Mga Mabisang Gamot sa Sakit sa Sikmura

Lahat ng tao ay nakaranas na ng pananakit ng sikmura. Walang pinipiling edad ang sakit na ito. Napakarami ring dahilan kung bakit sumasakit ang sikmura ng isang tao. Kung minsan ka nang sinikmura, o di kaya’s madalas mong maranasan ito, masasabi mong pangkaraniwang sakit na ito. Gayun pa man, hindi dapat binabalewala ito. Mainam na bantayan pa rin ang nararamdaman dahil baka iba na ito. Dapat din alam mo kung ano ang gamot sa sakit sa sikmura ang dapat inumin.

Katulad ng nabanggit, ang sakit sa sikmura ay maaaring masabing normal na at pwedeng maramadaman ng kahit na sino. Kung ikaw ay sinisikmura, ano ang unang-una mong naiisip? Marahil ang iyong mga kinain ang unang sumasagi sa iyong isipin. Pagkatapos nito, malamang na iisipin mo na kung ano ang maaari mong gawin at kung ano ang gamot para dito. Ang artikulong ito ay makakatulong sa iyo upang malaman ang mga mabisang gamot sa sakit sa sikmura.

Madidiskubre mo rito ang mga sumusunod:

  • Ibat-ibang sakit sa sikmura
  • Sakit sa sikmura dulot ng kabag
  • Sakit na may kasamang pagtatae
  • Malubhang pananakit ng tiyan
  • Iba pang dahilan ng sakit sa sikmura
  • Gamot sa sikmura sa natural na paraan
  • Gamot na mabibili over the counter

Bago natin pag-usapan ang gamot sa sakit sa sikmura, talakayin muna natin ang ibat-ibang uri ng sakit sa sikmura.

Mga ibat-ibang klase ng sakit sa sikmura na maaaring maramdaman

Ang panakit ng sikmura ay maaaring paghilab o pananakit na maaaring panandalian lamang o hindi naman tumagal. May mga pagkakataon namang ang sakit ay malubha. Mayroon ding nawawala nalang bigla ang sakit at saka bumabalik makalipas ang ilang araw. Ang ganitong pananakit na tiyan o sikmura ay nangangailangan na ng pagkonsulta sa doktor lalo na kung ang sakit ay nasa isang bahagi lamang ng tiyan.

Sakit ng sikmura na may kasamang kabag

Kadalasan, ang nagiging sanhi ng sakit sa sikmura dahil sa kabag. Ito ay naipong hangin na hindi makalabas-labas. Ang ganitong uri ng sakit sa sikmura ay madali lang gamutin. Kung ikaw ay kinakabag madalas, alam mong madali lamang lunasan ito. Kadalasan, sa ganitong kalagayan ay maaaring mabigay ang pharmacist ng gamot katulad ng buscopan at mebeverine. May mga gamot na maaaring mabili over the counter at i-rekomenda ng pharmacist.

Sakit sa sikmura na may kasamang pagtatae

Mayroong pananakit ng sikmura na kung minsan, kapag nagtagal, ay nagdudulot ng pagtatae. Ang kadalasang sanhi nito ay gastroenteritis. Ang ibig sabihin nito, may infection sa loob ng tiyan. May mga ganitong pagkakataong ang sakit ay kusang gumagaling kahit hindi gamutin sa paglipas ng ilang araw. Ang gastroenteritis ay maaaring makuha o mahawa sa pakiki-salamuha sa mga taong mayroong ganitong klaseng infection. Puwede ring manggaling ito sa mga pagkaing kontaminadong. Ang mga pasyenteng mayroong irritable bowel syndrome (IBS) ay maaaring paulit-ulit na magkaroon ng ganitong sakit.

Malubhang pananakit ng sikmura o tiyan

Bagama’t nabanggit na ordinaryo lamang sakit sa sikmura, hindi rin dapat ipagsawalang-bahala ang ganitong karamdaman lalo na kung lumulubha na ang sakit na nararamdaman. Narito ang iba pang uri ng malubhang sakit ng sikmura at tiyan:

Bukod sa nabanggit, dapat ding malaman na may iba pang mga kadahilanan kung bakit sumasakit ang sikmura at tiyan. Narito ang ilan sa mga posibleng dahilan:

  • IBS – ang kadalasang sintomas nito ay paghilab ng tiyan, kabag, pagtatae, at constipation
  • IBD – inflammatory bowel disease
  • UTI – urinary tract infection
  • Period pain – pananakit at paghilab ng tiyan dahil sa buwanang dalaw
  • Stomach ulcer, heartburn, at acid reflux

Mayroong gamot sa sakit sa sikmura na maaaring ibigay o ireseta ng doctor. Maaari ring piliin ang natural na pamamaraan o mga remedyo na maaaring mahanap lamang sa paligid . Ang mga ito ay maituturing ding gamot sa sakit sa sikmura.

Gamot sa sakit sikmura sa natural ng paraan

  • Luya – ang luya ang mayroong anti-inflammatory properties at iba pang mga benepisyo para sa kalusugan. Tumutulong ito sa digestion at nagpapagaling sa pananakit ng tiyan. Maaaring ilaga ang sariwang luya at saka inumin ito. Maaari ring balatan at gadgarin ang sariwang luya at pagkatapos ay inumin ito.
  • Maligamgam na tubig at lemon – ang kaunting katas ng lemon na inihalo sa maligamgam na tubig ay gamot sa sakit sa sikmura na madaling gawin. Pwede rin ang maligamgam na lemon juice.
  • Maligamgam na tubig at asin – alam na marahil ng marami na ang maligamgam na tubig at asin ay karaniwang gamot sa sore throat. Ngunit ang isang tila nakapagtataka, ang maligamgam na tubig at asin ay gamot sa sakit sa sikmura. Lagyan ng isang kutsaritang asin ang isang basong maligamgam na tubig, mas makabubuti kung iinumin ito ng biglaan. Ang ganitong uri ng gamot sa sakit sa sikmura ay hindi inirerekomenda sa mga pasyenteng mayroong mataas na blood preasure.
  • Baking soda – hindi mo na kailangang bumili ng antacid para sa heartburn at indigestion. Ang karaniwang sangkap ng mga antacid ay ang sodium bicarbonate o kaya ay baking soda. Lagyan ng isang kutsarita ng baking soda ang isang baso ng maligamgam ng tubig at ska inumin ito. Ito ay katumbas din ng mga nabibiling antacid
  • Apple cider vinegar – ang apple cider vinegar ay mayroong antiseptic at may natural na paraan na panglinis ng tiyan na tumutulong sa digestion. Ito rin ay nag- aabsorb ng nutrients at nagpapagaling ng sakit ng tiyan. Lagyan ng ilang kutsrang apple cider vinegar ang isang baso ng maligamgam o malamig na tubig, para sa mas mabisang paraan inumin ito bago kumain. Siguraduhing apple cider vinegar ang gamitin hindi ang ibang klaseng vinegar.

Maliban sa mga nabanggit na gamot sa sakit sa sikmura sa natural na paraan ay may mga over the counter na gamot ding mabibili kahit walang reseta.

Gamot sa sakit sa sikmura na mabibili over the counter

  • Antacid – isang subok nang gamot sa sakit sa sikmura na may mga sangkap na katulad ng baking soda, calcium carbonate o kaya ay magnesium compounds.
  • Alginic acid – kung minsan ay pinagsasama o isinasabay ito sa antacid para sa mabilis na epekto. Ang antacid ay nag-nu-neutralize ng acid sa sikmura ang, habang ang alginic acid naman ang nagpoprotekta sa GI tract at sa mga namamagang bahagi ng sikmura.
  • H2 blockers – katulad famotidine, cimetidine at ranitidine – ito ang ng pumipigil sa pagdami ng acid. Ang bisa nito ay mas tumatagal kaysa sa antacid. Ang bisa ng Proton pump inhibitors (PPIs) ay tumatagal ng 24 oras para pigilan ang pagdami ng acid. Ang lansoprazole at omeprazole naman, ay mga proton pump inhibitors.

Dapat ka lamang mag-ingat sa mga gamot na nabibili over the counter dahil maaari itong magdulot ng side effect. Subalit kadalasan, ang mga side effect ay hindi naman tumatagal. Katulad na lamang ng hindi komportableng pakiramdam, constipation, pagtatae, at pananakit ng ulo. Mas makabubuti kung magtatanong muna sa doktor bago uminom ng gamot lalo na kung buntis, o kaya naman ay papasusu. Mas lalo ring kumonsulta sa doktor ng mga taong may karamdaman katulad ng sakit sa atay at kidney, o ulcer.

Ang sakit sa sikmura ay napakadali na lamang gamutin. Ngunit kung sa kabila ng mga gamot sa sakit na sikmura na iniinom ay patuloy pa rin ang pagsakit, at ang iba pang mga sintomas ay tuloy-tuloy pa ring nararamdaman, dapat nang kumunsulta sa iyong doktor. Higit sa lahat, ang tamang pangangalaga sa katawan ay ang pinakamabisang gamot hindi lang sa sakit sa sikmura, kundi sa kahit na ano pang uri ng karamdaman..

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Mga Mabisang Gamot sa Sakit sa Sikmura
Rate this post

Like us on Facebook!

KATULAD NA MGA ARTIKULO