nagdudulot din ng sakit ng tiyan. maliban dito, maaari ring makaranas ng emosyonal na kondisyon ang mga babae na nakunan o nalaglag ang kanilang sanggol.
  • Peptic ulcer – ito ay nagdudulot ng sakit ng tiyan dahil sa sugat na nasa lining ng tiyan,esophagus at bituka.

Ang mga nabanggit ay mga daihan kung bakit sumasakit ang tiyan. Maraming ibat-ibang uri ang sakit na puwedeng maging dahilan ng sakit sa tiyan. Kaya para malaman kung bakit sumsasakit ito, makabubuting kumonsulta at magpasuri sa doktor para mabigyan ng tamang gamot sa sakit ng tiyan.

Sa mga ganitong pakiramdam na karaniwan, may mga remedyo at gamot sa sakit ng tiyan na maaaring mahanap sa kusina at kapaligiran. Ang karaniwang karamdaman na ito ay madali lamang mawala kapag uminom ng mga gamot sa sakit ng tiyan at iba pang paraan. Subalit kung sa kabila ng mga gamot na ininom ay hindi pa rin mawala-wala ang sakit, kailangan nang umunta sa doktor para sa karampatang lunas.

Gamot sa sakit ng tiyan at mga remedyong puwedeng gawin

  • Baking soda – ito ay may sodium hydrogen carbonate, bicarbonate, at sodium bicarbonate na kilalang antacid na nagpapagaling sa sakit ng tiyan at heartburn
  • Mainit na tubig – idampi sa tiyan ang mainit na tubig na nasa bote nang mapaginhawa nito ang sakit ng pakiramdam at makatulong sa pagpapabilis ng pagtunaw ng kinain. Ang paraang ito ay epektibong gamot sa sakit ng tiyan.
  • Oatmeal – ito ay gamot sa sakit ng tiyan dulot ng hirap sa pagdumi. Ito ay mayroon ding soluble at insoluble fiber para maging balanse ang cholesterol at blood sugar level. Mabisa din itong paraan para bumaba ang timbang. Maliban dito ay maraming pang ibang benepisyong dulot ang oatmeal.
  • Mansanas – ang mansanas ay maituturing ding gamot sa sakit ng tiyan dahil sa taglay nitong fiber at benepisyong dulot sa digestive system.
  • Saging – ang araw-araw na pagkain ng saging ay malaking tulong upang maiwasan ang sakit ng tiyan.
  • Luya – ang luya ay may taglay na anti-inflammatory property kaya naman tumutulong ito upang mawala ang pamamaga na nagiging dahilan ng pananakit ng tiyan

Ang mga natural na paraang ito at gamot sa sakit ng tiyan ay para lamang sa pang-karaniwang sakit na nararamdaman. Kapag malubha ang sakit, kailangan nang magpatingin at magpasuri sa doktor upang mabigyan ng angkop na gamot na batay sa sintomas na nararamdaman. Mahalaga sa lahat ang tamang pangangalaga sa katawan upang maiwasan ang sakit ng tiyan o kahit na ano pang karamdaman.

KATULAD NA MGA ARTIKULO