Mura at Epektibong Mga Gamot sa Arthritis

Ang arthritis o rayuma ay klase ng isang sakit kung saan namamaga ang mga kasusuan. Ang pamamagang ito ay sanhi ng kakulangan sa kakayahan na maiunat o mabaluktot ang naninigas na parte ng katawan. Maraming iba’t-ibang uri ng rayuma. Mayroong nararamdaman sa paa, tuhod, kamay at iba pang parte ng katawan. Ano mang parte ng katawan ang sumasakit, tiyak na may gamot sa arthritis na aangkop sa partikular na kundisyon.

Ang arthritis ay puwedeng dumapo sa kahit sino, babae man o lalaki. Kanino man ito dumapo, ano mang edad, pare-pareho lang ang mga ipinagbabawal pagdating sa pagkain. Ilan na rito ang munggo, mani, at gulay na may beans sa mga pangunahing ipinagbabawal kainin sa mga taong may arthritis. Marami pang dapat malaman sa sakit na ito. Ano nga ba ang sanhi nito? At, ano-ano naman ang mga mabibisang gamot na maaaring inumin o ipahid.

Lingid sa kaalaman ng nakararami na ang arthritis ay maaaring kakabit din ng pagiging marumi ng colon ng isang tao. O di kaya, ito rin ay nagiging dahilan ng pagka-overweight. Ano man ang dahilan ng pagkakaroon ng rayuma, tiyak na ito ay malulunasan. Malalaman sa artikulong ito, ang mga mainam na gamot sa arthritis. Alin mang parte ng katawan mo ang apektado, tiyak na magagamot ng magiging new discovery mo.

Para malaman kung may arthritis ka, uunahing tingnan ng doktor ang mga posibleng sintomas na nararamdaman mo. Kasunod nito, karaniwan ding nagssagawa ng isang physical exam upang matukoy kung ikaw ay may namamagang kasukasuan sa katawan mo. Maaaari ka ring i-x-ray at gawang ng blood test upang malamang ang uri ng arthritis na mayroon ka. Madalas, ang x-ray ay ginagawa para matukoy kung ikaw ay may osteoarthritis. Samantalang ang blood test naman ay upang malaman kung ikaw ay may rheumatoid arthritis.

Sanhi ng arthritis

Bago mo subukan ang ano mang sa palagay mo’y mabisang gamot, mahalagang malaman mo muna kung bakit ka nagka-arthritis. Kadalasan, ang sakit na ito ay dumadapo sa mga may edad na. Karagdagan pa nito, dapat ding alam mong may iba’t-ibang klase ng arthritis. Ang mga pinaka-karaniwan dito ay arthritis sa tuhod at arthritis sa kamay.

Kadalasan, ang arthritis ay tinatawag ding ‘gout’. Kapag nakaranas ng matinding pamamaga at sobrang sakit ng kasu-kasuan ng mga tuhod, kamay, at daliri ng mga paa, ito ay gout. Ngunit hindi malalamang rayuma nga ang sakit kung hindi magpapatingin sa doktor. Kailangang masuri ang uric acid sa pamamagitan ng blood test. Kapag na-kumpirma nang rayuma nga ang sakit, malalaman na kung ano ang gamot sa rayuma ang maaari subukan. Dalawa ang pangunahing pinagkukunan o source ng arthritis: namamana sa matatanda sa pamilya at maling pamamaraan ng pagkain.

Ang arthritis ay maaaaring namana sa mga nakatatanda sa pamilya. Ibig sabihin, maaaring nasa lahi ang sakit na rayuma sa tuhod o rayuma sa kamay. Pangalawa, puwedeng sa pagkain ito nakukuha. Maaaring malakas sa mga pagkaing mataas sa uric acid. Alam mo ba kung ano-ano ang mga ito? Kabilang ang gulay gaya ng mushroom and spinach, asparagus at cauliflower. Napatunayan ngang mataas sa uric acid ang mga ito.

Walang dudang masustansiya nga ang gulay. Ngunit para sa mga taong naghahanap ng gamot sa arthritis sa kamay at tuhod, hindi ang mga nabanggit ang tamang pagkain. Kung ang kanin ay nangunguna sa mga iniiwasan ng mga nagpapapayat, ito naman ang puwedeng kainin ng mga may arthritis. Subalit kailangang magbawas sa cereals at oatmeal kung mahilig ka rito.

Narito ang mga pagkaing maaari ring naging dahilan ng pagkakaroon ng arthritis o gout ng isang tao:

  • Mga lamangloob gaya ng utak, atay, bituka
  • Sisig
  • Sardinas
  • Beans
  • Dilis
  • Bagoong
  • Mani (lahat ng klase)
  • Patis
  • Gravy

Ano ang mabisang gamot sa arthritis?

Ano mang klase ng arthritis mayroon ka, alam mo na ngayon kung bakit ka nagkaroon ng ganiyang sakit. Ngayon, oras na para matuklasan ang mga mabisang gamot sa rayuma. May mga taong mas pinipili ang nireseta ng doktor dahil sa bilis ng epekto nito sa kanilang katawan. Sila ay umiinom araw-araw ng gamot sa arthritis na tablet at kung minsan ay 2 hanggang 3 beses pa nila itong iniinom.

Base sa pag-aaral, ang mabisang gamot sa arthritis sa kamay o tuhod ay kadalasang kombinasyon ng pag-inom ng tablet, pagwo-workout at change of lifestyle. Kung ikaw naman ay may budget sa pagpapagamot, maaari mo itong umpisahan sa therapy session kasama ang physical therapist. Kadalasan, kinapapalooban ng iba’t-ibang ehersisyo para magamot ang arthritis.

May mga tao namang acupuncture ang gusto para sa mabisang gamot sa arthritis. Marami na ang nakapagpatunay na ang remedyong ito ay nakapagdudulot ng ginhawa sa makirot na pakiramdam. Ang pagpapapayat ay mainam ding gamot sa arthritis. Paano nga ba papayat nang hindi masyadong mag-e-ehersisyo? Kung minsan, ang paggalaw ng sobra ay mas lalo pang nakakapag-trigger ng sakit. Kaya naman mayroong rekomendadong inumin para mabawasan ang timbang.

Natural na remedy sa arthritis

Kung ayaw uminom ng gamot sa arthritis, may natural na lunas na puwedeng subukan. Mainam at mabisang gamot sa arthritis ang luyang dilaw o turmeric. Ito ay may isang aktibong anti-arthritic properties na garantisadong nakapagpapagaling ng rayuma.

Magagamit ang luyang dilaw sa pamamagitan pagpapakulo ng isang litrong tubig.Maglagay ng isang kutsarang turmeric powder sa kumukulong tubig. Palamigin ito at inumin ng 1-2 beses kada araw. Maaari ring ihalo ang pulbos ng luyang ito sa mga nilulutong ulam para sa additional benefits sa iyong kalusugan. Isa pang napakabisang gamot sa rayuma, mapa sa tuhod man iyan o sa kamay, ang bawang. Mas magiging mabisa ito kung kakain nang hilaw 1 hanggang 2 cloves kasa araw.

Madalaing pag-iwas sa pagkakaroon ng arthritis

Napakahalaga ng pag-iwas sa arthritis sa mabisang paggamot ng mga sintomas nito. Kailangan ng malalim na pag-unawa sa pagkakaroon ng masiglang buhay na nararapat sundin sa napakahabang panahon para tuluyang nang makaiwas sa karamdamang ito. Bagama’t walang siguradong pamamaraan upang makawas sa iba pang uri ng arthritis, puwede mong pababain ang tsansang magkaroon nito sa pamamagitan ng:

  • Pagkakaroon ng tamang tindig – ito ay mahalaga lalo na kung ikaw ay madalas na nakaupo
  • Regular na pag-e-exercise – 30 minuto araw-araw na ehersisyo ay malaking tulong na upang makaiwas na sa arthritis
  • Tamang pagkin – mainam na iwasan ang mg naturang pagkain sa artikulong ito

KATULAD NA MGA ARTIKULO