Gamot sa Ulcer: Mga Katotohanan Tungkol sa Sakit na Ulcer

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

May ulcer ka ba o isa sa mga mahal mo sa buhay? Ito ay isa sa mga pangkaraniwang sakit na nararamdaman sa ating bansa. Maraming mga Pilipino ang may ganitong kondisyon at para sa kanila, ordinararyo na lamang ito. Kung pamilyar ka sa ganitong karamdaman, alam mo rin marahil kung bakit nagkaka-ulcer ang isang tao. At ang mga pasyente ng sakit na ito ay alam na alam na rin sigurado ang paraan ng paggamot dito. Kung ikaw naman ay bago sa ganitong health condition at marami pang gustong malaman tungkol dito, you’re on the right page. Maging ang gamot sa ulcer na mabisa at mabilis tumalab ay matutuklasan mo rito.

Narito ang ilang mahahalagang imormasyong matutuklasan mo rito:

  • Mga dahilan ng ulcer
  • Mga puwedeng ipayo ng doktor
  • Ibat-ibang gamot sa ulcer
  • Mga side effects na dulot ng gamot sa ulcer
  • Mga natural na gamot sa ulcer

Ang ulcer, kung minsan, ay tinatawag na gastric ulcer kung saan ay nagkakaroon ng sugat sa lining ng tiyan. Ang ibig sabihin nito ay sobra ang acid sa tiyan. Ito ay nagdudulot ng pananakit ng tiyan. Ang karaniwang dahilan ng ulcer ay ang bacterium na Helicobacter Pylori o H pylori.

Kung minsan ang sakit na ito ay dulot ng sobrang paggamit ng painkillers tulad ng aspirin, ibuprofen at naproxen. Ang gamot sa ulcer ay maaaring antibiotics at antacid para mawala ang acid sa tiyan. Puwede rin naman ang mga remedyo na puwedeng gawin kahit nasa bahay lamang o mga natural na gamot sa ulcer. Mas makabubuting kumonsulta sa doktor kapag nakakaranas ng ganitong sitwasyon. Maaari ring itanong sa doktor ang tungkol sa mga dapat kainin at hindi dapat kainin ng taong may sakit na ulcer.

Gamot sa ulcer, at mga payong maaaring ibigay ng doktor

Ang gamot sa ulcer na maaaring ibigay ng doktor ay depende sa dahilan nito. Ang karaniwang gamutan dito ay 1-2 buwan bago ito tuluyang gumaling. Kapag ang ulcer ay dulot ng bacteria na H. pylori, ito ay maaaring bigyan ng antibiotic o proton pump inhibitor (PPI).

Ibinibigay din ang gamot na ito sa mga taong ang dahilan ng ulcer ay kombinasyon ng H. pylori at paggamit ng mga gamot na non-steroidal anti-inflammatory drugs o mga painkillers. Kapag ang ulcer ay dahil sa paggamit ng mga painkillers, ito ay maaaring gamutin sa pamamagitan ng PPI o proton pump inhibitor na gamot sa ulcer. Kasabay nito, maaari ring payuhan ang pasyente o bigyan ng bagong gamot o painkiller na hindi makakaapekto sa tiyan o ulcer.

Ang isa pang uri ng gamot sa ulcer ay tinatawag na H2-receptor antangonist, sa halip na PPI. At kung minsan, may kasama itong antacid para mawala kaagad ang mga sintomas na nararamdaman. Pagkalipas ng 6 na linggo, ang pasyente ay sasailalim uli sa pagsusuri katulad ng gastroscopy para malaman kung ang ulcer ay gumagaling. Sa panahon ng gamutan, ang doktor ay puwedeng magpayo sa pasyente na iwasan ang mga pagkaing maanghang, inuming may alcohol, huwag manigarilyo at ma-stress.

Mga uri ng gamot sa ulcer

Antibiotic

Kapag ang dahilan ng ulcer ay bacteria na H.pylori, maaaring magbigay ang doktor sa pasyente ng abtibiotic at iinumin nya ito ng 2 beses sa isang araw sa loob ng isang linggo. Ang karaniwang antibiotic na puwedeng ibigay ay amoxicillin, clarithromycin at metronidazole.

Ang mga side-effects ng antibiotic na ito ay:

  • Nagdudulot ng masamang pakiramdam
  • Pagtatae
  • Masamang lasa na naiiwan sa bibig

Pagkalipas ng isang buwan ay sasailalim uli ang pasyente sa pagsusuri upang malaman kung gumaling na ang kaniyang ulcer, o kaya ay malalaman kung mayroon pang natirang H.pylori sa kaniyang katawan. At kung sakaling may natira pang bacteria, maaaring magbigay uli ang doktor ng ibang uri ng antibiotic.

Proton pump inhibitor PPI

Ang ganitong uri ng gamot sa ulcer ay ginagamit ay para hindi na dumami pa ang acid sa tiyan at para maiwasan ang magkasugat pa ang tiyan. At upang gumaling ito sa natural na paraan, karaniwan na ipinapayo itong gamitin sa loob ng 1-2 buwan. Ang mga PPI o mga uri ng gamot sa ulcer ay tulad ng omeprazole, pantoprazole at lansoprazole. Ang mga gamot na ito ay may mga karaniwang side-effects lamang.

Mga side effects ng PPI:

  • Sakit ng ulo
  • Pagtatae o kaya ay hirap sa pagdumi
  • Masamang pakiramdam
  • Pananakit ng tiyan
  • Pagkahilo
  • Pantal

Ang mga side effects na ito ay lumilipas lamang pagkatapos ng gamutan.

H2-receptor Antangonist

Ranitidine – Ito ay isang mabisang gamot sa ulcer na nasa H2-receptor Antangonist.

Narito ang ilang side effects na maaaring maranasan:

  • Pagtatae
  • Sakit ng ulo
  • Pagkahilo
  • Pantal
  • Pakiramdam na pagod

Antacid at alginates

Ang mga gamot sa ulcer na nabanggit sa unahan ng artikulong ito ay ilang oras bago pa tumalab o eepekto kaya naman kung minsan ay kasabay ng mga gamot na nabanggit ay binibigyan ito ng antacid para makatulong na bumuti ang pakiramdam ng tiyan. Ang ibang antacid ay mayroong sangkap na alginates na nagpoprotekta sa lining ng tiyan.

Ang ganitong gamot ay nabibili sa botika o over the counter. Puwede kang magtanong sa pharmacist tungkol dito at ikaw ay bibigyan ng antacid na babagay saiyo. Kapag nakakaramdam ka ng mga sintomas pagkatapos kumain o bago matulog, puwede kang gumamit ng antacid. Ito ay mayroong alginates na mas nagiging mabisa kung gagamitin pagkatapos kumain.

Mga karaniwang side effects ng antacid:

  • Pagtatae o kaya naman ay, hirap sa pagdumi
  • Sakit ng tiyan
  • Hangin sa tiyan

Mga natural na gamot sa ulcer

Narito ang ilang mga natural na gamot sa ulcer na puwedeng makatulong sa ganitong kondisyon

Probiotics

Ang mga pagkaing mayroong probiotics ay may mga mabuting bacteria at microorganisms na tumutulong sa digestive system ng tiyan. Narito ang ilang pagkain na mayroong probiotics:

  • Buttermilk
  • Yogurt
  • Miso
  • Kimchi

Puwede ring gumamit ng mga probiotic supplement.

Honey

Ang honey ay mayroong 200 elements tulad ng polyphenols, antioxidants, antiobiotics at marami pang iba na makakatulong sa katawan panlaban sa mga ibat-ibang sakit gaya ng ulcer. Hindi ito rekomendado sa mga pasyenteng may ibang sakit tulad ng diabetes dahil ito ay matamis at puwedeng makadagdag sa blood sugar level.

Flavonoids

Sinsabi ng mga pag-aaral na flavonoids o kaya kung minsan ay tinatawag na bioflavonoids ay isang epektibong gamot sa ulcer. Ang mga flavonoids compound ay matatagpuan sa ilang prutas at gulay tulad ng:

  • Soybeans
  • Legumes
  • Red grapes o pulang ubas
  • Kale
  • Broccoli
  • Mansanas
  • Berries
  • Tea (mas mabisa kung green tea)

May mga natural na gamot sa ulcer at mga gamot na mabibili over the counter. Subalit mas makabubuti pa rin kung kokonaulr sa doktor. Siya ay maaaring gumawa ng mga pagsusuri upang matukoy ang tunay na dahilan ng ulcer at mabigyan ito ng tamang gamot.


  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

KATULAD NA MGA ARTIKULO

Related posts