Mga Gamot sa Rayuma na Ligtas Gamitin

Ang rayuma ay uri ng isang sakit kung saan namamaga ang mga kasusuan. Ang pamamagang ito ay sanhi ng kakulangan sa kakayahan na maiunat o mabaluktot ang naninigas na parte ng katawan. Maraming iba’t-ibang uri ng rayuma. Mayroong nararamdaman sa paa, tuhod, kamay at iba pang parte ng katawan. Ano mang parte ng katawan ang sumasakit, tiyak na may gamot sa rayuma na aangkop sa partikular na kundisyon.

Ang rayuma ay maaaring dumapo sa lalaki o babae. Kanino man ito dumapo, ano mange dad, pare-pareho lang ang mga ipinagbabawal pagdating sa pagkain. Nandiyan ang munggo, mani, at gulay na may beans sa mga pangunahing ipinagbabawal kainin sa mga taong may rayuma. Marami pang dapat malaman sa sakit na ito. Saan nga ba nanggagaling ito? At, ano-ano ang mga mabisang gamot na puwedeng inumin o ipahid.

Marami ang hindi nakakaalam na ang rayuma ay maaaring kakabit din ng pagiging marumi ng colon ng isang tao. O di kaya, ito rin ay nagiging sanhi ng pagka-overweight. Ano man ang dahilan ng pagkakaroon ng rayuma, tiyak na ito ay malulunasan. Sa huling bahagi ng artikulong ito, madidiskubre mo ang napakainan na gamot sa rayuma. Alin mang parte ng katawan mo ang apektado, tiyak na magagamot ng magiging new discovery mo.

Sanhi ng rayuma

Bago mo subukan ang ano mang sa palagay mo’y mabisang gamot, mahalagang malaman mo muna kung bakit ka nagka-rayuma. Kadalasan, ang sakit na ito ay dumadapo sa mga may edad na. Karagdagan pa nito, dapat ding alam mong may iba’t-ibang klase ng rayuma. Ang mga pinaka-karaniwan dito ay rayuma sa tuhod at rayuma sa kamay.

Sa karamihan, ang arthritis ay tinatawag ding ‘gout’. Kapag nakaranas ng grabeng pamamaga at sobrang sakit ng kasu-kasuan ng mga tuhod, kamay, at daliri ng mga paa, ito ay gout. Ngunit hindi malalamang rayuma nga ang sakit kung hindi magpapatingin sa doktor. Kailangang masuri ang uric acid sa pamamagitan ng blod test. Kapag na-kumpirma nang rayuma nga ang sakit, malalaman na kung ano ang gamot sa rayuma ang maaari subukan. May dalawang pangunahing pinagkukunan o source ng rayuma.

Una, ito ay maaaring namana sa mga nakatatanda sa pamilya. Ibig sabihin, maaaring nasa lahi ang sakit na rayuma sa tuhod o rayuma sa kamay. Pangalawa, puwedeng sa pagkain ito nakukuha. Maaaring malakas sa mga pagkaing mataas sa uric acid. Ngunit, alam mo ba kung ano-ano ang mga ito? Kabilang ang gulay gaya ng mushroom and spinach, asparagus at cauliflower. Napatunayan ngang mataas sa uric acid ang mga ito.

Oo nga’t masustansiya ang gulay. Pero sa mga taong naghahanap ng gamot sa rayuma sa kamay at tuhod, hindi ang mga nabanggit ang tamang pagkain. Kung ang kanin ay nangunguna sa mga iniiwasan ng mga nagpapapayat, ito naman ang puwedeng kainin ng mga may rayuma. Kaya lang, kailangang magbawas sa cereals at oatmeal kung mahilig ka rito.

Ang mga sumusunod na pagkain ay maaari ring naging sanhi ng pagkakaroon mo ng rayuma o gout:

  • Mga lamangloob gaya ng utak, atay, bituka
  • Sisig
  • Sardinas
  • Beans
  • Dilis
  • Bagoong
  • Mani (lahat ng klase)
  • Patis
  • Gravy

Paano malulunasan ang rayuma?

Ano mang klase ng rayua mayroon ka, alam mo na ngayon kung bakit ka nagkaroon ng ganiyang sakit. Ngayon, oras na para matuklasan ang mga mabisang gamot sa rayuma. May mga taong mas pinipili ang nireseta ng doktor dahil sa bilis ng epekto nito sa kanilang katawan. Sila ay umiinom araw-araw ng gamot sa rayuma na tablet at kung minsan ay 2 hanggang 3 beses pa nila itong iniinom.

Ayong sa mga eksperto, ang epektibong gamot sa rayuma sa kamay o tuhod ay kadalasang kombinasyon ng pag-inom ng tablet, pagwo-workout at change of lifestyle. Kung may budget ka naman sa pagpapagamot, maaari mo itong umpisahan sa therapy session kasama ang physical therapist. Kadalasan, kinapapalooban ng iba’t-ibang ehersisyo para magamot ang rayuma.

May mgaindibidwal naman na sumasailalim sa acupuncture para sa mabisang gamot sa rayuma. Marami na ang nakapagpatunay na ang remedyong ito ay nakapagdudulot ng ginhawa sa makirot na pakiramdam. Ang pagpapapayat ay mainam ding gamot sa rayuma. Paano nga ba papayat nang hindi masyadong mag-e-ehersisyo? Kung minsan, ang paggalaw ng sobra ay mas lalo pang nakakapag-trigger ng sakit. Kaya naman mayroong rekomendadong inumin para mabawasan ang timbang.

Mga natural na gamot sa rayuma

Kung ayaw uminom ng gamot sa rayuma na tablet, may natural na lunas na puwedeng subukan. Mainam at mabisang gamot sa rayuma ang luyang dilaw o turmeric. Ito ay may isang aktibong anti-arthritic properties na garantisadong nakapagpapagaling ng rayuma.

Magagamit ang luyang dilaw sa pamamagitan pagpapakulo ng isang litrong tubig. Maglagay ng isang kutsarang turmeric powder sa kumukulong tubig. Palamigin ito at inumin ng 1-2 beses kada araw. Maaari ring ihalo ang pulbos ng luyang ito sa mga nilulutong ulam para sa additional benefits sa iyong kalusugan.

Isa pang napakabisang gamot sa rayuma, mapa sa tuhod man iyan o sa kamay, ang bawang. Mas magiging mabisa ito kung kakain nang hilaw 1 hanggang 2 cloves kasa araw.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Mga Gamot sa Rayuma na Ligtas Gamitin
Rate this post

Like us on Facebook!

KATULAD NA MGA ARTIKULO