Mga Dapat Alamin Tungkol sa Gamot sa Sakit ng Tiyan at Pagtatae

Naranasan mo na ba na sumakit ang iyong tiyan at nagdulot ito ng pagtatae? Ano ang ginawa mo? Kadalasan, napaka-stressful ng ganitong karanasan. Ang pagsakit ng tiyan na may kasamang pagtatae ay nakapagpapaantala sa mga pang-araw-araw na gawain. Tunay nga namang aksaya sa oras ang pagpapabalik-balik sa banyo. Kaya naman importanteng alam mo kung ano gamot sa sakit ng tiyan at pagtatae na dapat inumin sa mga ganitong sitwasyon at pagkakataon.

Tatalakayin sa artikulong ito ang mga impormasyon tungkol sa ganitong kundisyon. Makakatulong ito sa iyo para malaman mo kung ano ang dapat gawin sakali mang sumpungin ng sakit ng tiyan na may kasabay na pagtatae. Ang mga tatalakayin dito ay ang mga sumusunod:

  • Sanhi at sintomas ng sakit ng tiyan at pagtatae
  • Sakit ng tiyan at pagtatae ng buntis
  • Mga panagnib na maaaring idulot ng sakit ng tiyan at pagtatae
  • Mga pagsusuri na maaaring makatulong
  • Gamot sa sakit ng tiyan at pagtatae
  • Mga natural na gamot at remedyong pwedeng gawin

Ang sakit ng tiyan at pagtatae ay nangyayari dahil sa ibat-ibang dahilan. Ang ilan sa mga ito ay indigestion o hindi natunawan, viral infection katulad ng stomach flu, o sakit sa bituka. Para mabigyan ng tamang gamot sa sakit ng tiyan at pagtatae, dapat na alam ang sanhi at sintomas nito. Tama! Bago mo malaman kung ano ang tamang panglunas, importanteng alam mo muna ang dahilan ng pagkakasakit at ano ang klase ng sakit ng tiyan at pagtatae na dumapo sa iyo.

Ang sakit ng tiyan ay pwedeng magsimula sa ibaba ng dibdib hanggang sa may balakang. Maaaring makaramdam ng hilab, sakit o kabag ng tiyan. Samantalang ang pagtatae naman ay ang madalas na pagpunta sa banyo para dumumi, malambot o matubig na dumi o tae. At kadalasan, ang pagtatae ay may kasamang pananakit ng tiyan.

Sanhi ng sakit ng tiyan at pagtatae

Kadalasan, ang discomfort na nararamdaman dulot ng pananakit ng tiyan at pagtatae ay hindi naman nagtatagal. Kung minsan ang dahilan nito ay sa pagkain na kinain o sobrang pag-inom ng alak. May mga pananakit ng tiyan at pagtatae namang dahil sa mga seryoso at nangangailangan ng gamot o medikal na atensyon. Halimbawa na lamang sa pagtataeng mayroong kasamang dugo. Ito ay posibleng may seryosong dahilan. Narito ang ilang sintomas na pwedeng maging dahilan ng pagtatae:

  • Viral gastroenteritis o stomach flue
  • Bacterial gastroenteritis (food poisoning)
  • Allergy sa pagkain
  • PMS (premenstrual syndrome)
  • IBS irritable bowel syndrome, isang karaniwang sakit na naapektuhan ang digestive system
  • Diverticulitis
  • Lactose intolerance: Hirap na tunawin ang lactose o asukal na matatagpuan sa gatas o iba pang pagkaing galing sa gatas
  • Fecal impaction
  • Intestinal obstraction
  • Colitis
  • Appendicitis
  • West nile virus
  • Parasites (giardiasis, amebiasis, at hookworm)
  • Bacterial infection gaya ng shigellosis at E.coli
  • Allergy sa gamot
  • Celiac disease
  • Chron’s disease
  • Cystic fibrosis
  • Dahil sa strees at iba pang mga ikinakabahala
  • Ang iba naman ay dahil sa kanser

Iba pang sanhi ng pananakit ng tiyan:

  • Sakit sa bituka
  • Sakit sa bato
  • Dahil sa appendex
  • Sakit sa pantog
  • Sakit sa atay
  • Sakit sa apdo

Ang pananakit ng tiyan na hindi nawawala sa loob ng halos isang linggo ay maaaring senyales na ng sakit sa bituka. Ang ganitong kalagayan ay dapat lamang na matingnan ng doktor at masuri upang mabigyan ang tamang lunas. Sa katulad na paraan, ang gamot sa sakit ng tiyan at pagtatae ay dapat lamang na rekomendado ng iyong doktor.

Sakit ng tiyan at pagtatae ng buntis

Ang mga babae na ngadadalantao o kaya ay buntis ay madalas na nakararanas ng sakit ng tiyan at pagtatae. Ang karaniwang dahilan, kapag buntis ang isang babae ay nagbabago ang mga gustong nitong kainin. Kaya naman ito ay nagdudulot ng digestive stress. Ang iba naman ay nagiging maselan sa mga pagkaing kinakain. Dahil dito, sumasakit ang tiyan ng buntis na may kasamang pagtatae. Ang pagbabago ng hormones ng buntis ay maaari ring magkadagdag sa mga sintomas na nararanasan.

Kung kalian kailangan na ng magpatingin sa doktor?

Kapag ang sakit ng tiyan at pagtatae ay tumagal na ng tatlong araw at lalong lumamalala ang sintomas na nararamdaman. At sa loob ng 24 oras ang mga sintomas ay lalong lumalala at nakakaranas ng mga ganito:

  • Patuloy na panghihina at pagsusuka
  • May kasamang lagnat, lalo na kung ang pasyente ay bata
  • Kapag ang dumi ay kulay kape o may kasamang nang dugo
  • Kapag ang anumang kinain ay isinusuka
  • Nakakaramdam ng sobrang uhaw at panunuyo ng bibig
  • Hirap makakita at magsalita
  • Nawawala na sa sariling katinuan
  • Paninilaw ng balat at mata
  • Panginginig
  • Pagpapawis ng maselang bahagi ng katawan
  • External bleeding

Ang mga ganitong kalagayan ay maaaring dahil sa mas malala nang kundisyon. Kapag nakaranas na nito, lalo na ang mga bata at sanggol, dapat nang patingnan sa doktor kaagad upang mabigyan ng tamang gamot sa sakit ng tiyan at pagtatae na angkop sa kanila.

Paraan ng pagsusuri sa sakit ng tiyan at pagtatae

Tanging ang doktor ang nakakaalam kung ano ang mga dahilan ng sakit na tiyan at pagtatae. Siya rin ang maaaring magsagawa ng mga pagsusuri gaya ng:

  • Endoscopy – gumagamit ng maliit na kamera ang doktor mula sa lalamunan hanggang sa loob ng tiyan para malaman ang dahilan ng sakit ng tiyan. Nakikita dito ang ulcer at iba pang kondisyon ng tiyan.
  • Colonoscopy – ang kamera naman nito ay sa rectum inilalagay upang malaman ang kondisyon ng tiyan at mga sakit gaya ng ulcer at polyps.
  • Lower GI (gastrointestinal) tract radiography – ito ay isang uri ng x-ray sa tiyan

Ang mga ganitong pagsusuri ay ginagawa ng doktor upang makasiguro at mabigyan ng tamang gamot sa sakit ng tiyan at pagtatae ang pasyente.

Gamot sa sakit ng tiyan at pagtatae

Ang gamot sa sakit ng tiyan at pagtatae ay ibinibigay lamang ng doktor ayon sa mga sintomas at mga resulta ng pagsusuring isinasagawa. Kapag ang sakit ng tiyan at pagtatae ay dahilan lamang sa stress, maaari itong gawan ng mga kahit na natural na remedyo lamang na matatagpuan sa loob o paligid ng bahay.

Narito ang ilang gamot sa sakit ng tiyan at pagtatae na puwedeng ibigay:

  • Antibiotic – para sa mga bacterial infection at food poisoning
  • Gamot sa allergy – ito ay kapag allergy ang pinagmulan ng sakit ng tiyan at pagtatae
  • Antidepressants – kung pagkabahala ang dahilan ng sakit ng tiyan at pagtatae
  • NASIDs o none steroid anti-inflammatory drugs – para naman sa PMS
  • Anti-parasitic drugs naman – para patayin ang parasites

Mga remedyo at natural na gamot sa sakit ng tiyan at pagtatae

Ang isa sa mahusay na paraan habang nakakaranas ng sakit ng tiyan at pagtatae ay para hindi ma-dehydrate ang pasyente. Kaya naman dapat lamang na uminom ng maraming tubig at fliud habang nakakaranas ng ganitong sintomas. Makatutulong din ang pagkain ng mga pagkaing hindi mabigat sa tiyan gaya ng lugaw at itlog. Iwasan ang matatabang at maaanghang na pagkain,

Ang ganitong sakit ay dapat na huwag isa walang-bahala, dahil baka magkaroon ito ng mga komplikasyon na maaaring maging dahilan ng mas malubhang karamdaman. Kumonsulta sa iyong doktor upang mabigyan ng tamang gamot sa sakit ng tiyan at pagtatae.

KATULAD NA MGA ARTIKULO