Obesity, Sanhi ng Ovarian Cyst?

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Mayroong epidemya ng matinding obesity dito sa atin sa Pilipinas. Kaalinsunod nito, tumataas din ang kaso ng mayroong ovarian cyst at maging ng ovarian cancer. Ang mga babaeng nagkaroon ng ovarian cyst pagkatapos ng menopause ay mas mataas ang posibilidad na magkaroon din ng ovarian cancer. Ito’y dahil sa mataas na dami ng “bad estrogen” na estradiol. Bagama’t ang kabuuang levels ng lahat ng estrogen ay mababa, kung ang balanse ng “good” (estriol) at bad estrogen ay hindi tama, maapektuhan pa rin ito.

Mayroon bang koneksiyon ang pagiging overweight sa pagkakaroon ng ovarian cyst? Nai-impluwensiyahan ba ng obesity ang katawan para makabuo ng ovarian cyst o para lalong mapalala ito? Simple lang ang sagot sa dalawang tanong na ito? Oo.

Ano ang Ovarian Cyst?

Ang ovarian cyst ay nabubuo kapag may nakapasok na fluid sa manipis na membrane sa loob ng obaryo. Ito’y maaring kasing-liit lamang ng gisantes o kaya’y kasing-laki ng isang orange.

Ang cyst ay isang closed sac-like structure. Hinihiwalay ito ng isang membrane mula sa mga katabi nitong mga tissue. Ang cyst ay isang abnormal pocket of fluid, katulad ng makikita sa blister o paltos. Maaring naglalaman ito ng liquid, gaseous, o semi-solid na material. Ang labas o capsule portion ng cyst ay tinatawag na cyst wall.

Ang cyst ay iba mula sa abscess dahil wala itong laman na pus.

Karamihan sa mga ovarian cysts ay maliliit at walang dalang panganib. Madalas lumalabas ito sa panahon ng reproductive years ngunit, maari rin sa anumang edad.

Sintomas ng Ovarian Cyst

Madalas, walang signs o sintomas na makikita ngunit, ang ovarian cyst ay minsang nagdudulot ng pananakit at pagdurugo. Kung ang diameter ng cyst ay higit sa 5 sentimetro, kailangan operahan ito para matanggal.

Ang mga sumusunod ay maaring sintomas ng ovarian cyst:

  • Irregular at masakit na regla/menstruation: Maaring mas mabigat o mas magaan kumpara sa mga nakaraang dalaw.
  • Pananakit ng pelvis: Maari itong paulit-ulit na pananakit na kumakalat mula sa likod hanggang sa hita. Maaring akalain na dulot lamang ito ng regla ngunit, kung mas nagiging madalas ito, maaring ito’y sintomas na ng ovarian cyst.
  • Dyspareunia: Ito’y isang pelvic pain na nararamdaman kapag nakikipagtalik. Ang ilang kababaihan ay maaring makaramdam ng sakit at discomfort sa tiyan pagkatapos makipagtalik.
  • Problema sa pagdumi: Nakakaramdam ng pananakit tuwing naglalabas ng dumi.
  • Problema sa tiyan: Maaring makaramdam ng bloating, pamamaga, at pamimigat ng tiyan.
  • Problema sa pag-ihi: Ang isang babae ay maaring makaramdam ng problema tuwing siya’y iihi o hindi kaya’y nararamdaman niya na kailangan niya laging umihi.
  • Hormonal abnormalities: Bagama’t bihira mangyari, ang katawan ay naglalabas ng abnormal na dami ng hormones na nakakaapekto kung paano lumaki ang dibdib at ibang buhok sa katawan.

Noon, inakalang simpleng grease build-up lamang sa ating balat ang taba. Sa ibang salita, ang fat ay taba lamang na nagpapa-pangit sa isang tao at wala ng iba. Ngayon, dahil malaki na ang pag-unlad sa agham at siyensa, mas marami na rin ang nalalaman tungkol sa fat. Ang adipose tissue (fat) ay itinuturing na isang organ o functional tissue. Sa simpleng salita, ang fat ay maraming function at gumagawa ito ng iba’t ibang kemikal na nakakaapekto sa katawan sa maraming paraan.

Isang halimbawa nito ay ang mga taong diabetic na nagkakaroon ng fatty liver. Ang fatty liver ay maaring magdulot ng cirrhosis ng liver at kung minsan ay liver cancer. Bakit? Dahil ang mga fatty tissue ay naglalabas ng kemikals na sanhi ng pamamaga. Ang madalas na pamamaga ay nakakasira sa mga tissue (cirrhosis) na maaring magdulot ng cancer.

Ang Fatty tissue rin ay kilala na gumagawa ng iba’t ibang hormones lalo na ng estrogen. Ang labis na fatty tissue ay naglalabas ng hormones na nakakaapekto sa ovarian cysts, fibroids, fibrocystic diseases, endometriosis, at iba pa.

Isa pang mahalaga na koneksiyon ng obesity at ovarian cyst ay ang gawi sa pagkain at lifestyle.
Ang mga taong overweight ay madalas may iba pang factors na nakakaapekto sa ovarian cysts.

Kaya sa pamamagitan ng pag-iwas sa unhealthy lifestyle na nagdudulot ng matinding katabaan, maiiwasan din magkaroon ng ovarian cyst. Ang mga gawi na dapat iwasan ay:

  • Kawalan ng ehersisyo
  • Pagkain na maraming calories
  • Pagkain na mababa sa fiber
  • Hindi pagkain ng prutas at gulay lalo na ng gulay na bibilang sa cabbage family

Ang kawalan ng ehersisyo at mababang fiber sa kinakain ay nakakataas ng estrogen levels. Ang mga prutas at gulay ay nakakatulong para mapigilan ang labis na estrogen sa ovaries. Broccoli, Cabbage, Cauliflower, at Brussel sprouts ang mga pangunahing inererekomenda na gulay dahil mataas din sila sa fibers at nutrients.

Ang pagdaragdag din ng 2 tablespoon ng ground flaxseeds sa kinakain ay makakatulong para mabalanse ang hormonal system ng katawan.

Konklusyon: Ang pagpapanatili ng tama na timbang at pag-iwas sa unhealthy lifestyle ay labis na nakakatulong para maiwasan at magamot ang ovarian cysts.


  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

KATULAD NA MGA ARTIKULO

Related posts